Dito kami dadaan sa may parking dahil napagdesisyunan namin na bumili muna ng ice cream sa labas.
Napatingin naman ako kay Rosielyn dahil madadaanan namin si Renzo na nakaupo sa may isang motor duon.At ayun parang biglang nagturbo yung paglakad ni Rosielyn haha.
"Bakit ganoon yung crush ni Rosielyn Haha.Parang nakatingin pa nga sa kanya kanina e."natatawang sabi ni Maureen.
"Oo nga,kita ko nga din yun."sabi ko naman.
"Feeling yun e."napatingin naman kami kay Rosielyn.
"Haha.Mukhang may pagkabitter ka ata diyan ah.Haha"sabi naman ni Maureen.
"Ayz.Buti nga siya e,napapatingin sa side niya yung crush niya,e yung sa akin hindi."sabi ko naman.
"Hala ka.Nasasaktan ka na."natatawang sabi pa ni Rosielyn.Ayz.
Tapos ayun bumili kami ng ice cream at pumasok na ulit sa loob para pumunta sa room at kunin yung bag namin.
"Oy,tingnan nga natin sandali."aya ni Maureen.Kaya pumasok kami ulit sa gym kung saan may nagpeperform pa.
Tapos napalingon ako dun sa likod ko.
Bigla na naman bumilis yung tibok ng puso ko.Andun siya ..si Calvin hawak hawak niya yung rubrics na laruan ..at patingin -tingin dun sa nagpeperform ,hindi ko alam pero ng pagkakataon na iyon ,hindi ako nakaramdam ng kilig kundi lungkot.
Nalulungkot ako kasi ang lapit na naman niya sa akin nun,pero di man lang siya napatingin kung nasaang side ako.Ako lang na naman yung nakatingin sa isang katulad niya.Na gustong gustong maging friend at makapagpapicture sa kanya.
"Tara na ,kabagot uwi na tayo Camille."sigaw ni Maureen kay Camille kaya lumapit na ito sa amin at lumabas na kami sa gym.
Habang papaalis kami ,tinitingan ko padin si Calvin na until now walang kamalay malay na andito na naman ako,yung girl na hinihintay na mapatingin siya kahit kaunti segundo lang .... :(
Wala na kaming pasok mamayang tanghali kaya magpapahinga lang din ako sa bahay ngayon.Habang nakasakay naman kami sa tricycle kanina ay nag-usap na kami para bukas about dun sa pupunta kami sa bahay nila Maureen.
Natulog ako at kagigising ko lang and laking gulat ko ng 2:00 na pala.Kaya naisipan ko munang pumunta sa kusina at kumain na ng lunch.
"Ya.Si Ace po ba umuwi"tanong ko kay Yaya
"Oo,pumasok din."sabi nito at ipinagpatuloy ko na ang pagkain.
Dahil wala din naman akong magagawa ay pumunta ako sa may mini garden at umupo sa duyan duon dala ang phone ko.
Naispan kong magonline ng FB ko ,at dahil sabi ko nga ang kabonding ko lang dito ay yung newsfeed ko,kaya naman ganon nalang ako napahinto sa pahgscroll ng makita ko yung name ni Calvin na nakatag sa isang post.
Speechless ang bibig ko,isip at lalong lalo na ang puso ko.
Nakapost yung picture niya with a girl,I think classmate niya lang naman yun.But..
Nagseselos ako ,buti pa itong babae nakasama niya sa picture nakapagpapicture na sa kanya,nasasaktan lang naman kasi ako dahil syempre isa yun sa pangarap ko din diba?pero hindi naman nangyayari.
Tapos ang parang ganda pa ng timing niya dahil ang astig pa ng suot ni Calvin dito,siguro after ito kanina ng performance nila.Ayz.
****
Saturday.Nandito na kami sa bahay nila Maureen wala daw tao dito siya lang ,kaya puro snacks yung nakalatag sa amin dito sa kama niya ngayon.
Ito kung ano-ano yung pingagkwekwentuha namin.
"Edi siguro kilala ka na ni Renzo"sabi ni Camille kay Rosielyn.
"Kyhaas.Sa tingin ko.Haha"sabi naman nito.
"Ayuneeh"tanging naitugon ko nalang.
"Camille ,tara sandali dun sa kusina gawa tayo ng juice"sabi ng dalawa kaya kami ni Rosielyn yung naiwan dito.
