Chapter 32 - Stephen's Dilemma

677 16 0
                                    


HINDI basta makakapayag si Stephen na makuha ni Apollo si Lady B nang ganoon na lang kadali. Dadaan muna ito sa malamig niyang bangkay bago mangyari iyon. Sa sobra niyang panggigigil ay pinaghahampas niya ng kaniyang kamay ang pader ng banyo. Naiinis na naman siya dahil nasangkot ulit siya sa gulo. Nagsisisi tuloy siya kung bakit pa siya napadaan kina Brenda. Hindi niya kailanman ginustong magpakabayani. Mas gugustuhin pa niyang tawaging duwag, kaysa matapang nga, pero malamig na bangkay naman.

"Damn him!" Naalala pa niya ang hitsura ni Apollo habang binubugbog ng tauhan nito si Sony. "Napakasama talaga niya!"

Pagkatapos niyang maligo at makapagbihis ay kinuha niya ang kaniyang cellphone. Naupo siya sa kaniyang kama at agad hinanap sa kaniyang contact list ang pangalan ni Troy. Sa. panahong ito ay si Troy ang maaaring makatulong sa kaniya. Si Troy ang kukunin niyang coach para sa car drifting at racing dahil nasubukan na niya ang husay nito.

Nang sumagot sa kabilang linya si Troy. "Hello, Troy? This is Stephen."

"What's up, Bro?" sagot ni Troy sa kabilang linya.

"Sorry to disturb you, but I need your help. Are you available for coaching me again this week?"

"Slow down, Bro. You sound bad." Nanginginig kasi ang boses niya.

"Please Bro, I need a coach," pakisumamo ni Stephen.

"What's the problem? Are you in trouble?" takang tanong nito.

"You know Apollo? 'Yong apo ni Senator..." Sa katarantahan ay hindi niya maalala ang apelyido nila Apollo.

Biglang sumingit si Troy. "Senator Valenzuela? Chill Bro," sabi ni Troy. Nahalata nito ang kaniyang pagkabalisa. "Apollo? The leader of the Black Leather Gang?"

Nagdahan-dahan na siya ng pananalita. "Siya nga! Kasi Bro, he wants me to fight him in a race with my car."

"You mean your Lambo..? And you said yes to him..? If I were you, I will not do it. You won't win with him. He's an evil genius when it comes to racing. Dadayain ka lang niya. Besides, even if I want to help you, I can't. Candice told me to stop coaching you. What happened pala between the two of you?" Parang binagsakan siya ng isang sakong bigas sa kaniyang mga balikat sa nabanggit nito.

Hindi kaagad siya nakapagsalita. Inaasahan pa naman niya na ito ang makakatulong sa kaniya. "Hello, Stephen?"

Marahil ay sadiyang inilihim ni Candice kay Troy ang tunay na nangyari sa kanila kaya hindi din niya ito dapat sabihin. "Babayaran naman kita. Name your price. Kahit isang session lang."

"Sorry Bro. Ayokong magalit si Candice sa akin. Ibang klase kasi 'yon pag nagagalit."

Hindi na nagpumilit si Stephen. "I understand, Bro," mahinang sagot niya. Bakas sa boses ang kawalan niya ng pag-asa. "Salamat na lang, Troy." Napabuntonghininga pa siya.

"Good luck, Stephen! Ingat ka kay Apollo. He's crazy, man!"

"I will. Thanks, Bro!" Inilapag na niya ang kaniyang cellphone sabay bagsak ng likod sa higaan sa labis na pagkadismaya. Hindi rin naman niya masisisi ito sa pagtanggi sa kaniya dahil si Candice naman talaga ang kaibigan nito.

Kinuha niya ang unan at ipinatong niya ito sa kaniyang mukha para makapag-isip. Nakagawiaan na niya ito kapag may nais siyang isipin.

How can I fight that son-of-a-bitch? Wala akong laban. Pati si Mama, idinamay niya. Talagang feeling niya, dinaya namin siya. Paano na si Sony? Baka totohanin niya ang banta niyang patayin si Sony? Pag lumaban naman ako, ako naman ang patay nito! Lagot din ako kay Mama pag may nangyari kay B. And what if something hap..Oh my God. Bigla niyang naalaala si Beverly. I wish you're here with me. Bumalik ka na. Bilisan mo at baka di na tayo magkita.

Shattered StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon