Thursday ngayon,dalawang araw akong absent,dahil feeling ko hindi ko kayang pumasok.Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan ng tuluyan yung pag-aaral ko.
Sa dalawang araw na iyon,puro text ang natatanggap dun sa tatlo,hindi ko naman mareplyan dahil ayokong bumigay ako agad.Ayokong makita nila yung ganoon na side ko.Natatakot akong malaman nila na nagkakaganito ako ng dahil lang kay Calvin.
***
SchoolNg dumating ako ay nagbibidahan lang yung tatlo sa upuan,kaya ng makita nila ako ay napahinto sila.
"OMG..Jayciel"salubong sa akin ng tatlo,nginitian ko naman sila.As usual sa Jayciel na kilala nila.
"Bakit di ka pumasok ng dalawang araw?"tanong ni Maureen
"Oo nga buti,wala ng masiyadong ginagawa,tsaka may program bukas."sabi naman ni Rosielyn.
"Masakit kasi yung ulo ko."pagdadahilan ko naman.
"May isang big news ka tuloy na hindi pa nalalaman."sabi naman ni Camille.
"Shhh.Camille..ang daldal mo."sabi naman ni Rosielyn.Dun palang alam ko na kung ano yung tinutukoy nila.Kaya nag-umpisa na namang maramdaman ko yung mga tusok ng karayom sa puso ko.
"Wag mo nalang pansinin yan."sabi naman ni Maureen.
"I already know that big news ,that Camille talk about."sabi ko naman sa kanila,at pilit ngumiti.
And silent comes.....
At ilang minuto naisipan kong magsalita,dahil parang bigla nalang naging sobrang lungkot ng paligid,lalo na ng dumaan yung barkada nila Renzo which is anduon si Calvin na *happy face*.
"Ahm.Wala naman na sigurong gagawin bukas diba?"tanong ko sa mga ito.At ayon tumango naman sila.
Kinopya ko lang din yung ibang lecture nila ng wala ako.Tapos ng tanghali ay wala ng pasok dahil may meeting daw,yung senior at junior staff.
***
7:53 pm
At ngayon tahimik lang akong nakaupo dito sa may duyan,lumilipad na naman yung isip ko.Katatapos lang din naman magdinner ni Yaya.Malungkot akong napatingin sa dalawang espesyal na bituin sa akin.Yung pinakamakinang yun yung nagpapaalala sa akin sa bestfriend ko.At yung isa naman na may pagka-blue yung spark ay nagpapaalala sa akin kay Calvin.
Bigla na naman pumatak ang luha sa mga mata ko.Kaya pinunasan ko agad ito.
Siguro nao-oeyan kayo,or nagtataka kung bakit ganito nalang yung nararamdaman ko.Hindi ko rin sigurado ang sagot diyan.Pero siguro dahil ang totoo talaga,ngayon lang ako nagmahal ..sa kanya ko lang nafeel yung lahat ng naramdaman ko when I first saw him,when everytime I look at him..
Isa lang yung narealize ko when you deeply in love with someone at yun yung di mo mapipigilang umasa at maging tanga kahit nakikita at nararamdaman mong wala ka naman talagang halaga sa kanya.
"Jayciel..."na alis nalang ang tingin ko sa taas ng makita ko yung tatlo at nasa likod nila si Yaya.Nagulat naman ako at ng tiningnan ko si Yaya ay pumasok na ito ulit sa loob ng bahay at naiwan yung tatlo.
Ayzz.Hangga't maaari ayoko sanang ganyan silang seryoso..
"Ahm.A-Ano yung ginagawa niyo dito.?"tanong ko sa mga ito,at pilit tumawa.
"Jayciel..your Yaya told us everything."sabi ni Maureen.Napangiti nalang ako,alam kong concerned lang din sa akin si Yaya.
"I'm sorry di ko sinabi sa inyo."sabi ko at ngumiting muli,lumapit naman sila sa akin.
"Jayciel,ayos lang naiintindihan ka naman namin,but sana lang huwag kang matakot na sabihin sa amin kung ano yung problem mo."sabi naman ni Rosielyn.
Umakyat naman ako sa taas ng puno at umupo sa isang sanga duon at sumunod naman sila.
"Alam niyo kasi kung ano yung masakit,yung hindi naman pala kayo para sa isa't-isa pero pinagtagpo pa kayo."pagsasalita ko habang nakatingin na naman sa mga bituin.
"Jayciel,we're very sorry talaga,kasi hindi namin agad napansin na ganyan ka pala naging ka-affected kay Calvin."malungkot na sabi ni Maureen,habang hinihimas yung likod ko.
"Bakit ba kasi sobrang ironic nalang palagi?Bakit ba kasi tayo nagkakagusto sa isang taong may gusto ng iba?Bakit kailangan nating magmahal ng isang taong may mahal ng iba?"
"As simple but as hurtful,as why we need to fall in love with someone who can't never catch and love us as much as they love them."patuloy kong pagsasalita,habang sa taas pa din nakatingin.
"Wala tayong magagawa Jayciel,dahil hindi naman natn pwedeng kontrolin kung kanino titibok ang puso natin."pagpapaliwanag naman ni Camille,napatingin naman ako dito.
"Tama si Camille ,Jayciel."sabi pa ni Maureen,si Rosielyn naman nakayuko lang.
Ganon na ba kalabo yung mata ni kupido para panain niya yung puso ko sa isang taong ang puso ay nakalaan na sa ibang tao.?Pero sana man lang kasi parehas niya nalang pinana,para di lang ako yung umaasa at patuloy na nasasaktan,para sa isang taong wala naman pakialam.
O,siguro sadya talagang malupit ang tadhana.?
(A/N):Continuation on the next chapter.
BINABASA MO ANG
Dreaming Mr.Hearthrob (Completed)
Novela Juvenil"Never force something or someone just let it be,if it's meant to be it will be"all of a sudden iyan ang kataga na itinatak ko sa puso't isipan ko,pero di ko akalaing maglalaho simula ng makilala ko siya,when I start to dream a Mr.Hearthrob like him...