Chapter 22 - A Thirsty Soul (Revised)

842 28 5
                                    

NAMILI si Stephen ng ilang mga kagamitan sa mall paghahanda sa pagpasok niya sa studio ni Candice. Nang pababa na siya sakay ng escalator ay nakita niya na may mga taong nagtitipon sa isang palapag. Nagsisipag-awitan ang mga ito na kumuha ng kaniyang pansin. Dahil maaga pa naman ay naisipan niya munang magpalipas pa ng ilang sandali at alamin kung ano ang pagtitipong iyon.

Lumapit siya upang mag-obserba at nalaman niya na mga Kristiyano pala ang mga iyon na nananambahan. Nagsisipag-awitan ang mga ito. May mga umaawit nang nakatayo lamang. Ang iba naman ay nakataas ang mga kamay, wari'y inaabot ang langit sa pamamagitan ng kanilang taimtim na panalangin. Ibang-iba ang pamamaraaang ito sa kaniyang kinalakihang pagsamba sa Diyos. Saka lang niya naisip na araw pala iyon ng Linggo at mga Born Again Christians ang mga ito. Para sa kaniya ay wala namang masama sa ganitong paraan, sa halip ay nakonsensiya siya dahil matagal-tagal na rin siyang hindi nakakapagsimba. Marahil ito ang dahilan kung bakit sunud-sunod ang gulo at kamalasan dumating sa kaniya.

Muli niyang itinuon ang kaniyang paningin sa screen upang malaman kung ano ang mga sinasaad ng awiting napapakinggan.

Above all powers
Above all kings
Above all nature and all created things
Above all wisdom and all the ways of man
You were here before the world began.

Hindi man pamilyar ang kantang iyon sa kaniya ay madali naman sana niya itong masasabayan, ngunit nahihiya naman siya sa kaniyang katabing nanonood man lang din. Nakinig na lamang siya sa mga nagsisiawit na pinangungunahan ng isang mang-aawit, kasama ang mga back-up vocals nito. Maganda rin ang pagkakatimpla ng bawat tunog ng instrumentong mula sa isang banda.

Above all kingdoms
Above all thrones
Above all wonders the world has ever known
Above all wealth and treasures of the earth
There's no way to measure what you're worth.

May mga taong dumaraan sa tabi at napapalingon, ngunit nilalampasan lamang ito. Malamang hindi ito interesado sa ganitong pagtitipon. Ang iba namang napadaan ay sumasali na lang dahil naenganyo sa pag-aawitan ng nasa kongregasyon. Siya naman ay nanatili lang nakatayo sa tabi at nanonood.

Crucified, laid behind the stone
You lived to die, rejected and alone
Like a rose trampled on the ground
You took the fall and thought of me
Above all.

Nang marinig na niya ang korong ito ay nagsitindigan ang mga balahibo sa kaniyang mga braso. Patungkol kasi ang awiting iyon sa paghihirap ni Kristo sa krus na nakapag-pabagbag ng kaniyang damdamin. Napakadakila talaga ng ginawang pag-aalay ng buhay ni Hesus sa mga taong makasalanang tulad niya. Nagsibalikan tuloy ang mga nagawa niyang pagkakamali sa buhay. Tuluyan na siyang nadala ng awitin na halos mapataas na ang kanang kamay niya, ngunit bitibit niya pala doon ang kaniyang pinamili.

Hindi na niya namalayan na natapos na ang awiting iyon na huli na palang paawit dahil magsisimula nang maghatid ng mensahe ang pastor na naroon. Nabitin tuloy siya, sana pala ay inagahan niya ang pagbaba. Nang makita na niya ang isang pastor sa entablado ay naisipan na niyang umalis dahil wala naman siyang interes makinig sa sasabihin nito. Naglakad na siya papalayo.

"Alam mo ba kapatid na hindi ka mahal ng Diyos?" Narinig niya ng malinaw mula sa pastor na nasa entablado. "Oo, ikaw nga. Ikaw na laging tumatalikod sa kaniya." Wari ay kinakausap siya ng personal nito gayong malayo siya sa entablado at hindi siya nito nakikita.

Napatigil siya sa paglakad at napalingon. Laking dismaya niya sa kaniyang narinig. Nakakapagtataka naman na sabihin na lang nito sa mga tao na ang Diyos ng pag-ibig ay hindi siya mahal. Sino ba ito para sabihin iyon? Kung puwede nga lang niya itong sugurin ay sinugod na niya ito.

Lalo pang idiniin ng pastor na ito ang kaniyang unang sinabi. "Tutuo iyon. Hindi ka mahal ng Diyos!" At may halong pangungitiya pa ito.

Tiningnan niyang maigi ang pastor at nabanaag niya na may kabataan pala ito. Halos kasing edad nga lang niya ito kung tutuusin. Saan kaya ito nag-aral ng kaniyang pagiging pastor at mukhang kulang pa ito sa pag-aaral? Hindi na niya matiis ang mga pinagsasabi nito kaya't naglakad na lang siya papalayo.

Shattered StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon