Chapter 3

714 25 0
                                    

Gaya ng inaasahan, late akong nagising kinabukasan. Nagmadali akong maligo at mag-ayos ng sarili ko. Only to see Dad, eating alone at the dinning room. Agad akong lumapit sa kanya.

"Morning, Dad." bati ko at humalik sa kanyang pisngi.

"Good morning, anak. Sit and join me."
Umupo ako at nagsimulang kumuha ng pagkain. I'm so hungry because I haven't eat anything since last night. Para tuloy akong patay gutom ngayon.

"You're already late. Kanina pa pumasok ang Mommy mo. Sumabay sa kanya si Blair."

Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Pero agad din akong nagpatuloy kumain para hindi niya iyon mahalata. So Blair left me, huh? I don't care. Kaya ko namang pumasok mag-isa.

"Late akong nagising, Dad. What about you? Wala kang trabaho?"

Napansin ko kasi na naka pambahay pa siya. Usually, hindi ko na siya naaabutan dito sa bahay dahil maaga siyang pumapasok. Kaya naman sobrang nakakapagtakang nandito siya ngayon.

"May client meeting ako pero mamaya pang 10 AM. Kaya dito muna ako sa bahay. Wala din naman akong gagawin sa opisina." tumango lang ako habang ngumunguya. "Kamusta ang first day? Balita ko may mga ginawa ka nanamang kalokohan."

Napatigil ako sa pagnguya at tumingin kay Dad. "Ayos lang Dad. Masaya." sagot ko.

"Gustuhin man kitang pagalitan, alam kong hindi ka rin naman makikinig sa akin. Wala ding silbi. Magsasayang lang ako ng laway. Pero sana, sa susunod na may gagawin kang kalokohan..." tumingin siya sa akin ng seryoso. "Huwag mo nang hahayaang makarating sa Mommy mo para hindi ka na mapagalitan. Kilala mo naman yun. Parang tigre kung magalit." ngiti niya.

Napangisi ako sa sinabi niya. Mom used to call her 'kunsintidor' dahil lagi niya akong kinukunsinti. This is what I like about Dad. Hindi siya kontra sa lahat ng ginagawa ko. Pero hindi naman ibig sabihin nun na hindi na niya ako pinagsasabihan. Kinakausap niya ako minsan pag sumusobra na ako, pero never pa niya akong pinagtaasan ng boses gaya ng laging ginagawa ni Mom. I really love Dad so much.

"Yes Dad." tugon ko at tumawa.

"Oo nga pala. May surprise ako sayo."

Natigil ako sa pagnguya at tumingin sa kanya. "Really, Dad? What is it?!"

Halos magningning na ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Ano kaya yun?

New shoes?

New clothes?

O baka naman kotse?

OMG!

"It's a surprise. Saka mo na malalaman. Pero sigurado akong matutuwa ka."

Napasimangot ako. Akala ko pa naman, malalaman ko na ngayon.

"Just make sure na matutuwa talaga ako Dad." saad ko at umirap.

"I'm very sure honey. Just wait."

Ilang minuto lang ay tapos na akong kumain. Kailangan kong magmadali dahil late na talaga ako. Kanina pa tapos si Dad pero hinintay niya akong matapos muna. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo matapos uminom ng gatas.

"Gotta go Dad. See you later." wika ko at muling humalik sa kanyang pisngi.

"Take care anak."

I just nodded at lumabas na ng bahay. Nang makalabas ako ay namataan ko si Sela na naglilinis ng pool. Parang biglang may bumbilyang umilaw sa ulo ko. I grinned. Lintik lang ang walang ganti. Kahit mas matanda siya sa akin ng ilang taon, hindi ko masikmurang galangin siya. She's one insecure bitch. Kung pwede ko lang sana siyang sesantihin.

The Bitch and The Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon