Friday.September 22
Whaaaaaa.This is it na mukha lang akong kalmado sa labas pero deep inside sobra na talaga akong kinakabahan.At dahil group 1 sila Maureen nauna na silang pinapunta sa gymnasium ng school ,habang kaming mga group 2 ay nagaapura nadin sa pagbibihis.
"Oy Jayciel,pasama ako sandali sa cr."sabi ni Rosielyn.At ayun sinamahan ko naman siya and internally nakangiti ako dahil masisilip ko ng bahagya yung room ng C section kung anduon na si Calvin..
Ewan lang pero gusto ko kasi mapanuod niya yung amin ,kahit ba hindi niya ako kilala.Kaya lang....ayzz.
Pagtapat dun sa room nila ,di ko magawa ang hirap palang sumilip grabe,nakakahiya.Kaya ayon nagtuloy-tuloy na kaming pumanik ni Rosielyn sa C.R.
"Bagay sayo costume natin ah."nakangiti kong sabi dito ,habang siya nagsasalamin.
"Susss.Ng uto ka pa.Haha"sabi naman nito,tapos tumakbo nadin kami pabalik sa room,dahil kailangan nadin naming pumunta duon.
Pagdating namin sa gym ng school hindi pa tapos sila Maureen ,wala pa nga ata sila sa kalahati.Tapos ayun pinavideohan namin kay Camille yung performance nila.
Habang hinihintay yung time na kami na ,palingon-lingon naman ako dun sa paligid ng likod ng gymnasium dito sa school,umaasa kasi ako na makikita ko siya duon.
Oo,para sa akin abnoy na ako,kasi naman umaasa ako na nanduon siya sa bleachers ng gym na ito,o kaya isa siya sa mga student na nakatayo duon at nanunuod,pero wala man lang .Di ko maitatanggi na nakakalungkot at disappoint pala.Syempre ang saya siguro kapag nakita mo yung crush mo na nanunuod diba ,kahit hindi naman mismo sa iyo nakatuon yung atensyon niya.,presence lang okay na.
Tapos ayun buti pa si Renzo nakita ko ng dumating.
"Oy,ayun si Renzo Oh,kapapasok lang ng gate ng school,panonoorin ka ata."sabi ko naman kay Rosielyn.
"Nako,baka nga.Haha.De joke.Sira ka ba may pnonoorin ba yung katulad niyang ayun oh,dire-diretso sa way papuntang building natin."sabi naman nito.
"Ayz..Sabagay."sabi ko naman ,nakakalungkot lang talaga.
"Kyaaaah.Pangatlo sila mamaya,bali after ng section natin,may isang section pa at sila na.Makakanuod tayo.Haha."sabi naman nito ,syempre hindi ko nadin maiwasan na mapangiti,yun naman talaga yung inaabangan ko,yung makita siya.
"Oo,sige na"sabi ko nalang dito,dahil tinawag na kami ng leader namin.And nagpray muna kami ng sama-sama.At di nagtagal ay tinawag na yung group namin.
Tapos ayun nakakapagod pala,lalo na kapag tuloy-tuloy,ngayon lang ata tumulo yung pawis ko ng ganoon grabe.
Pagkatapos nang performance namin ay pinalapit kami ng teacher namin.
"Okay,first give your self a big round of applause."sabi nito at nagpalakpakan naman kami.
"So,alam niyo naman na yung sinabi ko sa inyo dati about that ..and congratulations ,exempted na kayo ng exam niyo sa akin both group 1 and 2.Okay pwede na kayong magpahinga."sabi ng teacher namin,grabe sobrang saya talaga namin.
"Huwww,buti nalang natapos na ito."masayang sabi ni Maureen na kapupunta lang sa side namin.
"Oo nga and sulit yung pagod"sabi naman ni Rosielyn.
"Oo sana nga laging nalang ganyan sa lahat ng bagay eh,ng hindi nasasayang lahat ng pinghihirapan,yung tipong lahat ay worth it pagpaguran."sabi naman ni Camille.
"Haha.ano ba yan Camille..pero oo nga ang sarap sa feeling na parang free na ulit tayo."sabi ko naman at ayun nagpicture lang muna kami sandali.
Nagbihis kami ng baon namin na PE namin sa C.R. tsaka kami bumalik ulit sa room.
BINABASA MO ANG
Dreaming Mr.Hearthrob (Completed)
Genç Kurgu"Never force something or someone just let it be,if it's meant to be it will be"all of a sudden iyan ang kataga na itinatak ko sa puso't isipan ko,pero di ko akalaing maglalaho simula ng makilala ko siya,when I start to dream a Mr.Hearthrob like him...