"Oy,wala ka pala sa akin e."natatawang sabi ni Rosielyn.
"Ha?Bakit?"sabi ko naman dito kahit alam ko naman na talaga yung ibig sabihin niya.
"Ako sa tingin ko kilala na ako ni Renzo.Kyaaahihi."sabi pa nito.
"Kaya ko din yan noh "di ko alam kung bakit yun yung lumabas sa bibig ko.
"Weh?Hahaha.E tuwing nakikita mo nga si Calvin nagtatago ka."sabi nito habang tinatawanan ako.
"Hmm.Edi mag deal or no deal tayo kung sino mananalo siya yung matapang."grabe hindi ko na talaga alam mga lumalabas sa bibig ko.
"Ha?Ano naman yan?Sige go.."sabi pa nito.
"Iaad ko mamaya si Renzo at dapat iadd mo din yung akin .And the main thought is it's a 35 days deal."sabi ko.
"Anong 35 days deal?Haha.Nakakacurious."
"Starting tomorrow ,September 24 yun na yung umpisa ng deal ,at ang end ay sa October 28 .Dapat sa loob ng 35 days na yan mapapayag natin sila na makapagpapicture tayo sa kanila,bahala ka kung ano ichachat mo sa crush mo para mapapayag mong gawin niya yun before the end of the deal at kung hindi naman magagawa ang parusa sa mismong end ng deal which is sa October 28 ay eye to eye picture sa crush .Ano deal or no deal?"sabi ko dito.
Whaaaaaa.Ikaw pa ba yan Jayciel.?Di ako ganito..Ano ba ginawa sa iyo ng isang Calvin Dreile Mendoza?Ganon ba effect ng hearthrob sayo.?Ganon mo na ba siya pinapangarap?
"HAHAHA.DEAL."confident pa na sabi nito,na saktong pagpasok ng dalawa.
"Anong deal?"sabay pa na tanong ng mga ito.Tapos agad gad naman na kwinento yun ni Rosielyn.
"Nako,alam niyo ba yung ginagawa niyo,mga sira."sabi ni Camille.
"Ikaw pa talaga Jayciel.Asan na yung all of a sudden mo na quotation?"sabi naman ni Maureen.
Napahinto ako sa sinabi ni Maureen.Paano ko nga ba nasabi yung mga ito?Pero may part sa akin na wala na,na kung ano yung nasabi ko yun na iyon ,di ko na pwedeng bawiin at dapat ituloy ko nalang.
"Magtatake kaya kayo ng Risk diyan"dagdag pa ni Camille
"Bahala na."sabi ko
"Whaaa.Ikaw ba yan Jayciel .Nako baka seryosohin mo pa yan e,masaktan pa kayo,lalo ka na,sa halip na trip lang yan e ,maging serious."sabi ni Maureen.
"HAHA.Ala na e,may parusa na kaya hindi na siya makakapagback out ."sabi ni Rosielyn.
"Basta bukas na yung umpisa .Let us the deal start tom and end on October 28"dagdag pa ni Rosielyn.
"Alam niyo dalawa lang din yung pamimilian niyo diyan,ang masasaktan kayo at iiyak kayo."sabi ni Camille.Pero natakot ako dun ah .
"Okay,mukhang di naman na mapipigilan yung kautuan niyo eh.Kaya please lang especially sa iyo Jayciel,don't expect to much ,because that too much can kill you so much."sabi ni Maureen.Napawow naman ako dun.
"Oo Jayciel,dahil ako ,alam ko ng ibalance yung maaaring mangyari.Ganon ka din sana."sabi pa ni Rosielyn,tumango naman ako.
Tapos ayun nagbonding na nga kami ,inabot din kami ng mga magaala-sais na kila Maureen.
At bago kami maghiwahiwalay sinabi ni Camille na maaga daw kami pumasok sa lunes,ewan ko naman ba,pero may sasabihin daw kasi ito na dapat namin itatak sa isip namin.Haha
BINABASA MO ANG
Dreaming Mr.Hearthrob (Completed)
Novela Juvenil"Never force something or someone just let it be,if it's meant to be it will be"all of a sudden iyan ang kataga na itinatak ko sa puso't isipan ko,pero di ko akalaing maglalaho simula ng makilala ko siya,when I start to dream a Mr.Hearthrob like him...