Chapter 17:Last Practice

305 3 0
                                    

Sunday..September 17
Nandito kami sa gymnasium,nakaupo lang kami dito sa stage at kanya kanyang gawa ng costumes at gagamitin namin ng props.

About kay Calvin naman,hindi ko na talaga sila nakitang nagpraktis ulit dito simula noon.Pero kapag dumadaan siya sa tapat ng room namin sulit na sulit ko naman yung pagtitig ko sa kanya,dahil diretso lang naman lagi tingin nun e,medyo nagiingat lang ako kapag kasama niya barkada niya at baka yun pa makahuli sa alin na nakatingin kay Calvin ,pati nadin kapag may ibang babaeng nakatingin sa kanya umiiwas nadin ako.

"Oy,gandahan niyo mga gawa niyo ah."sabi ni Klare.

"Yes naman"sabi ng isa naming kagroup.

"Haha.Syempre para costume pa lang kabog na."sabi pa ng isa.

"Wuuupooo..Ang ganda ng pagkagupit ko dito sa akin."sabi ni Camille,habang tinitingnan yung shirt niya na nakataas ngayon na hawak niya.

"Haha.O-Ey."sabi naman ni Rosielyn,ako naman ipinagpapatuloy ko lang yung akin.

Ng lunch na ay umuwi na kami,yung mga hindi natapos iuuwi nalang yun para gawin nila.At magpapahinga nadin kami,basta sinabi ni Klare na mag-individual praktis din daw kami sa bahay,para hindi namin malimutan yung mga steps.

"Jayciel,daan tayo ng school,andun daw si Maureen."sabi ni Rosielyn.

"Osige"sabi ko naman.

Pagdating namin sa school,pumunta kami sa Learning Tambayan which is nanduon si Maureen.

"Hellllowwww.Haha.Tapos na din kayo noh?"salubong nito.

"Hindi,actually magu-umpisa palang kami,no steps kahit isa."sarcastic na sabi naman ni Camille.

"Bad Attitude yan Camille."sabi ni Maureen.

Napatingin naman ako sa C section na room,napaisip ako bakit kaya parang hindi na sila nagpraktis.?

"Uy,Jayciel bakit ka dun nakatingin?andito yung usapan oh.Haha"sabi naman ni Maureen.

"Hoy,bakit ganon hindi ata nagpraktis masiyado yung C section,haneh?kasi minsan ko lang nakita si Renzo nun e."sabi ni Rosielyn,Ayzz yun din ang nasa isip ko.

"Bakit nga kaya?"nasabi ko nalang ng wala sa oras.

"Nako,itong dalawa na ito oh,mga kawawang umaasa sa mga taong wala naman sa kanilang pakialam .Haha"sabi ni Maureen.

"Huwag kasi kayong magfocus sa taong walang time na pansinin ka,malawak ang mundo di mo alam yung taong nakatadhana sayo nasa tabi mo lang pala.Pero wag ka lang pupunta sa zoo dahil malamang malaking percent na ang nakalaan sa iyo dun e maaaring unggoy,lion,ahas,at iba pa .Haha"sabi naman ni Camille

"HAHAHA.LT."pagtawa ni Maureen

"Hayss.I have a hopeless crush on someone I have no chance with,sabi nga.Kaya kung ako sa inyo magpakabaliw nalang kayo sa pag-aaral Haha"sabi naman Maureen.

Nang mga magaalas-2:00 na ay umuwi nadin kami dahil hindi pa kami kumakain dahil nga dumiretso pa kami sa school.

Pagdating ko sa bahay nakakain na sila Mom,kaya ako nalang at si Yaya ang nagsabay.Pagkatapos ay pumunta ako sa kwarto ni Ace para makipagchikahan.

"Ace,umiyak ka ba?"tanong ko dito,kasi napansin ko yung mata niya na medyo mugto.

"No."tipid na sagot nito,but his my brother so,I know him .

"Yana is the reason,hindi mo ako maloloko Ace.Akala ko ba okay lang na ganon na yung situation ,e bakit nasasaktan ka pa.?"tanong ko dito

"Iba ang pagtanggap sa paglimot.Kapag sinabi mong tanggap mo na ibig sabihin naging masaya ka lang sa mga bagay na alam mo naman na walang patutunguhan at katuparan.Pero ang paglimot dapat kasama na duon yung damdamin mo ,yung feelings or pagmamahal mo para sa kanya.And the point is tanggap ko lang na hindi siya pwedeng maging akin dahil may mahal na siyang iba,pero hindi ko kinalimutan yung nararamdaman ko sa kanya,I still loving her,that's why I'm still hurting."

"Ace,hanggang kailan mo ba siya mamahalin,kahit na alam mo naman na may mahal na siyang iba?"tanong ko dito.

"I can't answer that,dahil unang-una pagdating sa pag-ibig ,hindi na isip nagdedesisyon dun kundi ang puso."sabi nito.

"E,bakit kasi simula ng una palang hindi mo na ipinaglaban ,hindi naman masama para sa iyo yun dahil lalaki ka?.Tsaka alam mo sabi nga nila ,kapag nagmahal ka,imposibleng di masaktan.Pero kung tunay kang nagmamahal ,hindi mo susukuan,in other words ipaglalaban mo."sabi ko dito.

"Ang hirap kasing ipilit kapag alam mong hindi naman talaga para sa iyo,para kang nagbubuo ng isang puzzle na mali ang isang pair kaya hindi mo makuha - kuha yung kabuuan nito."

Pagkatapos niyang sabihin yun ilang sandali lang ay lumabas nadin ako sa kwarto niya,grabe kung sa school dumudugo yung utak ko sa hugot ni Camille ,dito naman sa bahay yung mala-teleserye na mga nalalaman ni Ace.

Ayzzz.

"Sometimes you can't let go of what's making you sad,because it was the only thing that made you happy"

Tama naman diba?Paano nga naman ni Ace kakalimutan yung feelings niya kay Yana,kung kahit nasasaktan na siya,pero yung bawat ngiti palang ng girl na yun sumasaya siya,mahirap talagang palayain yung puso niya.Parang ako lang may mga nagsabi ng kalimutan ko na yung feelings ko kay Calvin,hindi ko kaya because he's the first guy I met that make me feel the magical happiness internally and externally.Haha.

Pagkatapos ay inayos ko pa yung costume na nilagyan ko ng design at itinabi ko muna.At isinunod kong inayos yung props na gagamitin ko.

Sana nga matapos narin yun ng maayos para naman hindi na kami magtake pa ng exam,bawas reviehin din yun at para mataas na agad yung grades namin,but syempre para worth it naman lahat ng gastos at pagod namin during those practices.

Pero sabagay para sa akin sulit na iyon dahil nakita ko dun si Calvin,yung dance aerobic practice na ito yung naging way para makita ko yung SLMH na katulad niya.Si cute guy.Si kuyang ang hilig sa blue.Haha.

Tapos naiisip ko lang mapapanood ko siya kapag nagperform nadin sila dahil sabay-sabay naman ng day yun e,siguro mas astig siya nun,ano kaya itsura niya habang nagsasayaw.

Napngiti nalang tuloy ako,naiimagine ko kasi siya.Astig with matching cute face.. :)

Dreaming Mr.Hearthrob (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon