Chapter 36 - Get Ready to Rambol

705 23 2
                                    

KASALUKUYANG binabaybay ni Stephen ang kahabaan ng Maharlika Highway. Sa wakas ay matatapos na ang paghihirap na idinulot nito sa kaniya dahil ilang sandali na lang ay magaganap na ang paghaharap nila ni Apollo. Handa na siya sa maaaring mangyari kahit na nga dalawang linggo lang ang kaniyang pagsasanay. Ang tangi pag-asa na lamang niya ay ang himala ng Diyos sa kaniya. Mabuti na lamang at maganda ang panahon ng araw na iyon kung hindi mas lalong magiging delikado ito para sa kaniya. Habang papalapit naman siya ay palakas nang palakas ang kabog ng kaniyang dibdib. Kailangan mawala ito kung hindi ay maaari niya itong ikapahamak.

Nasagi sa isipan niya noong bata siya ay sinamahan siya ng kaniyang Mama at Papa sa isang school play at napansin ng mga ito ang pagkabalisa niya. Ang ginawa ng Papa niya ay sumipol ito at pinasabay siya. Natawa pa ang ina dahil hindi pa siya noon marunong sumipol, ngunit napawi nga nito ang kaniyang kaba kaya nakapagtanghal siya ng maayos. Ganoon nga ang ginawa niya, huminga siya nang malalim, pagkatapos ay sumipol. Unti-unti namang kumalma ang kaniyang pakiramdam.

Minuto na lang at nasa bukana na siya ng Bitukang Manok. Tamang-tama ang dating niya. Ang ipinagtataka niya ay kung paano inorganisa ni Apollo ang ganitong klase ng karera gayong isa itong underground racing. Maaaring ginamit ni Apollo ang kuneksiyon ng lolo nito sa pulitika. Kung sabagay kahit pansamantala nitong ipinasara ang Eme Road ay makakapag-biyahe pa rin ang mga motoroista papuntang timog via Quirino Highway. Napailing na lang siya dahil sa pagpupursige nito na makuha ang kaniyang magarang sasakyan.

Limang daang metros pa ang layo nito ay napansin niyang may mga ilang sports car ang nakaparada sa gilid ng kalsada, tanda ito na malapit na siya. May naririnig rin siyang tutugan sa labas na maaaring nagmula sa mga malalakas na tunog ng car stereo. Hindi niya akalain na may mga inimbitahan si Apollo na mga kakilala nito upang saksihan ang laban nila. Sa bandang unahan niya ay may barikada kaya bumagal ang andar ng sasakyan niya. Nagsalitsalitan kasi ang mga sasakyan pagdating sa may barikada. Marami tuloy sa mga motorista ang naging iritable sa pagkainip. Nataon na hapon iyon ng Linggo kaya naman nagdagsaan ang mga sasakyan. Wala kamalay-malay ang mga ito na may gaganapin silang isang karera.

Pagkalampas niya sa barikada ay may isang lalaki ang nakakilala sa kaniyang sasakyan at sinenyasan siya nito na dumiretso lang hanggang sa pinatigil siya sa isang tabi. Pagkahinto niya ay nakita niyang naglalakad papalapit si Apollo na naka all black leather suit at dark shades ito. Kahit na nga sa palagay niya ay mahigit trenta na ito ay hindi maitatatwa ang kakisigan nito kaya't maraming mga babae ang umaaligid dito na lalo pa nitong ikinayabang. Samantala, ang mga kalalakihan naman ay nakatingin sa mga magagarang kotse. Manghang-mangha rin ang mga ito sa sasakyan nila.

Agad siyang lumabas upang harapin si Apollo. Naririnig pa niya ang mga bulong-bulongan ng mga miron, ngunit hindi niya na ito inintindi. Habang papalapit siya ay naririnig niya ang boses ni Apollo na nakatayo sa unahan ng kaniyang kotse.

"Hello there miss beautiful? Come to your new daddy," bati ni Apollo sa kotse niya habang hinihimas-himas ang hood nito. "Soon you'll be mine, whether you like it or not." Tinawanan pa siya nito ng malakas na ikinais niya.

Binilisan pa ni Stephen ang kaniyang paglalakad papunta kay Apollo. "Don't you dare touch my car!" saway niya. "She's still mine!"

"Chill, Kiddo! I bring no harm to her. You know naman na gusto ko 'tong car mo." Tinapik pa nito ang kotse. Humakbang pa ng kaunti si Apollo para makapagusap sila ng malapitan. "Glad you made it on time. Sa wakas may idadagdag na naman ako sa collections ko."

Lalong nairita nito si Stephen. "Bakit kailangan mo pa itong gawin, p'wede mo naman itong ipa-carnap? Look at all the hassles you've done. Hindi ka pa ba kuntento sa mga nakolekta mo?" Napapabalita kasi na nasa car smuggling at carnapping business itong si Apollo.

Shattered StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon