One week had passed. Halos wala naman masyadong nangyari. Ganun parin ang daily routine ko. Kapag may pasok, sila Ches at Blair ang lagi kong kasama. Hindi parin tumitigil sa pamemeste sa buhay ko yung nerd dahil lagi siyang bumubuntot sa akin. At hindi lang yun, lagi pa niya akong kinukulit.
Sinubukan kong ibalik yung jacket na ipinahiram niya sa akin, pero tumanggi siya. Sabi niya, baka kailangan ko daw yun balang araw. Ang kapal ng mukha. I have plenty of money to buy much more expensive jackets. Hindi ko kailangan ng walang kwentang jacket niya.
Nagsisimula na kaming maging close ni Lexus. Dahil magkatabi kami, siya ang madalas kong makakwentuhan. Kahit na kailan lang kami naging malapit, gumaan na ang loob ko sa kanya. He's almost perfect. Gentleman, sporty, matalino at gwapo. Dahil sa kanya, kahit papaano ay naging maayos ang buong linggo ko.
Unfortunately, nagextend ng ilang araw yung mga freaks dito. At ang mas malala, hindi parin umuuwi sila Mommy at Daddy. Mukhang may balak pa ata silang sundan ako. Sana huwag na, ayaw kong magkaroon ng isa pang Levi. Bumalik na yung mga kasambahay namin pero hindi ako pinayagan ni Kuya Genesis na umuwi. Ilang araw nalang daw kasi sila dito sa Pilipinas at gusto pa nila akong makasama.
Si Kuya King naman, talagang desidido nang dito mag-aral. Inayos na niya yung mga papeles na kailangan niya. Nacurious kami ni Blair kung sino yung anghel na sinasabi niya kaya sinundan namin siya noong isang araw nang pumunta siya sa isang restaurant. Nakipagkita siya sa isang babae, and I must agree na maganda siya at pumasa sa taste ko. Hindi naman siya mukhang slut so okay na siya para sa pinsan ko. Hindi nga siya mukhang 16 kung tutuusin. She look so matured for her age.
Today's Sunday. May study session nanaman sila Blair at nerd. Ang ending? Hindi ko nanaman siya makakasama. Mabuti nalang hindi sumama si Joshua kila Kuya Genesis. Yayayain ko nalang siya sa mall.
"May pagkain na ba, Res? Gutom na ako." reklamo ni Joshua.
Nandito kaming dalawa ngayon sa sala dahil pareho kaming walang magawa. Kuya Genesis, Kuya Samuel and Levi went somewhere. Si Kuya King naman ay may date nanaman. Si Blair? Nasa bahay nila nerd. Sinabi niyang doon na daw siya maglalunch.
I rolled my eyes. "Isang plato ng cookies na yang nakain mo pero gutom ka parin? You're unbelievable. Masyado kang patay gutom."
Sinamaan niya ako ng tingin. "Patay gutom agad? Grabe ka sakin, Res. Gutom lang talaga ako. Cookies aren't enough."
Nagpout siya. Gusto ko nalang hilain yung nguso niya ngayon.
"The go and find some food in the kitchen. Hindi yung ako itong inaabala mo." inis na sabi ko.
Ngayon nagdadalawang isip na ako kung sino ba talaga sa kanilang dalawa ni Blair ang panganay. Malayong mas matured si Blair kaysa sa kanya. Para siyang bata minsan.
"Mamayang madaling araw na ang flight namin Res pero ang sama mo parin sa akin. Ilang buwan mo nanaman akong hindi makikita oh. Maging sweet ka naman kahit ngayon lang."
Para naman akong natauhan sa sinabi niya. Oo nga pala. Mamayang madaling araw na ang flight nila. Kaya pala nagiimpake siya kaninang pagkagising ko.
"Don't be so dramatic. Mabuti pa, pumunta nalang tayo sa mall. Nasa mood ako para gumala ngayon." saad ko ng nakangisi.
"Bright idea! Tapos doon na tayo kumain!"
Patay gutom talaga ang isang to. Since pareho naman kaming tapos na maligo, nagbihis nalang kami bago pumunta sa mall. Simpleng maong shorts at off shoulder ang suot ko, samantalang naka pantalon at white shirt naman si Joshua.
Dahil 16 palang siya at minor pa, nagtaxi lang kami. Nowhere to be found din kasi yung driver nila.
"At dahil ikaw ang nagyaya, libre mo lahat!"
BINABASA MO ANG
The Bitch and The Nerd (COMPLETED)
Ficção AdolescenteSHE is a bitch. She was hated by many because of being mean and brat. Meanwhile, HE is a nerd who fell in love with her despite of her bad attitude. Will she do her best to ignore and push him away at all cost? Or will she fall in love with the...