ISANG buwan muli ang nagdaan, naisipan ni Stephen makipagkita kay Sophie sa pangalawang pagkakataon. Nakipagkita na siya noon makalipas siyang palayain ng dalaga, ngunit hindi naging maganda ang resulta ng kanilang kumprontasyon. Hindi matanggap ni Sophie ang mga kadahilan ni Stephen at lalo pa itong nagalit nang tanggihan ni Stephen ang kanilang pagbabalikan.
Naisipan niya muling makipagkita kay Sophie dahil hindi matahimik ang kaniyang kalooban na nagpapahirap sa kaniya. Hinintay niya rin munang maidaos ang graduation nila Sophie sa Medicine at naging masaya siya nang malaman niyang naging cum laude ito. Palihim din niyang pinuntahan nang araw na iyon at masayang pinagmamasdan ang dating kasintahan sa di kalayuan.
Binati niya muna si Sophie sa text at nang sumagot ito, doon niya niyayang magkitpagkita sa kaniya. Hindi naman ito tinanggihan ni Sophie.
BANDANG hapon, nakabihis ng panlabas si Stephen. Naka-kaki pants at white shirt ito. Magpapaalam sana siya sa kuwarto ng ina, ngunit wala ito kaya bumaba siya at doon niya nakita sa kanilang garden na nagaayos ng pinitas na American Red Roses. Kasalukuyang nagmemerienda naman ang senyora nang kaniyang pinalagang Kamote. Naka-slice na ito at may isang tasa ng mainit na kape.
"Ma, lalabas po muna ako. I'm going to meet Sophie at the Quezon City Circle. I'll be asking again for forgiveness. Hindi kasi ako matahimik. The last time we talked she freaked out."
Napatigil ang ina sa pagtatanggal ng mga tinik sa mga Rosas. "That's good Stephen. Be a man in situation like this. Mabuting maging magkaibigan ulit kayo. Don't make her cry this time. I saw the pain in her eyes when she let go of you. It really broke my heart and I still feel guilty about it." Habang sinasabi niya ito ay nakatitig ito sa kaniyang plorera na wala pang laman. "Why don't you bring these Ro
Umupo muna si Stephen at tumingin sa ina. "Ma, wala kang kasalanan sa amin. Huwag mo nang sisihin ang sarili mo. It was my fault." Tinulungan na ni Stephen ang kaniyang ina sa pagkuha ng mga Rosas.
"Dumaan ka sa store at bumili ka na lang ng wrapper at ribbon. Just wrap this. Humingi ka kay Cora ng pantali dito at diyaryo para hindi malamog."
"Ako na po ang bahala." Saka pa lang niya napansin na kumakain ito. "What are you eating this time?" tanong niya na may paguusisa.
"Don't worry, Iho. It's just Kamote. Nagpalaga ako. Ok ba?" Nagkangitian ang mag-ina.
"So much the better. Anong palaman mo?"
"Butter!" pabiglang sagot nito.
Nanlaki ang mga mata ni Stephen. "That's also rich in fats!"
"Oh no iho. May nabasa akong article sa internet about butter. Hindi pala ito masama sa katawan. Just Google it. Here, have some slice." Tumusok ito ng isang slice ng Kamote gamit ang tinidor.
"Whoa!" Umiwas sa pagkagat si Stephen.
Napangiti ang senyora. "Siya, kung ayaw mo." Napatitig ito sa mukha ng anak. "Sana man lang ay nag-shave ka. You look old with that beard."
"Hindi naman po mahaba. Pangit po ba?"
"Hindi naman. Nakakapanibago lang. Sanay lang kasi ako sa clean look mo."
"I want to look more mature now. Di na ako bata."
"Fine Iho. If that's the image you like. Anyway, you still look handsome." Pinisil nito ang baba ni Stephen. "Huwag ka lang magpahaba niyan. I don't want a hermit in this house." Napatingin naman ito sa print ng t-shirt ng anak. "And what does SRY stands for?"
"Actually, I printed this using iron transfer sticker. It stands for 'sorry'. Ganito kasi ako magsabi ng sorry sa text or Fb pag nag-aaway kami noon ni Sophie."
BINABASA MO ANG
Shattered Stephen
ActionSalawahan, two-timer, kaya iniwan siya ng mga babaeng tunay na nagmamahal sa kaniya. Iyan si Stephen Aquino. Nang dahil sa kaniya, muling nagmahal at nasaktan si Beverly. Nang dahil din sa kaniya, nabigo nang husto ang pag-asa ni Sophie na silang da...