Chapter 1

1.8K 44 5
                                    

"Naku naman Res! Ano na naman ba itong gulong pinasok mo?!"

"Will you please shut up, Blair?! You're so annoying!" inis kong turan sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Alam mo? Kung hindi lang kita mahal, hinding hindi kita pagtitiisan! Lagi nalang akong napapahamak dahil sayo eh!"

Lihim akong napangisi at hindi nalang siya pinansin. Ang dami pa niyang sinasabi, hindi nalang manahimik. So annoying as ever.

Habang naglalakad kami sa hallway ay pinagtitinginan ako ng ibang estudyante, specially ng mga lalaki. Ang iba ay bumabati pero iniirapan ko lang sila.

Tss. Mga plastic.

Alam ko namang hindi totoo ang mga ngiti nila sakin. Fucking pretenders.

"Res, hindi ka ba kinakabahan? Your Mom will be furious kapag nalaman niya ang ginawa mo!" muling nagsalita si Blair sa tabi ko.

Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. "Why would I? Hindi naman tayo mahuhuli. Maliban nalang kung magsusumbong ka." saad ko at ngumisi.

Ilang beses siyang kumurap. "Syempre hindi ako magsusumbong!" halos pasigaw na sabi niya.

Kaunti nalang talaga tatapalan ko na ng tape ang bibig ng babaeng to. Napaka-ingay! Paano nalang kung may ibang makarinig sa amin?!

"Yun naman pala eh! So better keep your mouth shut!" hasik ko.

God! Ang sakit niya talaga sa ulo. And knowing her? I'm sure that she will never stop blabbering about this issue.

"Sana hindi mo nalang ako dinamay sa kalokohan mo!"

Sabi ko na nga ba.

"I thought you love me?" I smirked after saying that.

Saglit siyang natigilan pero nagpatuloy din agad. Halata sa mukha niyang naiinis na siya sa akin. Well, the feeling is mutual. Kanina ko pa siya gustong ipatapon sa Bermuda Triangle.

Sinamaan niya ako ng tingin bago magsalita. "Damn you!"

I mentally laughed on what she said. Hindi ko na siya muling pinansin pa at nagpatuloy nalang sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa aming destinasyon.

GAS 11-A

Yan ang nakalagay sa taas ng classroom na nasa tapat namin ngayon. Hindi tulad sa mga lower sections na sobrang ingay ang mga classrooms, malayong mas tahimik dito. Ang iba, kung hindi nagbabasa ng libro ay nakikipag-usap ng tahimik sa kanilang mga katabi. Typical Section A. Masyadong matitino ang mga estudyante dito.

Napangiwi ako nang may nakita akong nagbabasa ng isang Chemistry book. Seriously? Sa unang araw ng klase?

As we enter, everyone's eyes were focused on us. I roamed my eyes around the room. Some of them turned back to what they're doing earlier but some stared at us as if they're wondering why we are here.

Tss. Masyado na bang kataka-taka na napunta kami dito sa Section A?

"Res! Blair! Dito!"

Sabay kaming napalingon ni Blair sa sumigaw. Nakita namin si Chesly, kaibigan namin, na kumakaway. Agad kaming lumapit at tumabi sa kanya. Nasa isang table siya na pang tatluhan. Sakto lang sa amin.

"Anong ginagawa niyo dito?" mahinang bulong niya na sapat lang upang marinig namin ni Blair. "Hindi ba Section C dapat kayo?" dagdag pa niya.

"Bakit hindi mo tanungin diyan sa magaling kong pinsan?! Idinamay pa ako sa mga kalokohan niya!"

Napatingin sa akin si Ches ng parang nagtatanong. Umirap lang ako sa kanya. Too lazy for a story telling. Pumangalumbaba nalang ako sa mesa habang naka-abang sa pinto. Ang tagal niya namang pumasok?

The Bitch and The Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon