Chapter 25 - Heya Coach!

804 18 0
                                    

"STEPHEN, wake-up!" panggigising ni Candice. Niyugyog pa siya nito sa may balikat. Napaidlip pala siya sa sofa pagkatapos nilang mag-merienda.

Nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay napabalikwas siya. "Pasensiya na Candice kung nakatulog ako," nahihiya pang sabi niya. Siya lang kasi ang natulog samantalang napapakapagod ang mga kasamahan niya. Inayos na rin niya ang kaniyang buhok at mabilisang nilinis ang kaniyang mukha.

"Hindi naman sana kita gigisingin kaso umuungol ka. You're having a bad dream."

"Talaga? Nakakahiya naman. Anong mga pinagsasabi ko?"

"Just gibberish, pero na-mention mo ata si Sophie." Biglang namula ang magkabilaang pisngi niya. "Ano ba 'yong napanaginipan mo?"

Napaisip siya. "Meron daw akong hinahabol na bata, tapos may kabayo at torong nag-uunahan. Kamuntik pa nga akong mahagip. Tapos nalaglag ako sa bangin, pero napakapit ako sa ugat. Buti na lang dumating si Sophie at hinihila niya akong paakyat, pero nahulog pa rin ako," sunud-sunod niyang banggit.

"Tsk! Kaya pala umuungol ka dahil nalaglag ka sa bangin. Masakit ba?" pang-aasar nito.

"Hindi e. Ginising mo kasi ako." Napangisi siya.

"Sana pala hindi na kita ginising para nagkalasug-lasog ka na."

"Ang sama mo naman. Pero masakit ang katawan ko. Kaya siguro ako binangungot.  Kasi ikaw, pinagod mo ako."

"Sa'n? Akin na, hihilutin ko."

Bigla siyang nahiya. "Huwag na. Okay na ako."

"Ang sabihin mo naparami ang kain mo."

"Yata. Ang sarap kasi ng chicken-pork adobong pinabili mo." Nagtawanan pa sila.

Napamewang pa ito sa harap niya. "Siguro, balak mong sumali sa car racing or drifting competitions, 'no?"

"Me? Into car racing? Nah!" depensa niya na umiiling-iling.

"Then, why do you want to learn car drifting?"

"It's cool. A...guy thing. You know?" pautal-utal niyang sagot. "That speed! That rush! I want to experience that." May pagalaw-galaw pa siya ng kaniyang mga kamay.

"Pa-macho effect sa mga girls kamo, hmp!" Inirapan siya nito.

"Hindi naman. E, ba't ikaw? Ke-babaeng tao mo pa?"

"That time kasi nagpapa-cute 'yong ex ko. E di, sinakyan ko." Muli itong natawa, pagktapos ay umupo sa tabi niya. "At first, I was so afraid to try it, but my ex convinced. He told me not to be afraid to take some risks in life. And to maneuver situations beyond my control."

Kinuha nito ang remote ng tv at ginawa itong parang kotse na umaandar at pinapadulas niya sa ibabaw ng coffee table. "In drifting, you can make the car go wild. When it goes wilder, then you control it to run normally." Bigla nitong pinaikot ang remote at ipinatapat ng tuwid sa kaniya. "Ikaw ang susundin niya, hindi ikaw ang susunod.. When you learn how to do it, you can get addicted to it. Yong feeling na babangga ka sa kung saan, tapos na-control mo iyon, that's where adrenalin kicks in!"

Ibang klase talaga ang babaeng ito!
Gusto na yata niya itong gayahin pagdating sa katapangan.

Nagpatuloy muli ito. "Life is like driving a car. It's either you are the driver or someone is driving for you. Mas maganda kung ikaw ang magmamaneho para alam mo kung saan ka pupunta, di ba?"  Napatango naman siya dito. "That time also, I didn't know where I was heading. My life was in a mess because I let someone do the driving. But then I learn to do it my way. At 'yon naman ang kinagandahan ng nangyari sa buhay ko with my ex. Natutuo akong maging matatag."

Shattered StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon