BUBUKSAN na sana ni Stephen ang mga mata nang makita ng senyora na papalapit si Lumen, isa rin nilang kasambahay na kaedadan ni Cora. Biglang napasigaw ang senyora ng, "Wait muna, Iho" Tinakpan kaagad nito ang mga mata ni Stephen gamit ang kaniyang dalawang kamay.
Magsasalita sana si Lumen ngunit sinenyasan ito ng senyora na huwag magsalita. Pinalapit ito at ipinatayo sa harapan ni Stephen. "Ok, open your eyes na."
Nang buksan na ni Stephen ang kaniyang mga mata, natawa siya. "Hehehe, Ma. That's funny!" Hinanap niya ang ipapakilalang bisita. "Where is she?" Nang mapansin niya ang isang sports car sa likod ni Lumen. "Wow! Is that hers?"
"Ano ba yong sasabihin mo, Lumen?" tanong ng senyora kay Lumen.
Habang nag-uusap sina Lumen at ang senyora ay nilapitan ni Stephen ang sports car at sinuri niya ito. Gandang-ganda siya sa kotse.
Nang makaalis si Lumen, "Do you like it?" tanong ng senyora kay Stephen na patingin-tingin pa rin sa kotse.
"I'm dying to have this gorgeous lady." Sabay haplos sa kotse. Napatingin ulit siya sa ina. "Where is she?"
"There, in front of you," sagot ng ina.
Sandaling napatulala si Stephen. "This is she? Is this mine?" Napalingon siya sa senyora at nakita niya ang pagtango nito. "Really?" tanong niya na nakanganga pa. "Am I dreaming?" Tinapitapi niya rin ang kaniyang pisngi.
Isang dilaw na Lamborghini Gallardo ang nasa harapan niya at bagung-bago ito.
"You're not dreaming, but you've been dreaming about that car ever since," nakangiting sagot ng ina. "Happy birthday, Stephen! That's my gift for you!" Batid ang labis na kasayahan sa mukha ng senyora para sa kaniyang anak.
Halos hindi rin makapagsalita si Stephen sa labis na tuwa. Nautal pa siya. "I-I don't know what to say, Ma. I never thought that you will buy this for me. This is a very expensive car!" pasigaw niyang sagot. "And it's worth a fortune!"
"Well, it is! But I don't mind spending our fortune just for you. Aanhin ko naman ang pera natin kung malungkot naman ang nag-iisa kong anak?"
"Ma, naman. You really surprised me. Kulang na lang aatakihin na ako sa puso." Hinawakan pa nito ang dibdib niya dahil sa bilis ng tibok nito. "How did you know about the model? I never told you about it."
"I overheard you one time while you were jamming with you friends here. Sabi mo sa kanila, kung nakapasa ka sana sa Bar at naging lawyer ka, yan ang bibilhin mo. You described every detail and I noted it. I asked a good friend to find me, and there she is now."
Habang patuloy na nagsasalita ang ina, bigla niyang naalaala nang magwala siya noon sa kuwarto niya nang malaman niyang hindi siya nakapasa sa Bar. Pinagpupunit niya ang nag-iisang poster ng Lamborghini sa kaniyang kuwarto maging ang mga matchbox collectible cars ay pinagtatapon din niya.
Napansin ng senyora ang biglang pananahik ni Stephen. "Why? What's wrong?"
"Nothing Ma. Nahihihiya lang po ako sa'yo. Lagi mo na lang akong iniisip. While me, I haven't given you anything."
"You're wrong about it. Having you as my son is everything for me. Kaya ibibigay ko sa'yo ang lahat nang makakayanan ko, mapasaya lang kita."
"Thank you so much for everything, Ma. But this is a very expensive car!"
"There you are again. Ay naku Stephen. You really don't know our resources. I got the money from my savings. Remember the necklace I gave to Naz, that was the time we won the annual jewelry design competition in Hong Kong. Malaki ang kinita ko doon. I feel so blessed that's why I gave Naz that necklace na binigay niya rin kay Beverly."
BINABASA MO ANG
Shattered Stephen
ActionSalawahan, two-timer, kaya iniwan siya ng mga babaeng tunay na nagmamahal sa kaniya. Iyan si Stephen Aquino. Nang dahil sa kaniya, muling nagmahal at nasaktan si Beverly. Nang dahil din sa kaniya, nabigo nang husto ang pag-asa ni Sophie na silang da...