Chapter 29

431 19 0
                                    

Saturday Afternoon.

Nandito ako ngayon sa park malapit sa school. Nagbabaka sakali akong bigla ulit sumulpot si Jay dito. Pero mukhang hindi aayon sa akin ang tadhana ngayon. Mahigit isang oras na ako dito pero ni anino ni Jay ay hindi ko pa nakikita.

Pasado 4 PM na at hindi na masyadong mainit ang sinag ng araw. Kaya naman mula sa kinauupuan ko, kitang kita ko ang mga batang naglalaro sa malawak na grass field dito sa park. Walang masyadong tao dito pwesto ko. Isa lang kasi ang bench sa gawing ito ng park. Buti nalang talaga ang may malaking puno dito na nagsisilbing shade ko.

I sighed.

Hanggang ngayon hindi parin tuluyang nawawala lahat ng bumabagabag sa akin.

Hindi parin kami bati ni Reev.

Nakakainis ang lalaking yun! Kung umasta siya, parang siya ang babae sa aming dalawa! Madalas pa siya sa office niya at hindi siya masyadong sumasama sa amin. Halata naman na iniiwasan niya ako.

Hindi na kami sinubukan pang pagbatiin nila Ches. Tumatahimik nalang sila at parang lalong nagiging awkward. Siguro nasanay lang ako na lagi kaming maingay tuwing magkakasama kami.

Hyper parin naman si Ches, pero hindi na katulad ng dati. Kung noon, halos mabasag na ang glass wall ng cafeteria sa kaingayan niya, ngayon naman sakto nalang. Maingay siya, pero hindi na yung tipong makabasag tainga.

Blair is unusually quiet. Tahimik na siya noon pa, pero mas lalo siyang tumahimik ngayon. Halos hindi na nga siya nagsasalita. Siguro dahil parin sa mga nangyayari sa amin.

Si Lexus, tahimik lang din. Napansin kong hindi parin sila nagpapansinan ni Ian. Gusto kong tanungin si Ian kung ano ang nangyayari pero baka personal problem nila yun at hindi ako pwedeng makisawsaw.

Kami ni Ian ang madalas mag-usap. Minsan nga kami ang magkasama tuwing may lakad yung apat. Tumigil na siya dun sa kahibangan niya tungkol sa gusto niyang gawin na panliligaw sa akin at yun ang pinagpapasalamat ko.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong stress. Noon, hindi naman ako ganito. Kay Mom lang ako nasstress. Hindi ko tuloy alam kung mas maganda bang sila Ches at Blair nalang ang kaibigan ko tulad ng dati dahil noon, wala akong masyadong problema.

"Mukhang malalim ang iniisip mo."

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang biglang sumulpot si Lexus sa tabi ko. Ni hindi ko manlang siya napansin dahil masyado akong preoccupied.

Napatulala ako saglit sa kanya. Bakit ba ang gwapo ng isang to kahit naka simpleng shirt at maong shorts lang siya?

"L-Lexus. What are you doing here?"

Okay, that was a stupid question. Maybe he wants to relax or maybe he just happened to pass by.

"Napadaan lang ako tapos nakita kita. Bakit ka nga pala mag-isa? May hinihintay ka ba?"

Bigla akong nataranta sa tanong niya. Baka iniisip na niyang may kikitain akong lalaki. Agad akong umiling.

"No. Nagbabakasakali lang ako na baka makita ko si Jay. Yung kaibigan ni Lazlo." sagot.

Sa pagkakataong ito, siya naman ang mukhang nataranta. Napakunot ang noo ko sa inasta niya.

"Lazlo? My brother?" nagtatakang tanong niya at tumango ako. "How did you met him?" muli niyang tanong.

"He went here before to look for Jay together with another boy. Nagkataong kasama ko noon si Jay dito kaya nakilala ko siya." sagot ko.

Ngayon naman, naging bothered ang itsura niya. Mas lalo akong naguluhan. He's acting strange. Ayaw ba niya na nakilala ko ang kapatid niya?

The Bitch and The Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon