"We came here to see if you're okay then you'll just ignore us? Oh come on Resort Larinae. We're just asking where have you been! Linden said that you left him in his office!"
Mariin akong napapikit. Pagod na pagod ako pag-uwi ko at ang gusto ko lang gawin ay magpahinga. Tapos maaabutan ko sa kwarto ko sila Ches at Blair?! Damn! Nakakairita sila.
"Kanina ko pa gustong sabunutan yang pinsan mong yan, Blair. Parang walang naririnig! Nakakainis!"
Nakakainis din kayo, Ches. The feeling is mutual.
Hindi ko nanaman sila pinansin. Itinapon ko ang bwisit kong bag kung saan at nagtuloy tuloy sa kama. Pabagsak akong humiga doon at pumikit.
Rest rest rest. I need you now. So please, shoo these istorbos away.
"Res, aren't you going to talk?!" muling sigaw ni Blair.
Hindi ako tumugon. Nanatili parin akong nakapikit at pilit sinusubukang matulog. Napamulat ako nang biglang pumasok sa isip ko yung mukha ni Reev kanina. Damn!
At hindi lang yun. Parang paulit ulit ko pang naririnig ang pangalan niya sa isip ko. I think I'm going crazy!
"Res, may ginawa ka ba kay Linden? Bakit mukha siyang narape at problemado kanina? Anong ginawa mo? Inaway mo ba?"
Napaupo ako sa kama at tinignan ng masama si Ches. Pinipilit kong kalimutan si Reev pero basta basta nalang niyang pinaalala ngayon.
Problemado at mukhang narape? The fuck? Masyado naman atang OA ang nerd na yun para ganun ang maging reaksyon niya!
"Ohhh. Namansin na sa wakas si Resort Larinae. At base sa mga tingin mo, mukhang ikaw nga ang dahilan kung bakit ganun si Linden. Anong ginawa mo, Res? Umamin kana." pangungulit pa nito.
Maging si Blair ay nasa akin na din ang atensyon at mukhang naghihintay ng sagot. Pero imbis na magsalita, pareho ko silang inirapan. Nag-iwas ako ng tingin dahil baka lalo pa akong mairita sa kanila.
Can't they just leave? I need silence. I want to be alone.
"Even Ian is acting weird. Ikaw din ba ang may gawa nun, Res?" muling tanong ni Blair.
Pinipigilan ko nalang ang sarili ko ngayon na batuhin siya ng unan. Pati ba naman yun ipapaalala nila?! Ugh!
"Hindi na natin kailangan ng sagot, Blair. Kitang kita na sa mukha niya oh. Ano kayang ginawa niya dun sa dalawa?" wika ni Ches.
"I wonder." sabi naman ni Blair.
Nang hindi na ako nakapagpigil ay hinarap ko silang dalawa at tinignan ng masama. Puno parin ng pagtataka ang kanilang mga mukha at mukhang hindi sila natatakot sa akin.
"Leave here at once." matigas na sabi ko.
Nagkatinginan silang dalawa.
"W-What?" nauutal na tanong ni Blair.
"I said at once!" sigaw ko at nagulat silang dalawa.
"Okay fine! You don't need to shout!" pagsuko ni Ches at nagmartsa sila ni Blair papunta sa pinto.
At last. I'll be alone.
Bumukas na ang pinto pero nanatili lang sila sa tapat ng pintuan. Napakunot ang noo ko. Ano nanamang drama ito?
"What?!" masungit kong tanong.
Pareho silang napangisi.
"Gusto ko lang linawin sayo, Resort Larinae. Hindi ka talaga nakakatakot. Aalis kami kasi mukhang kailangan mo ng space. Hindi ka nakakatakot. Hindi talaga."
BINABASA MO ANG
The Bitch and The Nerd (COMPLETED)
Teen FictionSHE is a bitch. She was hated by many because of being mean and brat. Meanwhile, HE is a nerd who fell in love with her despite of her bad attitude. Will she do her best to ignore and push him away at all cost? Or will she fall in love with the...