Chapter 37 - Ang Chicken ni Apollo

680 21 1
                                    

INAASAHAN na ni Stephen ang pandaraya ni Apollo, ngunit hindi niya akalaing magiging ganoon ito kagarapal. Kung tutuusin, puwedeng naman itong manalo nang hindi na kinakailangan pang dayain siya dahil una, bihasa ito sa pangangarera. Pangalawa, mas mabilis ang modelo ng sasakyan nito. Pangatlo, gamay na nito ang Eme Road. Ang tanging pag-asa lang niya ay ang milagrong ipagkakaloob ng Diyos sa kaniya. Napilitan lang naman siyang kalabanin ito dahil sa panggigipit nito kay Sony. Ni sa hinagap ay hindi niya papasukin ang ganitong sugal dahil alam niyang puwedeng maging mitsa ito ng buhay niya. Ganoon pa man ay marami pang puwedeng maganap sa kanilang laban. Walang makakatiyak kung sino sa kanila ang mauunang makarating sa finish line.

"Hey Kiddo, how's the driving? Daig ka pa ata ng lola kong mag-drive?" panunuya nito. "Here, eat my dust!" Sinalubong nga niya ang makakapal na usok na nilikha ng mga gulong nito.

Kung puwede nga lang niyang alisin ang bluetooth earpiece dahil naiirita siya sa boses nito ay ginawa na niya, ngunit hindi puwede. "Is that all you've got?" hamon na lang niya.

"You want to see something fun? Okay, I'll show you one!" Dahil nangunguna ito ng ilang metro ay bigla na lang nitong pinaikot ang kotse at pinatakbo ng patalikod. Nakaharap na tuloy ito sa kaniya. "Can you do this?" sabay tawa ni Apollo.

Binalewala na lang niya ito. Naaninag pa niya ang mukha nito sa windshield na parang batang nang-iinis sa kaniya. Mayamaya ay pinaikot muli nito ang sasakyan at pinatakbo na nang diretso. "It's your turn now!"

"You're crazy, I'm not!" aniya. Napabuntonghininga na lang siya. Naalala niya ang sinabi ni Candice.

Stay calm at all times and ignore his intimidations.

Dahil sa ginawang pagpapakitang gilas ni Apollo ay nakahabol din siya. Namilog pa ang kaniyang mga mata dahil umabot na pala ng halos 200 kph ang kaniyang bilis nang hindi niya namalayan. "Whoa!" bulalas niya.

Halos dumikit na ang bumper ng kotse niya sa likuran nito. Balak niyang mag-overtake dito, ngunit kahit anong pilit niya ay panay naman ang harang nito.

Don't push your car to it's limit at the start because it might burn your engine. Just keep your distance.

Tama nga si Candice. Uminit nga ang makina ng kotse base sa kaniyang thermal sensor. Dahan-dahan niyang binawasan ang kaniyang bilis. Sa halip ay pag-aaralan na lang niya ang bawat galaw nito.

Bandang junction ng kahabaan ng Maharlika Highway ay maghihiwalay sa dalawa ang kalsada. Kumanan sila papasok sa maliit na kalsada ng Eme Road.

"This is it, Kiddo! You're in?" tanong ni Apollo.

"Yeah! Lead on!" sabat niya.

Nang makapasok na si Stephen ay napabulong siya, "This is it, B. Let's nail this guy!"

Ngayong nasa loob na sila ng kalsada ng Bitukang Manok ay mas buwelo na ang paandar ng dalawa dahil mananatili itong sarado sa publiko hanggang matapos ang laban nila. Pawala na rin ang kabahayan sa lugar na iyon. Batid din niya na may mga tauhan itong nakadestino sa iba't ibang lugar. Nagsimula na ring dumilim, ngunit sapat pa naman ang liwanag para makita nila ang kalsada.

Patuloy sa paghabol si Stephen, ngunit hindi pa rin siya makasingit kahit na gayahin pa niya ang galaw ng sasakyan ni Apollo.

Nahalata siya nito. "Copying my moves so you can overtake, huh?"

"Stop the trash talk and just drive!" Nataranta tuloy siya. Hindi niya malaman kung paano niya mauunahan si Apollo. "Damn it! Focus!" sabi niya sa sarili.

Tinawanan siyang muli nito. "I told you, this road is mine!"

Naalala niyang muli ang payo sa kaniya ni Candice.

Shattered StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon