Chapter 4

649 24 3
                                    

"Resort Larinae, right?"

Tumango ako. "Y-Yes, you can join me." pinilit kong maging pormal ang boses ko kahit medyo kinakabahan.

Shit. Totoo ba ito? Kasama ko ngayon si Lexus kumain? Baka naman nananaginip lang ako?

Napansin kong nakaschool uniform siya. Siguro balak niyang pumasok ngayong hapon.

"Salamat, Resort Larinae."

Ngumiti siya sa akin at umupo siya sa tapat ko. Damn. My heart is beating so fast. Ganito pala ang pakiramdam kapan nakaface to face mo na ang ultimate crush mo. Para kang nawawala sa sarili.

"Just call me Res. Masyadong mahaba ang Resort Larinae." saad ko at ngumiti ng matamis.

Shit. Hindi ko maiwasang isipin na para akong prosti na lumalandi. Pero kailangan kong gawin to. Kahit magpakaplastic pa ako, basta magmukhang mabait, sweet at mahinhin lang ako sa harap ni Lexus.

This is a once in a lifetime opportunity. Actually, this is the first time that we talked personally. Medyo mailap kasi siya at tanging ang mga malalapit lang sa kanya ang pinapansin at kinakausap niya.

"Nice to meet you, Res."

Napatulala ako nang inilahad niya kanyang kamay na para bang gusto niyang makipag shake hands. Nanginginig ang kamay na tinanggap ko ito.

"The feeling is mutual." sagot ko kahit na matagal ko na siyang kilala.

Kahit na ayaw kong bitawan ang kamay niya, ako ang unang bumitaw. Masama na, baka isipin pa niyang head over heels ako sa kanya—na totoo naman. Pero syempre hindi ko ipapahalata. I need to look nice in front of him.

Nagsimula na siyang kumain at ganun din ang ginawa ko. I made sure na mabagal ang pagnguya ko para matagal ko pa siyang makasama.

"I'm sorry kung naabala kita, ha?"

Out of nowhere bigla siyang nagsalita. Pero mabuti na rin ito para marami kaming mapag-usapan.

"It's okay. Tsaka mabuti na rin to para may kasabay akong kumain. Mas gusto kong may kasama."

Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil sa galing ko sa pag-arte. Parang walang nangyaring pagtataboy kanina kung umasta ako. I mentally laughed.

"What about your cousin? I think her name is Jasmine. I always see you with her. Ugh— I mean, the school is big pero minsan nakikita ko kayong mag-kasama."

Noong una, naguluhan ako sa sinabi niya. Pero kalaunan ay napagtanto ko din kung sino ang tinutukoy niya.

Jasmine Blair.

Kahit na medyo nagtataka ako kung paano niya nakilala si Blair ay isinawalang bahala ko nalang ito. We own the school at hindi malabong kilala kami ng mga estudyante.

Lihim akong napangiti. Ibig bang sabihin nun ay kahit noon pa man ay napapansin na niya ako? The thought makes my heart beat fast.

Pero anong sasabihin ko ngayon? Na nag-away kami ni Blair kaya hindi kami magkasama ngayon?

"Uhm... May kasama kasi siyang iba kaya hindi siya nakasabay sa akin."

"Sino naman?" napakunot ang noo ko sa tanong niya. "Y-You don't need to answer that. Sorry, masyado akong matanong."

"The nerd, Linden. Yun ang kasama niya." sagot ko kahit nagtataka.

He smiled. "Bilisan na natin. Baka malate pa tayo. Sabay na tayong pumasok ha?"

I smiled back. "Sure."

Pagkatapos naming kumain ng parang ilang segundo lang, lumabas kami ng mall at nagpunta sa parking lot kung saan naghihintay ang driver niya. He's still a minor, kaya siguro hindi pa siya pinapayagang magdrive.

The Bitch and The Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon