2:15 ng makarating ako sa bahay,pagkatapos kong magbihis ay dumiretso ako sa sala kung saan nagwawalis si Yaya.
"Ya,linis naman po kayo ng linis.Pahinga naman po kayo,masiyado na po kayong masipag."pagka-usap ko kay Yaya.
"Nako Nak.Wala din naman akong ginagawa.O bakit nga pala ang aga mong umuwi ngayon?."tanong naman nito sa akin.
"E,wala naman na po kasing umaatend na teacher ,kaya umuwi na po kami.Tsaka ganito naman po talaga kapag malapit na ulit yung sembreak."pagtugon ko naman dito.
Pinagpahinga ko lang si Yaya at nagkwentuhan kami sa may sala,e sino pa nga ba mag-uusap kundi kaming dalawa lang,dahil wala si Ace.
7:45
Nandito ako ngayon sa may kwarto ko at nakaupo,pero nakabukas yung bintana.And hawak ko yung phone ko..
Nabasa niya kaya?Na-appreciate niya man lang kaya?..
Nagopen ako sa FB ko,dahil hindi talaga ako mapakali.Inaamin ko excited ako,kung sakali man na may matatanggap akong pasasalamat.
"Happy Birthday Kuyaaa,paano ba yan lolo ka na.Haha .Joke.You're still cool and astig pa din naman.Alam ko naman na hindi mo kailangan ng greet ko,but wala lang gusto lang kitang batiin with that special day for you.Take Care nalang lagi..MBTC.I wish you all the best and godbless Calvin. :)" seen 6:13 am
Expect ko naman na talaga na iseseen niya lang,dahil isa lang naman yung greetings kong basura kung tutuusin,kaya hindi ko maintindihan kung bakit nasasaktan ako ngayon na malaman na sineen niya lang.Isa lang naman kasi ibig sabihin niyan.Hindi niya talaga na-appreciate.
Nagpunta ako sa newsfeed,marami kong nakita na bumati sa kanya,and karamihan wala din naman reply,ang nakita ko lang na may reply niya ng "thanks"something like that,ay yung mga taong "CLOSE"at "KILALA"niya in "PERSONAL."
Hanggang sa matagpuan ko ang mga kamay ko na ang mga kamay ko na nagttype na naman ng message sa kanya.
"Kuyaaa may party ba sa inyo,pansin ko kasi n hindi kayo pumasok nang umaga.?"send.
5 mins later.
"Salamat po"Calvin.
Nakaramdam ako ng kaunting heal sa sakit na naramdaman ko kanina,dahil sa reply niya na yan.Napangiti ako,pero para na naman akong maiiyak,kasi kahit anong gawin kong isip,alam kong pilit lang yan.Kundi ako nagchat ulit ngayon,never niyang maiisip na sabihin yan.Pero okay lang naman e,kasi at the first place babatiin ko naman talaga siya,kahit hindi ako makatanggap ng kahit ano sa kanya..
Kachat ko din ngayon yung kasamahan ko sa GC ni LMH na gurlalu..Kaya medyo natatawa din ako ngayon.
"Bakla ka talaga.. :D"send.
Whaaaa.Shemieee.Wrong send akoo.. kay Calvin..
Magtatype palang sana ako na nawrong send ako ng may nakatanggap na ako agad ng reply mula sa kanya.
"Bakla ba yung may nililigawan"Calvin.
And with that reply ,namanhid ang buong sistema ko,parang hindi ako makahinga ng maayos.Naramdaman ko din na naginit yung mata ko,na parang may mga nagbabadya ng luha.Pero pinilit ko pa din na magreply.
"Ehahaha.Biro lang kuya..Pero nahuhuli na pala ako sa balita.Wala tuloy akong kaalam alam na may sumusugod na pala sa akin.Sorry,sabihin mo sa gf mo."send.
"Hahaha.Okay lang mabait naman yun"Calvin.
At sa pagkakataon na nireply niya na yun,tumulo yung mga luha ko.Ang sakit palang malaman na may mahal ng iba yung taong pinangarap mo.Siguro napaluha nadin ako dahil akala ko nagbibiro lang siya dahil nawrongsend ako na nasabihan siyang bakla.But this follow up reply is the proof na totoo yung sinasabi niya.
Naisip ko tuloy,kung hindi ko kaya siya tiniis ng halos isang month,at chinachat ko padin siya,may liligawan kaya siya agad?Oo noon masakit ,nagselos ako ng malaman kong may crush na siya,sabi ko pa nga sa sarili ko nun ayos lang ,basta makita kong masaya yung taong mahal ko.Pero ngayon na ligawan na yung pinag-uusapan ang hirap pala.Akala ko madali lang,akala ko di ako ganito masasaktan.But mali na naman ako.
Nagreply pa din ako,kahit parang nanginginig na yung buong sistema ko.
"Sorry talaga kuyaaa,iblock mo nalang po ako.Pleasee."send.
"Ayy Mabait yon"Calvin.
T_T :((((((((((((
"Iuunfriend ko nalang garod kita.Sorry talaga."send.
Patuloy lang na tumutulo yung mga luha ko sa mga mata ko.Napahinto lang ang mga luha ko sa pag-agos sa sumunod na reply na natanggap ko.
"Wag mo po iunfriend si Dreile,ayos lang naman sa akin,friend niya,kaibigan ko na din."Calvin.
Naguluhan ako bigla,kilala ko yung chat ni Calvin at alam ko na hindi aiya ganito magchat .
"Oo nga pala si Sofia ito,yung nililigawan niya.Naka online kasi yung account niya sa phone ko nitong friday."Calvin.
Muling umagos ang luha ko sa mga pisngi ko,napatakip pa ako sa bibig ko.Nagets ko nadin kung sino yung pinuntahan niya nun sa 4rth year building ng friday.That's why iba yung ngiti niya,yung reaction sa mga mata niya..
Ano sumunod na ginawa ko syempre hindi lang naman ako serious,hindi lang naman ako advance thinker ..because I also a great PRETENDER.
"Nako,sorry talaga,hindi ko naman na talaga siya crush.Kamukha niya lang talaga yung super korean idol ko."send.
"hahaaha.Ang cute mo naman."Calvin.
"Pero maswerte sa iyo si Calvin"send.
"Opo ah."Calvin.
Sa reply na yan,alam kong it's not Sofia..Alam kong si Calvin yan.Alam ko naman na magiging sila din,dahil ramdam ko na gusto din ni Sofia si Calvin. T_T
Nagoffline nalang ako,dahil mga luha nalang yung nakikita ko.Napatingin ako sa labas ng bintana,kahit yung mga kislap ng bituin hindi ko maaninag this time..
Ang sakit pala,alam kong hindi niyo naman maiintindihan yung nararamdaman ko,pero para sa akin kasi it's very painful .Kasi all of a sudden kahit panandalian akong tumigil,kahit kailan hindi ko binitawan yung pagpangarap sa kanya.Yun narin siguro yung dahilan mung bakit umabot ako sa point na ito.Pero sa totoo lang never kong inexpect na aabot talaga ako sa puntong ganito.
For me, all of this is a big bomb,that make me feel those pain.Iba na pala talaga kapag biglaan,kapag hindi mo napaghandaan.Parang bigla ka nalang sinampal.Gusto kong magselos at sabihin na bakit hindi man lang niya sinabi,para hindi na akong umasa,pero ano magagawa ko??Mahirap kapag dumating ang pag-ibig sa iyo ng hindi ka handa.Pero mas mahirap pala kapag dumating yung sakit ng biglaan at hindi mo inaasahan....
(A/N):SIX CHAPTERS TO GO.
Thanks sa mga nakakabasa .. :*Comment and Vote if you want. Thanks. :*
BINABASA MO ANG
Dreaming Mr.Hearthrob (Completed)
Fiksi Remaja"Never force something or someone just let it be,if it's meant to be it will be"all of a sudden iyan ang kataga na itinatak ko sa puso't isipan ko,pero di ko akalaing maglalaho simula ng makilala ko siya,when I start to dream a Mr.Hearthrob like him...