EPILOGUE

561 5 0
                                    

Totoo pala na kapag nagmahal ka magiging bulag ka sa katotohonan.Hindi mo namamalayan na ikaw na pala mismo yung nagiging dahilan kung bakit ka nasasaktan minsan.

Na may mga bagay pala talaga na dapat IPINAGLALABAN at HINDI dapat IPAGLABAN.Na may mga tao pala talagang nakatakda mong makilala at makita pero hindi nakalaan sayo.Na sa pagmamahal dapat alam mo kung kailan ka KAKAPIT o BIBITAW...kung kailan mo kailangang LUMABAN O SUMUKO.

Dapat mayroon tayong sariling paniniwala,yung hindi lang basta laging naiinvolve yung TADHANA o si KUPIDO.

Life is a matter of choices..

Pinili kong mahalin siya,kahit alam ko naman na hindi niya ako makikilala at kikilalanin.Pinili ko magpatuloy kahit nasasaktan na ako.Pinili kong paniwalaan yung mga expectations ng puso ko.At pinili kong umasa at maging tanga kahit alam ko naman na ako ang talo simula una ,hanggang dulo.

Pero pwede ko naman sanang piliin na hindi MAGTAKE NG RISK,na malaya ko naman na hindi na siya isipin pa at hayaang papasukin ng tuluyan sa puso ko,pero nahulog pa din ako.Kaya ko naman sanang itigil yung pangarapin siya,dahil alam ko naman na malabong mapansin at makilala niya ako.

Napaisip din ako..Dapat ba akong maghinayang?dahil inuna ko yung hiya,kaysa magpakilala ako sa kanya ng personal?o ang dapat na katanungan ay Dapat ko ba siyang panghinayangan?kahit na sa totoo lang gumawa naman na talaga ako ng way para makilala niya but siya na mismo yung hindi tumupad sa usapan?lalo na ng pinili kong ipaglaban yung pagmamahal ko kahit na ako lang yung nasasaktan,umaasa at naghihintay?

Dalawang katanungan pero isa lang ang kasagutan..Isang salita..Limang letra."HINDI"

Bakit naman ako maghihinayang,bakit tayo..ako,maghihinayang?para sa akin sobrang unfair na kung ako pa din yung gagawa ng way para makilala niya ako.Hindi dapat tayo maghinayang,kung alam mong sa simula't una palang lumaban ka na,kahit alam mong talo ka sa bandang dulo.

Hindi ko rin siya paghihinayangan.Bakit ko kailangan paghinayangan yung isang taong kahit kailan hindi naman naging parte ng buong buhay ko.

Bakit pa nga kasi natin kailangan saktan yung sarili natin,at makipagsisikan sa puso ng taong iba naman ang nilalaman..kung di naman talaga yun yung taong para sa atin.

Sabi pa nga nila.. "LEARN HOW TO WAIT" , "Matuto ka kasing maghintay"yan yung madalas sinasabi nila ,but after ng mga nangyari,after I dream a Mr.Hearthrob.Apat na salita lang ang nasabi ko...

"THANKS,BUT NO THANKS."

Thanks,dahil sinabi nila kung ano ba talaga ang tama o nararapat.No Thanks,dahil hindi ko kayang sundin yung sinasabi nila.Hindi dahil gusto kong magpasakop sa katangahan at ikulong ang sarili ko sa sakit.

Mali kayo..hindi na ako aasa pa sa isang bagay na imposible naman na mangyari.Hindi ako MAGHIHINATAY hangga't maaari dahil hindi yun biro.

Dahil ngayon para sa akin,KUNG MAY DARATING,EDI MAYROONG DARATING..pero KUNG WALA,EDI WALA.Narealize ko kasi na hindi lang naman iikot at tatakbo ang buhay mo,para sa paghahabol at paghihintay lang sa isang taong magmamahal sayo.God is the one who can give you the love you want and deserve.Your family,lalo na yung mismong sarili mo.

Dreaming Mr.Hearthrob (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon