Chapter 33 - Goodbye Hot Chick

644 20 5
                                    

SAPILITANG binuksan ni Stephen ang bintana ng kaniyang kotse. "What are you doing here, Candice?" pagalit na tanong niya.

Nakangiting namang sumilip ito para kausapin siya. "Come out first, Stephen." Inilingan lang niya ito at sinimangutan. "Let's talk for awhile. I promise, I'll behave," seryosong sabi nito. Matiyaga siya nitong hinintay sa labas at patapik-tapik pa ito ng paa sa may semento.

Nanahimik muna siya at di kumikilos dahil ayaw niya itong kausapin. Bakit pa?

Matapos ang ilang sandali ay napilitan din siyang lumabas. "So, what do you want now?"

"Let me help you," mahinahong sagot nito.

"You want to help me? Really? And then what?" Akala pa naman niya ay wala na itong pakialam.

Nanatiling kalmado lang si Candice kahit na pinagtataasan niya ito ng boses. "I heard about your race." Maaring nabalitaan nito ang magiging laban nila ni Apollo kay Troy.

"Di ba pinagbawalan mo na si Troy? Ba't bigla atang nagbago ang ihip ng hangin?"

"If you are going to fight him, you better be good. And you can only defeat him if you know him. Unfortunately, you don't know anything about him, but I do," mayabang na pagkakasabi nito.

Natawa siya. Alam niyang may iba pa itong motibo at maaari ring gusto siya nitong linglangin." Gagamitin mo lang ako laban kay Apollo. Tapos ano? Pag nalubog na ako sa pagkakautang sa'yo ay sisingilin mo ako. Just like what you did to Harold. So, no thank you!" Napailing pa siya ng ulo.

"I know I did a terrible thing to your friend and I'm sorry. If I've known that Harold is your friend I could have spared him. Nataon lang na palikero at waldasero siya. Kaya nangyari 'yon  sa kaniya."

Hindi niya matanggap ang dahilan nito. "Who are you to punish someone for what they are? And to put them in misery?"

"You're wrong about what happened between me and Harold." Umiling-iling pa ito. "He suffered from the consequence of his own actions. Nangutang siya sa akin, masama ba ang singilin ko siya? Kung may binigay man siya sa akin, hiningi ko man o hindi, bigay niya 'yon." Naging mahinahon pa rin ito.

"Kung hindi mo naman din siya inakit at kung hindi mo siya niloko, hindi iyon mangyayari sa kaniya." Nagawa niya noong magtimpi sa nangyari sa kanila, ngunit hindi niya kayang palampasin ang ginawa nito kay Harold. Masyado kasing na-dehado ang kaibigan niya.

"I didn't force him to do anything. He did it because he also likes it. I made him happy in many ways." Alam na niya kung ano ang ibig sabihin nito. "Yinaya ko siyang mag-casino because that's my stress reliever. Nag-enjoy din naman siya sa pagsusugal. Kaso natalo siya, and he went out of control," mariing sabi nito.

Hindi na niya tuloy alam kung sino ang paniniwalaan sa dalawa. Para kay Harold, pinerahan lang siya nito, pero ayon naman kay Candice, kasalanan lahat iyon ni Harold. "You know his weakness, so you use it against him. Hindi rin lang pera ang nawala sa kaniya. He lost his job, his reputation, and his confidence. Congratulations, you just ruined his life because of your hatred to us. Pero bakit pati 'yong nananahimik na babae dinamay mo pa?"

"Kung sa tingin mo pinaghihigantihan ko lang kayong mga lalaki, fine! Pinagkaitan ako ng hustisya kaya hindi mo 'ko masisisi. Hindi mo ako maiintindihan dahil wala ka sa sitwasyon ko." Namilog na ang mga mata nito. "But I will never ruin another woman's life. Why would I? I've been there. Hindi lang ako ang masamang tao dito sa mundo, marami kami." Kung kani-kanina ay katapangan lang ang nakikita niya kay Candice, ngayon ay unti-unti na itong natitinag dahil sa mga paratang niya.

Dahil na rin sa pagpapaliwanag nito ay unti-unti na siyang naliliwanagan. Ngayong alam na niya na ang nangyari sa dalawa, kailangan ba niya itong pagktiwalaan o isa na naman itong taktika para muling makuha ang loob niya at akitin siya?

Shattered StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon