Chapter 16 - The Promise

955 27 3
                                    

PABABA ng hagdan ang senyora ng salubungin ito ni Lumen upang iabot ang isang puting sobre. "Senyora, may sulat po kayo, dumating kahapon. Mukhang importante po yan, Ma'm?"

"Natural, sulat, importante!" iritableng sagot nito. Mainit ang ulo nito dahil sa natambakan siya ng problema sa kaniyang negosyo. Namasyal kasi ito ng ilang araw sa Singapore at Malaysia kasama ng mga kumare nito. "Sige na, ipaghanda mo ako ng merienda."

Inakala ng senyora na hindi naman ganoon ka-importante ito kaya inilapag na lang niya ang sobre sa mesa. Napatitig siya sa sobre at may kung anong nag-udyok sa kaniya na buksan ang laman nito. Nang binabasa na niya ang sulat ay may namuong mga luha sa mga mata nito.

"O, ano ang iniiyak-iyak mo, diyan? Ikaw naman ang may gusto nito," sabi nito sa sarili at pagkatapos ay nagpahid na siya. Lingid sa kaalaman niya ay nasa likod niya si Stephen.

"What's wrong, Ma? What was that letter all about?" alalang tanong ni Stephen.

"Wala 'to," sabay buntong hininga. "Annulment lang naman namin ng Papa mo. Sa wakas, p'wede na siyang mag-asawa ulit," sarkastikong sabi nito.

Inabot nito ang papel kay Stephen, ngunit tinabig niya na lang ito. Hindi siya interesadong makita ang pagwawalang bisa ng kasal ng kaniyang mga magulang. Sinarili na lang niya ang sakit na nararamdaman niya para sa kaniyang ina. Maging siya ay tuluyan ng nawalan ng pag-asa na maging buo pa silang pamilya.

Umupo si Stephen sa tabi ng ina para kahit paano ay madamayan niya. "I'm sorry Ma. Wala akong nagawa para pag-batiin kayo ni Papa." Bakas ang labis na lungkot sa mukha ni Stephen.

"No Stephen. It's not your fault." Napasandal ang ina sa balikat ni Stephen. "It's always the fault of the parents when marriage doesn't work for them. You shouldn't feel guilty about it. Mas maganda na ang ganito. It's lonely, but I'm at peace." Pagkatapos niyang sabihin ito ay tumingin ito sa mga mata ni Stephen at ngumiti. "As long as you're here, I'm happy."

"But you love him, right?"

Hindi muna ito kaagad nakasagot. "I do. I always will. But it's over now for us. Hindi ko na puwedeng kainin ang isinuka ko na."

Nalungkot ulit si Stephen sa kaniyang narinig. "I do hope na magkabati rin kayo ni Papa." Napakibit na lang ang ina. "Did you ever regret marrying him?"

"No, naman. Kahit na paano ay may mga happy moments din naman kami ng Papa mo. Kung may pinagsisisihan man ako ay sana naging mapang-unawa ako sa kaniya. Kung hindi naman ako nagpakasal sa kaniya, e di wala sana akong guwapong anak."

"Tumpak, Ma!" Nagkangitian ang dalawa. "Basta ako, I'll see to it that this will not happen to me and my family."

"You better keep that promise! Learn from our mistakes too, Iho. Don't do what your father did. Make sure that you will give your family enough time. Napaka-importante ng panahon sa pamilya. Kami kasi ng Papa mo, nabuhos ang oras namin sa paghahanap-buhay. Mali rin pala iyon. Minsan nga naisip ko na sana naging simple na lang ang buhay natin siguro buo pa tayo ngayon."

 Nanahimik lang si Stephen. Ayaw naman niya itong sisihin dahil naibigay din lahat ng mga magulang niya ang kaniyang pangangailangan, iyon nga lang, kulang naman ang mga ito sa panahon sa kaniya. Halos lumaki siya kasakasama lang ang mga katulong. 

Napabuntong-hininga na lang ang senyora. Hindi man sabihin ng anak ang mga hinanakit nito sa kanila ay alam niya ito. "Kung ganoon, masuwerte si...whoever she is."

"Ma, si Beverly yon! Nararamdaman ko na siya talaga ang para sa akin."

"Siya! Si Beverly na kung si Beverly. Parang siguradong-sigurado ka na? Ni hindi mo nga alam kung anong nangyari na doon. Malay mo, baka may boyfriend na yon?"

Shattered StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon