Chapter 35 - Oh My Unico Hijo

713 24 7
                                    

NAPATINGIN si Stephen sa kalendaryong nakasabit sa likod ng kaniyang pinto nang papalabas na siya. Nakita niya ang binilugan niyang petsa ng kanilang paghaharap ni Apollo. Doon lang niya napansin ang magandang larawan ng isang bulubundukin na may papalubog na araw sa likuran nito. Sa baba ng larawan ay my nakasulat na isang versikulo mula sa aklat ng Biblia.

Binasa niya ito. "Even though I walk through the darkest valley, I will fear no evil, for you are with me, your rod and your staff, they comfort me, Psalm 23:4." Huminga siya ng malalim at ibinuga ng malakas ang hangin, saka lumuwag ang kaniyang dibdib. Nakaramdam siya ng kapanatagan sa pagkakabasa niya nito.

Marahil ay nais iparating ng Diyos sa kaniya na wala siyang dapat ikatakot. Hindi naman siya natatakot kay Apollo, ngunit dahil kinabukasan na ang laban nila ay hindi niya maalis ang kabahan pa rin. Napapikit siya at nanalangin sa kaniyang isip.

Lord, bukas na po ang laban ko at hindi na ako maaring umatras pa. Hindi ko kayang talunin si Apollo maliban na lamang kung magmimilagro po kayo.

Kahit na nga nilalakasan niya ang kaniyang loob, wala siyang kasiguraduhan sa kahihinatnan ng laban nila. Maliban sa delikado ang lugar, nariyan din ang pag-aalala niya na maaari siyang dayain ni Apollo.

Kayo na po Lord ang bahala sa akin. Huwag niyo po akong pababayaan sa kamay ni Apollo. Kung sakali mang may mangyari sa akin, ikaw na po ang bahala kay Mama, pati na rin kay Beverly. Mahal na mahal ko po sila.

Napalitan ang kaba niya ng lungkot dahil baka hindi na niya makitang muli ang dalawang babaeng pinaka-importante sa kaniya.

Diyos ko, bigyan mo po ako ng lakas. Alisin mo po ang aking pangamba at samahan mo po ako sa aming pagtutuos.

Pagkatapos nito ay lumabas na siya ng kuwarto para saluhan ang ina sa kanilang hapunan.

NAPANSIN siya ng ina na tahimik lang na kumakain. Iniisip pa rin niya kung anong mangyayari sa laban nila. "Are you okay, Iho?" tanong nito.

Biglang napukol ang pansin niya dito. "May iniisip lang ako, Ma, but I'm okay."

Napatango ang ina, pero, "Ayun!" bulalas nito. Nakataas pa ang kamay nito na may hawak na kutsara.

"Ang alin po?" takang tanong niya.

"Bigla ko kasing naalaala 'yong panaginip ko noong isang gabi." Uminom muna ito ng tubig. "Napanaginipan kitang nakikipag-unahan ka sa isang lalaki sa pag-akyat ng puno. Sinasaway kita, pero hindi mo ako naririnig."

"But I don't climb trees, mahina ako sa akyatan ng puno," singit niya.

"'Yon na nga, e. Pero ang bilis niyong umakyat. 'Yong puno naman habang umaakyat kayo parang tumataas din ito."

"Ang weird naman." Sabay subo niya ng pagkain. "And then what?" Habang patuloy siya sa pagnguya. Naaliw naman siya sa pagkukuwento ng ina.

"Kahit anong saway ko, hindi ka tumitigil hanggang sa may nalaglag na lang na isa sa inyo sa lupa."

"Ouch!" Napangiwi pa siya. "Sino pong nalaglag?"gulat na tanong niya.

"Tumakbo akong nagsisisigaw papalapit para tingnan kung sino 'yong nahulog. Nang titingnan ko na, bigla namang nag-ring ang cellphone ko."

"May cellphone ka Ma'ng dala sa panaginip mo?" biro niya habang tawa siya nang tawa.

"Tawa ka diyan?" naiinis na reaksiyon nito. "Buti na rin hindi ko nakita. Kasi kung ikaw yon, patay! Lasug-lasog ang katawan mo! Sa taas ba naman nang naakyat niyo." Siya naman ang pinagtawanan nito.

"Hindi 'yon mangyayari, Ma. Hindi po ako 'yon. Baka si Apollo." Bigla siyang napatakip ng bibig.

"Sinong Apollo?" takang tanong nito.

Shattered StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon