DUMATING nga si Stephen sa tinakdang oras ng ina. Pagdating niya ay abalang-abala ito. Nag-uasp muna ang dalawa sa may sofa ng opisina.
"What's the rush, Ma?" tanong niya.
"Thank you for coming, Iho. Ngayon kasi namin idi-deliver kay Candice yong item na nakuha niya sa auction. And I want you to assist my men. Could you do that for me?"
"Do I really have to do that?" reklamo niya.
"Sige na, please. You know how much she paid for that. Besides, I know that you too aregetting friends already," sabi ng ina.
Kumunot ang noo ni Stephen. "Friends? After she denied me seeing in that car show."
"What do you mean?" takang tanong nito.
"Ewan ko po ba, Ma. Nang makasalubong siya namin ni Sony kahapon sa car show, binati ko siya kasama ng mga friends niya, hindi raw niya ako kilala."
"There you go again. You're being too sensitive. Alam mo naman ang mga babae, may mood swing kami minsan. Maybe she was having a bad hair day."
"Kahit na. Hindi porke may mood swing, makakalimutan mo na ang isang tao. But you wouldn't believe this, Ma. She was in that show. She played some stunts there. Napahanga pa naman ako sa galing niya." Napabuntong-hininga pa siya.
"Really? Wow!" Nanlaki ang mga mata ni Kakay, pero nais matawa sa pagkukuwento niya. "So you like her na?" Napangis nai ito.
Agad namang napaurong sa kinauupuan niya si Stephen. "Just because of that? Hell no! But I find it strange after she denied me. Napahiya kasi ako. Buti kung wala akong kasama."
"Just forget about it. Let's not be judgemental about the shortcomings of other people. Maybe she has her reasons. O baka naman talaga hindi nga siya iyon si Candice." Napakibit na lang si Stephen ng balikat. "Actually, she was the one who requested if you could come. She asked me not to tell you."
"She did?" takang tanong niya. Napatango naman ang ina. Nakiusap ulit ang ina sa kaniya. "Sige na nga. How could I say no to you, Ma. Alam mo naman na baon na ako sa iyo sa utang," natawang sabi pa niya.
"Thank you Stephen. You know we have to take care of our customers. And she's a good buyer. She will refer me pa nga to her friends." Ganoon lang ang tingin nito kay Candice, isa lang mamimili. Mabuti naman nang hindi na ito sa kaniya ireto. Tumayo si Kakay. "Dito ka muna, may pupuntahan lang ako sandali."
Pagka-alis ni Kakay ay binuksan niya ang naiwan nitong laptop sa ibabaw ng mesa. Dahil walang magawa ay nag-browse muna ito ng web. "Let me see, Candice Peralta," sabi niya. Hinanap niya ang pangalan ni Candice sa Google baka sakaling may makuha siyang kakaibang impormasyon.
Inisa-isa niya ang mga lumabas na resulta, ngunit wala ni isa man sa mga katulad nitong pangalan ang tumutukoy kay Candice. Maaaring naka-pribado ang social site na sinalihan nito o gumagamit ng ibang alias. Maaari ring iba ang ispeling ng pangalan nito. Sa halip ay nagbukas na lang siya ng Youtube at nanood ng mga music videos. Napahikab pa siya dahil bigla na lang siyang inantok. Hindi kasi siya kaagad nakatulog sa kaiisip ng naging enkuwentro nila ni Sony ng gabing iyon. Mabuti na lang at hindi na niya ito kailangan pang ilakad kay Brenda. Ayaw niya kasi doon dahil sa maypagka-magaslaw ito. Napabuntong-hininga siya.
Mayamaya ay dumating na si Kakay kasama ang assistant nitong si Vilma na may dala-dalang attache case. Ito ang inatasan magdadala at mag-aabot kay Candice ng nabiling alahas. Binati siya nito nang makita siya.
Kung pagmamasadan ay ordinaryong babae lang itong si Vilma. Katamtaman ang taas at may pagka-morena. Hindi mahahalata na si isa itong black belter ng Judo at isa rin siya sa mga security ng senyora. Matagal-tagal na rin itong nagtatrabaho sa kumpanya nila kaya itinuturing na itong kanang kamay ni Kakay. Mahigit kuwarenta na ito. Nakadamit panlalaki, ngunit babae pa rin ang hitsura dahil sa ayos ng buhok nitong bagong rebond at may kulorete rin ang mukha.
BINABASA MO ANG
Shattered Stephen
ActionSalawahan, two-timer, kaya iniwan siya ng mga babaeng tunay na nagmamahal sa kaniya. Iyan si Stephen Aquino. Nang dahil sa kaniya, muling nagmahal at nasaktan si Beverly. Nang dahil din sa kaniya, nabigo nang husto ang pag-asa ni Sophie na silang da...