"Mabuti naman at mukhang ayos na kayong dalawa."
Mga kalansing lang ng mga kubyertos ang naririnig noong una hanggang sa magbukas ng usapan si Mommy. Akala ko wala pa sila pero nagkamali pala ako. Inabutan namin sila ni Daddy na nakaupo na sa tapat ng mesa at mukhang naghihintay sa amin.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Blair. Hangga't maaari ay ayaw kong magsalita at kausapin si Mommy. Mukhang nagets naman yun ni Blair kaya siya na ang sumagot.
"Nagkaroon lang naman po kami ng kaunting misunderstanding, Tita. We're fine." sagit nito.
Yeah right. Little misunderstanding na naging sanhi ng iyakan. Mukhang naconvince naman si Mommy. Mabuti naman. Ayaw ko nang magpatuloy pa ang usapan tungkol dun dahil naaalala ko ang nangyari kagabi. Naiirita lang ako.
"I heard, your parents will be back tomorrow. Uuwi ka ba sa inyo? O magsstay ka muna dito?" tanong naman ni Dad.
"Uuwi po ako Tito. Miss ko na din po kasi sila Mommy at Daddy. And I heard, dadating din daw po sila Kuya Genesis at Kuya Joshua bukas dahil bakasyon nila ngayon. Dito muna sila sa Pilipinas."
Muntik na akong masamid sa sinabi niya. Halos manlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat. W-What?! Uuwi sila?! Does it mean...
Napatingin sa akin si Dad. "That was supposed to be my surprise to Res pero sinabi mo na." halakhak ni Dad.
N-No way!
"Don't tell me, uuwi din siya?!" pasigaw na tanong ko.
Nagulat sila Dad at Blair. Nabitawan pa ni Blair ang hawak niyang tinidor samantalang si Dad naman ay halos mapatakip ng tainga.
"Manners, Larinae. Nasa harap ka ng hapag." madiing sabi ni Mom.
Lihim akong napairap. Yeah right. Siguradong nagdidiwang na siya dahil mukhang darating na ang paborito niyang anak.
Bumaling ako kay Dad. "Uuwi siya?" paninigurado ko.
Tumango naman ito bilang pagtugon. Damn. Not again.
"N-No way. Tahimik na ang buhay ko. Bakit kailangan pang bumalik ng Levi na yun?!" inis kong sabi.
Napailing nalang sila Daddy at Blair at mas piniling tumahimik nalang. Parang nagkaroon bigla ng tensyon. Galit namang tumingin sa akin si Mommy at binalibag ang lamesa.
"Where are your manners, Larinae?! Mas matanda siya sayo kaya dapat mo siyang respetuhin! At bahay niya din ito! Maaari siyang umuwi kung kailan niya gusto!"
Napayuko nalang ako. Hindi ko pa masyadong nababawasan ang pagkain ko ngunit nawalan na ako ng gana. And seriously? I was so excited on the surprise that Dad was referring to. Pero ito pala iyon? Ang perpekto kong kapatid ay uuwi ng bansa. But yes, I'm really fucking surprised. Great. Just great.
Dahan dahan akong tumayo. "Excuse me. Busog na ako." paalam ko at tumalikod sa kanila.
"Larinae! Huwag kang bastos!"
Naglakad ako papunta sa kwarto ko ng hindi sila nililingon. Narinig ko pa ang pagtatalo nila Mom at Dad.
Shit! It's been what? 2 years? At sa dalawang taon na yun ay naging mapayapa ang buhay ko! Tapos ngayon, malalaman ko nalang na uuwi pala siya?! Damn it!
"Res!" rinig kong sabi ni Blair pero di ako lumingon.
Pagdating ko sa kwarto ko ay agad akong sumalampak sa kama. Narinig ko ang pagsarado ng pinto. Nakita ko ang nag-aalalang si Blair na papalapit sa akin at umupo siya sa gilid ko. Ugh! Naiinis ako!
"Hanggang ngayon ba ayaw mo parin kay Kuya Levi?" tanong niya.
"You know how much I hate him, Blair. Bakit kasi kailangan pa niyang bumalik?! Sana sila Kuya Genesis at Joshua nalang ang uuwi!"
BINABASA MO ANG
The Bitch and The Nerd (COMPLETED)
Teen FictionSHE is a bitch. She was hated by many because of being mean and brat. Meanwhile, HE is a nerd who fell in love with her despite of her bad attitude. Will she do her best to ignore and push him away at all cost? Or will she fall in love with the...