If I will be asked who my favorite person is, I will not hesitate to say that it's Jasmine Blair Llero. We're not only cousins, we're also best of friends. Simula bata ay hindi na kami mapaghiwalay. Naging sandigan namin ang isa't isa, kami ang magkakampi sa lahat ng bagay. She wants the best for me at ganun din ako sa kanya. I hate seeing her cry and I like it when she's scolding me. Naiinis lang ako minsan, pero di ako mabubuhay ng wala ang mga pangaral niya. I love her so much kaya sobrang nasaktan ako nang maglihim siya sa akin about sa kanila ni Lexus.
Kahit gusto kong lumabas upang maglaro noon, nanatili parin akong kasama siya sa bahay. Hindi ako nabored kahit puro manika lang ang nilalaro namin. Basta kasama ko siya, sapat na sa akin. Her asthma hindered her happiness since then, and now she has an illness. Ano nalang ang mangyayari sa kanya?
Ang sabi ni Joshua ay hindi naman daw malala at pwede pang maagapan. But an illness is still an illness, at ang puso niya pa ang may kinalaman. Bigla kong naalala yung mga times na parang nanghihina siya o namumutla. Kung noon ko pa napansin, edi sana...
Nanginginig ang mga tuhod ko habang nasa tapat ako ng kwarto niya sa hospital kung saan siya naka admit. Kitang kita ko ang pangalan niya sa pinto— nagpapahiwatig na nandito nga siya at totoo ang lahat ng ito.
"Hindi ka pa ba papasok, Res?" pabulong na tanong ni Aian sa tabi ko.
Nang magpaalam ako sa kanila upang pumunta dito, nagpresinta siyang sumama. Hindi ko na nagawa pang tumanggi dahil si Blair lang ang laman ng isip ko nang mga panahon na iyon. Si Seph naman ang naiwan sa bahay para samahan si Zee.
Napalunok ako. Umuwi na yung iba, tanging ang mga pinsan ko at si Ches nalang ang kasama kong dumeretso dito sa ospital. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok.
"Ayoko pong kumain, Mommy." nanghihinang wika niya habang nakaharap sa kabilang direksyon.
Ako lang ang pumasok. They want me to have a moment Blair para makapag usap kami. Umuwi naman sila Tito at Tita dahil kailangan nilang magpahinga.
Dahan dahan akong lumapit sa kama niya. "Paano ka gagaling kung hindi ka kakain?" tanong ko nang tuluyan na akong makalapit sa kanya.
Gulat siyang napatingin sa akin at halos mapatayo pa siya. "Res!" naluluhang tawag niya.
"Huwag kang masyadong gumalaw." bilin ko dahil mukhang gustong gusto niyang tumayo ngayon upang yakapin ako kahit halatang nanghihina siya.
Maging ako ay parang nanghina nang makita ko ang itsura niya. She's so pale. Halos wala ding kulay ang kanyang labi. Sa maikling panahon, pumayat siya lalo at lumalim ang kanyang mga mata. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaluha.
Umupo ako sa gilid ng kama at niyakap siya. "I'm sorry, Blair." umiiyak na sabi ko.
Halatang nagulat siya sa ginawa ko. A part of me is saying that this is my fault. Ako ang lagi niyang kasama pero hindi ko agad napansin na may sakit siya. At isa pa, dahil sakin kaya nandito siya ngayon. Alam kong nasaktan ko siya sa ginawa ko noon, at pinag alala ko siya sa paglalayas ko. Damn, I'm so guilty. At the end, ako parin ang may kasalanan ng lahat.
"Res, I'm sorry sa lahat. Sorry talaga. Namiss kita. Mahal na mahal na kita." Binalot ng malakas na hagulgol niya ang buong kwarto.
Parang pinipiga ang puso ko. Para siyang bata na umiiyak ngayon. Noon pa man, mababaw na talaga ang luha niya. Pero ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito.
"Don't cry, Blair. Crying is bad for you. Forget everything for now. I want you to get well, yun lang ang gusto kong mangyari ngayon." Wika ko kahit na ako ay umiiyak din.
Pero totoo ang sinabi ko. Handa akong kalimutan ang lahat ng nangyari para sa ikabubuti niya. Ayoko nang makadagdag pa sa mga iniisip niya.
Naramdaman ko ang pag iling niya sa balikat ko. "Hindi. I want to explain. Wala kaming relasyon ni Lexus. Siya yung lapit ng lapit sa akin noon pa. Believe me, I tried to ignore him but he's persistent. I'm sorry for not telling. A-Ayoko lang naman na masaktan ka."
BINABASA MO ANG
The Bitch and The Nerd (COMPLETED)
Teen FictionSHE is a bitch. She was hated by many because of being mean and brat. Meanwhile, HE is a nerd who fell in love with her despite of her bad attitude. Will she do her best to ignore and push him away at all cost? Or will she fall in love with the...