Chapter 19

440 22 2
                                    

"Bumaba na ang lagnat mo? Pwede na ba kitang kutusan?"

"Wait till I get better Chesly. Humanda ka sa akin."

Tumawa siya ng malakas. "Ano? Makikipagsuntukan ka sa akin? Baka nakakalimutan mong marunong ako sa taekwondo." pagmamalaki niya.

Yeah right. Noong Junior High kami ay kasali siya sa Taekwondo club. Hindi ko lang alam kung may natutunan talaga siya. Ngayon kasi sa Senior High ay wala nang mga club kasi dapat daw magfocus na kami sa academics at hindi sa kung ano ano lang.

"Kasali din ako sa taekwondo club noon. At yang si Ches ang pinakamagaling sa mga babaeng kasali. Minsan na nga niya akong natalo." kinamot ni Ian ang batok niya. "Kaya wag mo nang subukang makipag-away sa kanya, Res."

Really? Akala ko for show lang ang pagsali niya sa club na yun. Mukhang tama si Ian, hindi ako dapat makipaglaban sa kanya.

Oo nga pala. Naiilang siya tuwing nasa paligid si Joshua. Makikipag-away nalang ako sa kanya kapag nandyan si Joshua para hindi siya makalaban. Napangisi ako sa naisip ko.

"Heard that, Res? Huwag mo nang subukan pa."

At tumawa siya na parang baliw. Malala na talaga ang babaeng to. Dapat sa kanya pinapatapon na sa mental hospital.

"Whatever." irap ko.

Kakarating lang nila at kalokohan agad ang sinabi ni Ches nang makitang gising na ako. Sinabi din sa kanila ni nerd na bumaba na ang lagnat ko.

"Mukhang effective tong nurse mo, Res. Bumaba ng kaunti ang lagnat mo. Hindi tulad kanina na parang inaapoy ka na sa sobrang init." nakangiting sabi ni Blair.

Tinignan niya si nerd at nginitian ito. Ngumiti din sa kanya si nerd. At nagngitian na sila forever. Hindi nalang study session and meron sila. May ngitian session na din ngayon.

"Gutom ka ba, Res? May dala akong mga prutas. Meron ding fresh milk at milk tea."

Napangiti ako dahil sa inakto ni Lexus. Siya nalang talaga ang nagpapagood mood sa akin dito. Nag-aalala na din siya sa akin. Hindi kaya gusto na din niya ako? Shit! Ang saya!

"Fresh milk is fine, Lexus."

Iniabot niya sa akin yung gatas. Agad akong sumimsim dito. Hindi masarap pero kailangan kong pagtiisan.

"Ehem. Mukhang may dumidiskarte dito. Alis muna tayo."

Naguluhan ang lahat sa sinabi ni Ian. Nakita ko naman ang pasimpleng pagsiko sa kanya ni Lexus. Napangisi ako. Siguro nga mas mabuting umalis muna sila at iwan kami ni Lexus.

"Sinong dumidiskarte?" tanong ni Ches. "Ikaw ba Lexus?"

Ngumisi siya at timingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Feeling ko may gagawin nanamang hindi maganda ang babaeng to. Lalo na't alam niyang matagal na akong may gusto kay Lexus.

"Huwag nga kayong maniwala diyan kay Sebastian. Wala lang siyang magawa." depensa ni Lexus at tumingin ng masama kay Ian.

Sebastian pala ang real name niya? Sa tagal naming magkasama ay ngayon ko lang nalaman. Ian din kasi ang pakilala niya noong first day ng klase.

Tumawa si Ian at umiling iling habang pinagsasabihan siya ni Lexus. Nakikisabat pa si Ches sa kanila at laking pasasalamat ko dahil wala siyang binanggit tungkol sa pagkakagusto ko kay Lexus.

Tahimik lang naman sila Blair at nerd. Paminsan minsan ay bumubulong bulong si nerd ng kung ano kay Blair. Bulungan session naman ngayon.

Teka sandali... Ayos lang ba siya? Bakit parang balisa si Blair ngayon? O baka naman nag-iimagine lang ako?

The Bitch and The Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon