4 days. Apat na araw akong nakahilata lang sa kama buong araw. Kahapon pa ako magaling pero ayaw ni Daddy na lumabas ako ng bahay dahil baka mabinat daw ako. Hindi tuloy ako nakapunta sa opening ng Sports Fest kahapon.
Hindi naman ako nabore masyado dahil madalas dumalaw dito ang mga kaibigan at pinsan ko. Noong sabado at linggo nga ay dito pa mismo kwarto ko natulog yung tatlo kong pinsan. Nagsiksikan kaming apat dito sa kama ko. Ni hindi nila alintana kung mahahawa sila sa akin.
Gusto din sana ni Blair na magstay si Ches pero para nanaman siyang napipi nang makita niya si Joshua. Tss. Pinayagan na niyang manligaw si Kuya pero affected parin siya kay Joshua. Bahala nga sila.
Kung meron man akong ipinagpapasalamat sa pagkakasakit ko, yun ay napatunayan kong may halaga ako kay Dad. Na nag-aalala siya sa akin. Hindi siya pumasok ng ilang araw para matutukan ang kalagayan ko. Si Mommy? Tinitignan niya ako paminsan minsan pero hindi siya nagsasalit.
Napangiti ako nang mapakla nang maalala ko yung panaginip ko noong tumaas uli ang lagnat ko. Inaalagaan daw niya ako at pinupunasan ng basang bimpo. Pero mukhang nagdedeliryo at nananaginip lang ako nang mga oras na yun. Dahil paggising ko, si Blair ang nakita kong nagbabantay sa akin.
"You sure, Res? Papasok ka talaga? Wala din naman tayong gagawin kaya ayos lang na umabsent ka muna."
Tignan mo itong si Joshua. Kanina lang ay pinipilit niya akong pumasok para may kasama siya. Pero ngayon ang dami na niyang sinasabi. Tss.
Pumapayag na nga akong maging kapalit nung mga kaibigan niyang nang-iwan sa kanya. Hindi kasi pumasok ang mga kaibigan niya kaninang umaga kaya ako ang ginugulo niya ngayon. Tapos biglang nagbago ang isip niya. May saltik ata ang isang to.
"I'm already okay. At kung pwede nga ay hindi ako sasama sayo. I want to be with Blair, Ches and the others."
Napangiwi siya at nagkamot ng ulo. Binitbit niya ang bag ko na extra shirt, gamot, tubig, ilang pagkain at gatas lang ang laman at sabay kaming pumasok sa kotse. Mabuti naman at naayos na ito.
"Fine. Papasok ka na kung papasok. Pero hindi ba pwedeng sa akin ka muna ngayon? Ayaw kong magmukhang tanga at kawawa dahil mag-isa lang ako."
"Why don't you join us then?"
Nag-iwas siya ng tingin. "Alam mo naman na hindi pwede. Ayaw kong mailang sa akin si Ches."
Tss. I'm sure na nagpapabebe lang ang isang to. Alam ko naman na gusto niyang makasama si Ches pero hindi siya makadiskarte.
"Just give up on her. Seryoso sa kanya si Kuya King and I think it's better kung magiging magkaibigan nalang kayo. Para mawala na ang ilangan."
Sumilip ako sa bintana ng kotse nang madaanan namin ang park kung saan ako nagpahinga noon. I suddenly missed that little boy. I wonder if he's still waiting for me. If I have a free time, maybe I'll spend some time at that park. Baka sakaling makita ko uli siya.
"The word 'give up' is not on my vocabulary, Res. Hanggang sa nakikita kong affected pa siya sa akin, hindi ako susuko. Oo, nagpakagago ako noon. At hindi ko na uulitin pa ang mga nagawa ko. But... But if she really don't want me back anymore... If she already love him, I'm willing to set her free. Even if it'll hurt me."
Natawa ako sa sinabi niya. Seriously? Isang Joshua Llero nagsasabi ng mga ganitong bagay? Gay shit. Ang corny!
"Hoy! Bakit ka tumatawa? Walang nakakatawa sa sinabi ko! Palibhasa kasi hindi ka pa na in love kaya hindi mo pa naiintindihan ang nararamdaman ko."
Napatigil ako sa pagtawa at tinignan siya ng masama. Napangisi naman siya na parang nagtagumpay.
"Who said that I've never been in love?" taas kilay kong tanong.
BINABASA MO ANG
The Bitch and The Nerd (COMPLETED)
Teen FictionSHE is a bitch. She was hated by many because of being mean and brat. Meanwhile, HE is a nerd who fell in love with her despite of her bad attitude. Will she do her best to ignore and push him away at all cost? Or will she fall in love with the...