Chapter 44

405 15 0
                                    

It's Christmas break.

Limang araw nalang bago ang pasko pero hindi ko ramdam. My phone beeped. It's a text from Reev. I sighed. Sinabi ko sa kanya ang problema ko ngayong araw at nag suggest na doon muna ako sa kanila.

I'm tempted to accept his offer. Pero nahihiya naman ako dahil galing na ako doon kahapon at noong isang linggo. We're okay now. Noong una ay naiilang ako sa kanya, pero habang tumatagal ay bumalik din yung dato namin naming samahan. Tinupad niya yung sinabi niyang babawi siya sa akin.

Nagtext ako sa kanya na hindi ako makakapunta. Isa pang rason ay gusto kong ibagay ang time na ito sa pamilya niya. Huling araw niya kasi ngayon doon dahil dun siya sa bahay ng real parents niya magpapasko at bagong taon. Ayaw ko namang nakawin ang oras niya sa pamilya niya.

Bumuntong hininga nanaman ako. Pang ilang buntong hininga ko na ito ngayong araw. Masama pa naman ang pakiramdam ko. Nakakastress!

"Hey, Baby! What's with the long face? Kuya said they're near. Aren't you excited?"

Mas lalo akong nastress sa sinabi ni Kuya King. Ito ang problema ko ngayon. Uuwi ang buong pamilya niya dito sa Pilipinas kasama sila Levi. And what's worst? Dito silang lahat sa bahay titira. Sa sinabi kong lahat, kahit pamilya ni Blair. Gusto daw kasi nilang sama sama kaming buong pamilya.

"I'm not feeling well, Kuya. At parang mas lalong sasama ang pakiramdam ko kapag nandito na silang lahat." pag amin ko.

Lumapit siya sa akin at sinipat ang noo ko. "Hey, Baby! You have a fever!" natatarantang sabi niya. "Let's go downstairs. You need to drink some medicines!"

Wala sa sariling tumango ako. Hinayaan ko siyang hilain ako hanggang sa makarating kami sa sala. Pinaupo niya ako sa tapat ng mesa bago pumunta sa kusina. Pagbalik niya ay may dala na siyang pagkain. Oo nga pala, hindi pa ako nag aalmusal at tanghalian dahil wala akong gana.

"You need to eat these, Baby. Then afterwards, drink this." inilapag niya sa mesa ang isang tableta ng gamot.

Umasim ang mukha ko. Ayoko sa gamot. I'll just pretend that I drank this poison. Tumango ako sa kanya at nagsimulang kumain. Laking pasasalamat ko nalang at hindi niya ako binantayan dahil lumabas siya ng bahay. Agad kong kinuha ang gamot at inilagay sa bulsa ko. There's no way I will drink this cursed thing.

Saktong pagkatapos kong kumain nang may narinig akong ingay. Mula sa pinto ay isa isang nagsipasok ang mga kamag-anak ko. They're all here. Damn!

"Baby Girl!" umalingawngaw ang boses ni Kuya Samuel sa buong bahay.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Sumunod sa kanya si Kuya Genesis na ganun din ang ginawa. Tumayo naman ako para magmano sa mga Tito at Tita ko bago sila pumunta sa mga sa mga kwarto nila. Naiwan kaming magpipinsan dito sa sala.

Pinagmasdan ko sila isa isa.

Si Kuya King na nakikipag usap sa kuya niya na nakatutok ang mukha sa phone.

Si Joshua na may kung anong binubulong sa tahimik na si Blair habang yung panganay nilang kapatid ay pasimpleng nakikinig sa kanila.

At si Levi na inaayos ang mga dala nila.

Ilang buwan ko lang siyang hindi nakita pero ang laki ng pinagbago niya. Mas lalong lumaki ang katawan niya at nagbago din ang hairstyle niya. Mula sa dating medyo mahabang buhok, naka clean cut na siya ngayon.

Sa dalawang taon niyang nawala dati, ni hindi ako nakaramdam ng pagkainis dahil sa galit ko sa kanya. Pero ngayon, parang gusto ko siyang yakapin. Nagalit lang naman ako sa kanya dahil lagi nalang siya ang nakikita ni Mommy.

The Bitch and The Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon