Chapter 12 - They're Back

1.2K 34 6
                                    

"PAPA..." sabi niya nang pabulong. Hindi niya maitago ang pagkagulat sa pagpapakita ng kaniyang ama. Maging sa pinsan niya. "Kuya Philippe?"

Tumingin siya sa ina na wari ay nagtatanong ang mga mata kung bakit nasa bahay nila ang amang akala niya ay kinalimutan na siya. Napakibit na lang ng balikat si Kakay.

Huli niyang nakita ang ama nang pinalayas ito sa kanilang dating pamamahay, limang taon na ang nakalipas. Kinailangan tuloy nilang mag-inang lumipat ng bahay para makapagsimulang muli. Tandang-tanda pa niya kung paano ito pinagtabuyan ng ina  at pinagsisigawan na huwag nang  bumalik kahit kailan sa buhay nila. Kakatapos lang niya sa kolehiyo, pero kahit na malaki siya noon ay hindi niya matanggap na kailangan pa iyong mangyari sa kanila. Dahil sa pananakit nito sa kaniyang ina ay napilitan tuloy siyang magtanim ng sama ng loob. Kapag nagkikitaan nga sila sa labas ng hindi sinasadiya ay iniiwasan niya ito. Pero ngayon heto ang kaniyang ama at bakit kaya?

"Hi, Bro?" bungad sa kaniya ni Philippe na nakangiti at maaliwalas ang aura nito. Katabi nito sa sofa si Fernan. Mukhang nagbabakasyon ito galing ng Canada. Ganoon naman talaga ang kaniyang pinsan dahil kahit anong problemang dumating sa buhay nito ay hindi ito nagpapahalata. Marunong kasi itong magdala ng problema hindi katulad niya.

Ikinalungkot niya noon na naging dahilan siya ng hindi pagkakatuluyan nito at ni Beverly. Kung hindi siya sumingit sa dalawa, marahil masaya na ang mga ito ngayon, maging sila rin ni Sophie. Ngunit anong magagawa niya kung hindi niya napigilan ang sariling mahalin ang babaeng minamahal din nito. Tadhana ang nagtagpo at naglapit sa kaniya at kay Beverly. Hindi naman niya akalain na iibig siya doon gayong malayo ang agwat ng edad nila at wala siyang pagtingin sa dalaga nang simula. Dangan nga at nahulog ang kaniyang damdamin dahil sa kabutihan ipinakita nito sa kaniyang ina. 

Huli niyang nakita si Philippe noong isinugod siya nito sa ospital kasama sila Beverly at Sophie. Hindi na niya nakuhang magpaalam dito nang magtungo na ito ng Canada. Hindi rin sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-ayos kaya nahihiya siya rito.

Nanatili lang siyang nakatayo.

"Aren't you glad to see me?" sabay na tanong ni Phillipe at Fernan. Nagkatinginan tuloy ang dalawa.

"Hindi naman po...It's good to see the both of you." Nginitian niya na ang dalawa. "Especially you, Pa."

"Nagkasabay lang kaming dalawa ni Philippe," sabi ni Fernan.

Napatango si Stephen. "I see. Thanks Pa for the visit," malamig na sagot ni Stephen. "What brought the two of you here?" Papalapit naman siya sa bakanteng upuan.

Sumingit na si Kakay. "I invited Philippe to come over," anito. "Magpapa-assist kasi ako sa inyong dalawa sa pinaplano kong auction sale for our fund raising which will happen on my birthday. We have one month to prepare. Nagpatulong na ako sa assistant ko for booking in Manila Hotel."

Umupo na si Stephen. "That sounds great to me." Alam niyang paparating na ang kaarawan nito, ngunit hindi niya alam ang pinaplanong subastahan ng ina.

"Pumayag na si Philippe. And I'm sure you too Stephen," sabi ng ina.

"Of course Ma," sagot ni Stephen. "We're family," parinig niyang muli.

"You're father naman---" Ipapaliwanag sana nito kung bakit napasyal ang ama.

"I just want to see you, Son," ani Fernan.

"Well, since nandito na rin siya," Napalingon si Kakay sa kaniyang ama, "I am inviting you and Alma to come." Nagulat pa si Stephen sa pag-iimbita nito sa ama. Bakit pa kailangang isama ang ama at ang babae nito? Napabuntong-hininga na lang siya. Ganito ba talaga kaming mga lalaki, hindi makuntento sa isa, tanong niya sa sarili.

Shattered StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon