KINAUMAGAHAN, nagising na lang si Stephen nang katukin siya ng senyora. Pagbukas niya ay tinanong kaagad siya ng ina. "Are you going out tonight?" Pagkatanong nito ay dirediretso itong pumasok ng kuwarto.
"No Ma. Why po?"
"Because it's your birthday today?" Lumapit ang ina at yinakap siya nito at hinalikan sa pisngi. "Happy birthday, Anak!"
Yinakap niya ang ina at hinalikan rin niya ito sa pisngi. "Thanks Ma." Sinagot niya ang tanong ng ina. "I'll be staying here."
"So, do you want to throw out a party for your friends? Let me know so I can call for a catering if you want?"
"Huwag na po Ma. I think we have enough last time. Gusto ko tayo lang po muna. I want to make up with you."
"Are you asking me for a date?" Napangiti ang senyora habang magkayakap ang dalawa.
"If it's ok to date my mom? Why not?"
"How sweet naman?' Lambing nito. "But sorry Iho. I have other plans. Save our date some other time because today, I'm gonna introduce you to a very lovely woman I met."
Sa pagkagulat niya, kumalas ito sa kaniyang ina. "Are you going to pair me again with another woman? Oh no, Ma!" Napasigaw tuloy ito sa pagkadismaya.
"Beverly didn't work, and you don't want Sophie anymore. Baka tumandang binata ka na lang." Tumalikod ito at habang nagsasalita ay naglalakad-lakad habang ngumingisi ito nang palihim. "I guess it's about time you need to meet a new one." Humarap ulit ito kay Stephen.
"I'm just twenty six, for goodness sake." Napakunot ng noo si Stephen. "Ma, di ba sabi ko sa'yo, huwag niyo nang pakialaman ang personal kong buhay? Ayan ka na naman, e!" Hindi na maipinta ang mukha niya.
"A, a, a! You can't resist this girl, I'm sure!" Nakakaloko ang ngiti ng senyora.
"Ano na naman po yang pinaplano mo, Ma? Irereto mo na naman sa akin ang anak ng mga kaibigan mo? No Ma!" Unupo sa dulo ng higaan si Stephen.
"Relax Iho. I will not be repeating the same mistake. I've learned my lesson. This time I'm sure you will be happy."
"There is only one girl who can make me happy. And you know who is she, and where she is. If you can bring her to ne, why not?" nakangising tugon niya.
"We will see about that." Lumapit si Senyora Kakay. "Get ready because today is the big day for you! So, you better wait for me this afternoon. I'll be here before six."
"Ay naku Ma. Kinakabahan na naman ako diyan sa binabalak mo. Katulad nang pag setup mo sa amin ni Beverly noon."
"Di ba, you had a great time with her?" Napangisi ang ina sa naalaala. Pagkatapos kasi ng date na yon ay pinagloloko si Stephen ng mga kaibigan niya pati na rin ni Sophie. "Relax Iho. Don't you know you're mom till now?" Napataas ang kilay nito. Kumibit-balikat na lang si Stephen. "O siya. I'll see you later." Kumindat pa ito bago lumabas ng kuwarto.
Nang maiwan siya ay natanong niya ang sarili. "Sino na naman ba 'yang girl na yan at napaka-importante kay Mama?"
BANDANG hapon, humahangos na dumating si Senyora Kakay na sinalubong naman ng kasambahay nilang si Cora.
"Cora, nasaan ang Sir Stephen mo?"
"Nasa taas po Ma'am, kararating lang. Nag-basketball po siya kasama ni Kuya Sony, 'yong kapitbahay po nating Usi."
"Usi, ano..?" Bigla niyang naalaala ang kapitbahay nila. "I see!"
"Ma'am, ano pong Usi?" tanong ni Cora na bahagyang natatawa.
BINABASA MO ANG
Shattered Stephen
ActionSalawahan, two-timer, kaya iniwan siya ng mga babaeng tunay na nagmamahal sa kaniya. Iyan si Stephen Aquino. Nang dahil sa kaniya, muling nagmahal at nasaktan si Beverly. Nang dahil din sa kaniya, nabigo nang husto ang pag-asa ni Sophie na silang da...