Chapter 10 - Fun Run ng mga Astig

1K 33 0
                                    

TULUYAN nang nanumbumalik ang dating sigla ni Stephen sa tulong na rin ng kaniyang ina lalo at dahil narin sa iniregalo nitong sasakyan. Simula noon, inihinto na niya ang gabi-gabing pag-inom at ang kaniyang paglalasing kasama ng kaniyang mga barkada. Naging maaliwalas na rin ang kaniyang aura at nawala na rin ang kaniyang pagiging bugnutin, na ikinatuwa naman ng mga kasamahan niya lalo na ng kanilang mga kasambahay.

Naging abala rin si Stephen sa mga sumunod na araw sa pagpaparehistro ng kaniyang sasakyan. Kasunod nito ay ang pagsali niya sa Sports Car Club. Suportado naman ito ng kaniyang ina kahit na may kaluhuan pa ito. Para sa senyora, masaya na itong makitang may pinagkakaabalahan ang kaniyang anak.

Nang magkaroon ng fun run ang ang kanilang club ay hindi na ito pinalampas ni Stephen. Isa itong motorcade ng mga magagarang sasakyan mula Manila patungong Batangas. Dito maglalabasan at magpapakitaan ng ganda at galing ang mga mamahaling kotse.

Sari't saring at matitingkad na mga kulay ang nagkalat habang ang mga ito ay nakaparke pa. Lalo pang nagsisikinangan ang mga ito sa tama ng sikat ng araw. Pati ang mga hitsura nito ay sadiyang nakakaaliw tingnan dahil animo'y may mga mata at bibig ang mga ito. Ang iba naman sa mga ito ay parang mga galit na halimaw sa tapang ng dating ng disenyo. Mayroon ding parang mga pakpak ang pintuan habang ito ay nakabukas. Hindi alintana ng mga sumali ang init ng araw maipakita lamang ang kanilang kotseng sila lang ang maaaring nagmamay-ari dito sa Pilipinas. Manghang-mangha naman ang karamihan sa mga manonood at halos lumuwa ang mga mata sa bawat sasakyang nakikita. 

Laking tuwa naman ni Stephen dahil sa unang pagkakataon napasama siya sa ganitong okasyon na noon ay pinapanood lamang niya. May kakaibang saya siyang nararamdaman dahil isa rin siya sa mapalad na nagmamay-ari ng pambihirang sasakyan. Para sa mga katulad ni Stephen, ang mga ganitong sasakyan ay maikukumpara sa mga babaeng supermodel na dapat ipinagmamalaki.

PAGKATAPOS ng nakakallulang parada ng mga magagarang sasakyan ay nauna nang umuwi si Stephen. Dahil maaga pa naman, naisipan niyang dumaan muna sa may Roxas Boulevard para  manood ang paglubog ng araw sa may Manila Bay. Napangisi pa siya nang naalala niyang muli ang gabing namasyal sila sa lugar na iyon ni Beverly. Isa iyon sa pinakamakulay niyang gabing nakapiling niya ito. Oo nga at nawiwili siya sa kaniyang bagong sasakyan, ngunit hindi pa rin niya maipagpapalit ang tunay na saya ng isang tutuong pag-ibig.

Pumarada siya sa may CCP at nakita niya na may mga ilang sports car din ang nauna nang pumarada na galing din sa nasabing fun run. Nang maiparada na niya ang kaniyang sasakyan, pagkababa niya ay nagunat-unat muna siya. Sinabayan niya na rin ito nang paglanghap ng sariwang hangin na galing sa may dalampasigan. Animo'y isa siyang artista sa suot niyang itim na leather jacket dahil sa mga napapalingong kababaihang dumaraan sa kaniya. May ilan ding kababaihang napapahiyaw sa kaniya. Mayroon pang isang grupo ng kabataan ang nagpalitrato kasama siya sa tabi ng kaniyang sasakyan. Naging magiliw naman si Stephen sa mga ito.

Napansin din niyang maraming tao sa may dalampasigan kaya nilapitan niya ito at doon nakita niya na may nagaganap na paligsahan ng mga bangka. Nataon pala na may Bangkarera Festival at Grand Finals din nang araw na iyon. Ang mga kalahok dito ay galing pa sa iba't-ibang probinsiya.

Makukulay din ang mga bangkang de motor na ipinapangkarera. Maliliit at maiigsi ang mga ito, at tanging ang nagmamaneho lang ang nakasakay sa bangka. Matulin din ang mga takbo nito. Panatag ang dagat maliban na lang sa mga along gawa ng mga nag-uunahang mga bangka.

Nasa Final Round na nang maabutan niya ang dalawang naglalabanang bangka na galing sa kupunan ng Boracay at Laguna. Nakailang ikot na rin pala ang mga ito. Matatanaw sa ibabaw ng dagat ang lubid na palutang-lutang na nagsisilbing marka para sa daraanan ng mga bangka. May parang boya din na nagsisilbing ikutan ng mga bangkero. Pagkalihis ng sampung minuto ay nakita niyang ang asul na bangka na galing Laguna ang nauna sa finished line at ang idinireklarang panalo.

Shattered StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon