NAGMAMADALI niyang inakyat ang kuwarto ng ina. Sa labis na pag-aalala ay binuksan niya ang pinto at agad pumasok na humahangos.
"Have you forgotten to knock?" iritableng tanong ng ina nang makita siya. Nakaupo ito sa kama at nakasandal ang likod sa headboard,
habang kalmanteng nanonood ng tv."Sabi kasi ni Manang, pinapatawag mo raw ako, kaya napasugod ako."
"Oo, pero ba't ganiyan ang hitsura mo? May emergency ba?"
"Wala naman po pala!" Napabuntonghininga siya. "Akala ko naman kung napano ka na. Si Manang talaga," dismayadong sagot niya.
Aalis na sana siya, "O, sa'n ka pupunta? I want you to take a look at this."
Dahan-dahan siyang lumapit dito, mabigat ang hakbang ng kaniyang mga paa. "What is it?"
"Look at the news." Nginuso nito ang tv.
Napatingin siya sa tv. "Wala naman." Patalastas pa kasi ang palabas. "Ano pong meron?"
"Hintayin mo. Naka-flash kanina ang mukha niyong dalawa ni Apollo!" naiinis na sabi nito. Dala pa ito ng tampo sa kaniya. At kaya siguro nataranta si Manang Karing ay nakita siya nito sa tv. Uupo sana siya sa kama, "Oops. Did I tell you to sit there?"
"Sorry naman," nakasimangot niyang sagot. Hinila niya ang isang upuan at saka siya naupo. Nasa tabi lang siya nito.
Halos maubos ang pasensiya niya sa maraming patalastas, kung kailan pa naman gusto na niyang magpahinga. Nanahimik siya at matiyagang naghintay. Mayamaya ay pumasok na ang isang newscaster. Tahimik ang dalawa at tutok ang mga mata sa panonood.
Mayamaya pa ay pumasok na ang isang reporter. "Nagkaroon ng karera ng dalawang sports cars kaninang alas singko, dito sa Eme Road, o mas kilala sa tawag na Bitukang Manok. Isa itong alternate road papuntang Bicol. Marami ang naaaksidente sa nabanggit na kalsada at may nahuhulog pang mga sasakyan sa bangin dahil sa may kataasan ang lugar at pa-zigzag ito." Nagkatinginan pa ang mag-ina, ngunit wala silang naging imikan.
"Isa sa mga naglaban ay si Apollo Valenzuela, na apo ng dating Senador Valenzuela. Ang nakalaban naman nito ay si Stephen Aquino, anak naman ito ng isang kilalang alahera. Nakapanayam namin kanina si Apollo, at kasalukuyang nagpa-confine dito sa St. Therese Medical Center, matapos mawalan ng malay habang papauwi sila mula sa laban. Sa ngayon ay ino-obserbahan muna siya ng mga duktor. Samantalang si Stephen Aquino ay hindi pa namin nakuhanan ng salaysay."
Hindi siya makapaniwala sa narinig. Ano kayang nangyari dito? Hindi kaya nagka-komplikasyon ito o baka pakulo lang ito ni Apollo?
Lingid sa kaniyang panonood ay lihim siyang pinagmamasdan ng ina habang nag-iisip siya ng malalim.
"Panoorin po natin ang naging interview namin kani-kanina matapos itong magising." Ipinakita nga sa tv ang video clip ng nasabing interview.
"Kumusta ka na, Apollo? " tanong ng reporter. "Ano ba talaga ang nangyari sa laban niyo?"
Napatikhim muna ito. "Mabuti-buti na kaysa kanina. Hindi ko na talaga nakayanan 'yong matinding sakit ng ulo ko. Bumangga kasi 'yong kotse ko sa puno. Kala ko simpleng untog lang kaya nakapagdrive pa ako."
"Bakit ka bumangga?" tanong ulit ng reporter.
"May isang lalaking tumawid hila-hila ang isang baka. Pag-iwas ko, doon na ako bumangga sa puno. We made an announcement before the game kaya we made it sure na walang makakapasok doon."
BINABASA MO ANG
Shattered Stephen
ActionSalawahan, two-timer, kaya iniwan siya ng mga babaeng tunay na nagmamahal sa kaniya. Iyan si Stephen Aquino. Nang dahil sa kaniya, muling nagmahal at nasaktan si Beverly. Nang dahil din sa kaniya, nabigo nang husto ang pag-asa ni Sophie na silang da...