Chapter 34 - Hello Clarissa

649 22 3
                                    

INIHAW na bituka ng manok? Agad niyang naalala ang isang kalsada na pa-zigzag papuntang Bicol. Tinatawag din iyong Bitukang Manok. Kinabahan siya dahil balitang delikado ang lugar na iyon sa mga motorista lalo na sa mga mabibilis magpatakbo. Hindi lang kasi iyon paliku-liko, kung hindi may mga mababanging parte ang lugar na iyon.

"Tingnan mo na 'to, tulala na naman." Yinugyog siya ni Candice sa may balikat. "Hoy! Saan nga 'yon?"

Nang mapukol ulit ang atensiyon niya kay Candice. "Ha? Doon sa may alternate road papuntang Bicol," dahan-dahang sagot niya na malalim pa ring nag-iisip. Napabuntonghininga pa siya. Akala pa naman niya ay sa isang racing track ang kanilang paglalabanan. "'Yong Eme Road, sa may Quezon." Tatango-tango si Candice. 

"No wonder, these kind of cars are built for that road. Matinding labanan ito!" kantiyaw nito. "We always passed by that road kapag nag ro-road trip kami noon nila Apollo papuntang Bicol. Napapasigaw nga ako kapag binubuyo niyang ihuhulog sa bangin 'yong sinasakyan namin. Feeling ko noon katapusan ko na."

"Baka high kaya ganoon." Natawa pa siya.

"Ewan? Iba lang talaga ang trip noon!" Napapadyak ito ng paa. "Ano ba yan? Ayoko nang maalaala 'yong mga araw na nakasama ko siya! I've seen a lot of worse things with that man."

Napansin nga niya ang pagkainis nito. "Ok. Let's not talk about him."

"Just becareful when you're out there."

"Napadaan na rin kami doon 'pag sinasama ako ng mga Bicolano friends ko during college days. Matarik nga at maraming blind curves, pero hindi naman siya delikado kung dahan-dahan lang ang driver."

"Hindi mo ba 'yon pupuntahan? So you can familiarize yourself."

"Baka bukas na. Kailangan ko na ring makabalik sa amin bago pa dumating ang Mama. Hindi niya dapat 'tong malaman."

"Kahit sinong magulang hindi papayag sa gagawin mo. Kung alam ko lang na doon kayo maglalaban, I should have stopped you." Naramdaman niya ang pag-aalala nito. "You don't have to do it, Stephen, kung sa tingin mong delikado ka."

"Ngayon pa ba ako aatras pagkatapos ng ilang araw kong pagpa-praktis, saka pagkatapos mo akong i-coach?"

"That's my boy!" Itinaas pa nito ang kanang kamay na nakakumo. "I'm just wondering why do you want to fight him? Ano ba talagang iniisip mo?"

Nanahimik sandali si Stephen at napatingin sa malayo. Mayamaya ay nagsalita siya ng marahan. "I've been a coward all my life, kaya siguro hindi ako makausad. Lagi kasi akong inuunahan ng takot. And because of that, I've made so many mistakes. Kaya nga kahit na delikado ang gagawin ko, I'm willing to take the risk. Sabi kasi ng Papa, if I'm strong enough to help others, I'm strong enough to help myself."

"I do agree." Napatango ito sa kaniya. "You do care for others pala talaga. I also lied when I said that you can't make the people around you happy, but you do."

"Alam ko naman na nadala ka lang ng galit mo sa akin." Nagkangitian sila. "Let's forget about it."

"Hindi ka naman duwag, Stephen. You're not just sure of what to do in your life. You get easily confused kasi. Alam mo kung paano mo ma-o-overcome ang mga limitations mo?" Nakatitig lang siya kay Candice. "You have to know your strength and weaknesses. Once you learn to discover those things, you will learn how to control your life."

"Wow, thanks! Another piece of advice from you!" sabi niyang nakangiti. "Promise me, huwag mong sasabihin ito kay Mama. Baka kasi magsumbong ka sa kaniya." Tumango lang si Candice. "Swear it?"

Shattered StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon