Chapter 14 - Subastahan Blues

945 30 0
                                    

NAGSILINGUNAN ang mga tao sa babaeng naka gown na pula dahil sa laki ng halagang ipinangtapat nito. Nagkaroon pa nang bulungan sa paligid. Niingon ito ni Stephen, ngunit hindi niya ito mamukhaan dahil may kausap ito sa cellphone at bahagya rin itong nakayuko.

"Stephen, do you know that lady," tanong ng ina.

"No Ma. I can't see her face, she's talking on the phone. Baka si Kuya Philippe?" Isang kibit-balikat lang ang isinagot ni Philippe sa kaniya.

Nabaling muli ang kanilang atensiyon sa auctioneer. "5M for this gold watch for that lady in red at the back. Do I hear 5.5?" tanong ng auctioneer habang nakatingin sa lalaking huling nag-bid., wari'y hinahamon nito ang lalaki. Tumingin din ito sa iba pang mga bidders nagbabakasakaling may gusto pang tumapat ng presyo. Nang walang nagtataas ay nagsimula na itong magbilang para isara na ang pagsusubasta. "Going once...Going twice...Last call, 5.5M?" Ilang segundo pa ay ipinukpok na nito ang malyete o ang bidding hammer sa mesa. "Sold to bidder number 321!"

Nagpalakpakan ang mga tao. Samantalang ang lalaking nagbid ng four million ay lumabas na ng kuwarto at mukhang aburido. Mabuti na lang at pinigilan ito ng kasamahan niya.

"This closes our auction for tonight and I hope everyone is satisfied. To my good friend Kaye, happy birthday again! God bless everyone and good night!"

Umalis na ang auctioneer sa stage, pati ang mga assistant nito. Nagpakitang muli ang dalawang emcees sa stage.

"That was breathtaking, parkner! Congratulations for those who got their piece of jewelry! In behalf of Tita Kaye and her company, thank you for bidding with us," ani Cheena. Napatingin ito kay Dadi Chocco. "Sana ganoon ka rin partner, kapag ginusto mo, paghihirapan mong makuha ito, no matter what's the price!" dagdag niya.

"Of course parkner! Parang pag-ibig din lang yan. Ipaglalaban mo kahit maging-poorita ka na," sagot naman ni Dadi Chocco. Nagtawanan ang dalawa pati na rin ang audience ay nakitawa sa biruan nila. "So, let's now proceed to the second part of this program. Without further ado, may we call on the woman of the hour, the birthday celebrant herself, Tita Kaye!" Nagpalakpakan ang mga tao. "May we ask the dashing and debonair son, Stephen, to come up on stage." Umakyat na ang mag-ina. Habang paakyat sila ay inaalalayan naman ni Stephen ito.

"Partner, makakatabi ko na naman ang Ultimate Bae ng buhay ko!" wika ni Cheena.

"Sabi mo ako 'yon! Makakatabi mo lang si Stephen ay initsapuwera mo na ako," biro ni Dadi Chocco.

"At kailan naman ako nagsabi niyan?" sabi ni Cheena. Natawa na lang si Dadi Chocco.

Nang nasa tabi na ni Cheena si Stephen ay nakibeso ito sa mag-ina at kumendeng-kendeng pa ito sa harapan ni Stephen. Siniko ito ni Dadi Chocco at nag-seryoso muli si Cheena.

"Tell us Tita Kaye, your message on this special event of yours," sabay bigay ni Dadi Chocco ng mikropono kay Kakay.

"Thank you for the two of you! Nakakawala kayong dalawa ng stress," bungad niya sa dalawang hosts. Saka humarap ito sa mga taong naroon. "Thank you also for everyone who are here right now, especially those lucky bidders. Salamat sa tagumpay na ito. We assure you that those jewelries are of their finest quality and will last for a very long time. Hindi kayo magsisisi."

Napahinto ito para patapusin ang palakpakan sa kaniya. Bakas ang labis na saya sa mga ngiti nito. "The funds that we have raised tonight will go to the two institutions that was mentioned. Marami tayong matutulungan sa nalikom nating pera. And you are part of it, so thank you so much!"

Tumingin naman ito kay Stephen. "To my son, Stephen, and to my nephew Phillipe, thank you for your participation. This will not be successful if you didn't help me." Tumingin naman ito pataas. "To our God Almighty, and to our Lord Jesus, thank you for blessing me with a good life, good friends and relatives. I love you all!" Muling nagpalakpakan ang mga tao habang nagpupunas ng mga mata si Kakay. Inabutan ito ni Cheena ng tissue.

Shattered StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon