Chapter 18 - Ispel Trouble

811 25 0
                                    

SUSUNOD sana ni Sony kay Brenda nang bigla sila nitong iwan, ngunit pinigilan ito ni Stephen. Napansin din niya na papalapit sa kanila ang isang grupo ng kalalakihan. Nakita rin niyang pabalik si Brenda at may kasamang bouncer. Kinabahan na siya. "Bro, we better get going," yaya niya kay Sony.

"No Kuya. Let's stay for a while, but you can go if you like. I wanna see her on her last set," sagot ni Sony. "I'll just take a taxi."

Hinawakan ni Stephen ang kamay ni Sony para warningan ito. "I think we're in trouble. They are coming for us."

Nilingon lang ito ni Sony at binalewala. Sa halip ay uminom ito ng beer kahit na alam nitong nasa likod na ang isang matipuno at matangkad na lalaki. Nasa trenta o mahigit na ito. Sa angas ng dating nito at ng mga kasamahan, tila sanay na ito sa mga basag-ulo.

Galit na itinulak ng lalaki si Sony at halos tumama ang mukha nito sa mesa. "Stay away from Brenda. She's mine! Got it!"

Sabay tayo at hinarap ni Sony sa lalaki habang nagpupunas ito ng tumalsik na beer sa mukha. "Who the hell are you?" Nang magkatinginan ang dalawa ay nagkatitigan pa sila. Handang harapin ni Sony ang tapang ng lalaki.

Tamang-tama at paparating na si Brenda kasama ang bouncer. Agad pumagitna ito sa dalawa. "Apollo, Honey?" malambing na sabi ni Brenda. Humawak pa ito sa baywang ng lalaki .

Saka pa lang ni Stephen nakilala na si Apollo pala ang boyfriend ni Brenda, ang lalaking natalo ni Candice sa subastahan. Yumuko siya para hindi siya mapansin nito. Nataon din na medyo natatakpan siya ng anino ng mga nakatayo sa harapan nila.

Hinimashimas pa ni Brenda ito. "Tara doon sa mesa natin, Pol!" yaya pa ni Brenda. Galit na hinablot ng lalaki ang kamay ni Brenda at hinila papalapit sa kaniya. "Di ba sabi ko sa'yo na huwag kang magte-table ng iba? Ano to? Dalawa-dalawa pa sila?" galit na sabi nito.

"Polo, nasasaktan ako," daing ni Brenda.

Biglang tinapi ni Sony si Apollo sa likod. "Take your hand off her!"

Lalong nag-init ang ulo ni Apollo at hinarap si Sony. "Aba, talagang sinusubukan mo ako!" Hinila ni Apollo sa kuwelyo si Sony. Akmang susuntukin na nito si Sony, ngunit pinigilan ito ng bouncer. Tinabig ni Apollo ang kamay ng bouncer. "Huwag kang makialam kung ayaw mong mapahamak."

"Polo naman. Mga kaibigan ko lang yan! Napasyal sila at nag-uusap lang kami," singit ni Brenda. "Paalis na nga sila, di ba guys?" Sinisenyasan din ito si Stephen.

Tumango lang si Stephen. Hindi siya makapagsalita dahil baka mamukhaan siya ni Apollo at siya naman ang mapagbuntungan nito ng galit.

"No! I'm gonna stay here. Baka mamaya kung anong gawin niya sa'yo," sagot ni Sony habang hawak pa siya sa kuwelyo.

"Wow! Talagang ang tapang mo bata!" lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kuwelyo ni Sony.

"Please Polo, stop it!" sigaw ni Brenda kay Apollo. "Stephen, iuwi mo na si Sony," sabay kabig nito kay Apollo. Nabitawan naman ni Apollo si Sony.

"Uwi na Ausing hilaw!" sabi ng isang lalaking kasamahan ni Apollo. Halos idikit nito ang mukha kay Sony. Nagtawanan pa ulit ang mga kasamahan nito hanggang itinulak nila si Sony.

Tumayo na si Stephen at binulungan si Sony. "Tara na, Bro."

Sinabihan na ni Brenda ang bouncer na ilabas na si Apollo. Kinaladkad ito ng bouncer kahit na nagpupumiglas si Sony. "Pasensiya na bata, iwas gulo lang. Mamaya niyan si Brenda pa ang saktan noon," bulong ng bouncer.

Biglang sumigaw si Apollo. "Hey you there!". Napalingon si Stephen. "Who are you?" Sa kaniya ito nakatingin.

"Wala 'yan, Hon. Kaibigan lang 'yan ni Sony," sabi ni Brenda habang nakaupo na sila sa inalisang mesa nila Stephen. Nagsenyas si Brenda na umalis na lang sila.

Shattered StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon