PAGKATAPOS ng kasalan ay balik trabaho na kaagad si Stephen sa studio ni Candice. Ito na ang kaniyang pangatlong liggo. Pinayagan naman siya nito na magpaliban muna ng dalawang araw dahil tinulungan din niya si Tom sa paghahanda. Puno ng sigla ang araw niyang iyon at sabik na ring makasama ang mga katrabaho niya dahil nagiging malapit na siya sa mga ito.
Pagpasok niya ay inabutan niya si Candice na may ginagawa sa laptop nito sa office table. Masaya niyang binati ito. "Good morning, Ma'am Candice!"
Napatingin naman ito kaagad sa kaniya. "There you are! How's the wedding of the century?" biro nito.
Umupo muna siya sa upuan na nasa tapat ng mesa. "It was one of a kind!" pangiti-ngiting niyang sagot.
"Nasa mukha mo nga! Ano bang meron sa wedding na 'yon?"
"Nothing much, but Sophie was there." Napahawak sa batok si Stephen parang nahihiyang magsabi nito. Nang napabahing ito, "Are you okay? Anyare sa ilong mo." Mamasa-masa ang mga mata ni Candice dahil sa sipon at namumula rin ang ilong nito.
"Allergic rhinitis lang 'to. Don't worry, I've taken my meds already." Inalis nito ang mga tissue na nakatambak sa ibabaw ng mesa at itinapon sa may basurahan na nasa gilid. "E kasi ba naman pagpasok ko sa stockroom kanina, sobrang alikabok! Hindi pala naglilinis itong mga 'to. Ayon, pinaglinis ko muna."
"Kaya pala ikaw lang ang nandito."
Isinira na muna ni Candice ang laptop. "So, you're ex-gf was there? Don't tell me nagkabalikan na kayo?" sabay tawa nito ng mapang-asar.
Ngingiti-ngiti lang si Stephen habang hawak niya ang tissue box. "Hindi, ah! Puro katatawanan lang nga ang nangyari." Binitiwan na niya ito. "Imagine, Sophie got the bouquet, tapos sa akin naman 'yong garter."
"Really? E di tuwang-tuwa niyan si Sophie?"
"No naman. Naki-ride on lang 'yon," depensa niya sabay kindat.
Tumayo si Candice at pumunta sa may likuran ni Stephen. "How is she now? Pinatong din ni Candice ang mga kamay nito sa ibabaw ng kaniyang mga balikat at pinisil-pisil pa ito.
Naalangan siya kaya tumayo ito at napasandal ang likuran niya sa isang gilid ng mesa. "She looks g-great." Hindi lang niya masabi na mukhang nasasaktan pa si Sophie ng kaunti.
Kahit hindi kumbinsido ay napatango na lang ito sa kaniya. "Wala ba siyang nabanggit about me?"
Hindi niya akalain na itatanong ito ni Candice. Itinago na lang din niya ang naging babala sa kaniya ni Sophie. "A, e, wala naman. Napagkamalan nga lang nila tayong nagdi-date." Napangisi siya.
"And what's so funny about that?"
"Wala naman. E kasi para naman lang tayong magkaibigan."
"Sabi ko naman sa'yo ang mga Pinoy, malisyosa." Pumunta ito sa isa nitong book-shelf at pagharap ay bigla na lang inihagis ang isang pamunas. "Buti pa tulungan mo kaming maglinis, puwede?" Hindi naman ito inaasahan ni Stephen kaya hindi niya ito nasalo. "Oops, sorry!" sabi ni Candice habang natatawa.
Pinulot ni Stephen ang basahan. "Trip mo talagang manghagis, ano?"
"Yup! Kaya huwag mo nang basagin ang trip ko. Tara!"
"Kami na lang doon. Kaya na namin kaya 'to. Baka lalo ka pang bumahing doon at magkalat ka pa ng germs."
"Tara na nga! Mawawala na rin ito dahil sa gamot na ininom ko! Allergy ito at hindi virus!" sabi ni Candice habang papunta sila sa bodega.
MAGHAPON nga silang naglinis at nag-ayos ng bodega. Noong umpisa ay panay ang sermon ni Candice. Doon lang niya ito nakita kung paano dakdakan ng matindi ang mga tauhan nito. Nauunawaan naman niya ito dahil ito naman ang nagpapa-suweldo sa mga kasamahan niya. Bandang hapon ay nakikipag-biruan na ito sa kanila. Mabuti na lamang at naroon siya kung hindi wala sanang nagpapatawa sa mga ito.

BINABASA MO ANG
Shattered Stephen
AkcjaSalawahan, two-timer, kaya iniwan siya ng mga babaeng tunay na nagmamahal sa kaniya. Iyan si Stephen Aquino. Nang dahil sa kaniya, muling nagmahal at nasaktan si Beverly. Nang dahil din sa kaniya, nabigo nang husto ang pag-asa ni Sophie na silang da...