"You packed my things for me?"
Pinagmasdan ko ang mga gamit namin na nilalagay ng driver sa compartment ng kotse. Paggising ko kanina ay ready na ang mga gamit ko.
"No. I asked Manang to fix it last night." she answered without looking to me.
Napangisi ako. "Is that so?"
"Halika na nga!" saad niya at pumasok na sa kotse.
Natatawang sumunod naman ako sa kanya. It's a good thing na hindi na namin naabutan sila Mom at Dad kanina dahil paniguradong hindi sila papayag sa gusto ko.
Naiimagine ko na nga ang magiging reaksyon ni Mommy. I'm 101% sure na hindi siya papayag at magagalit siya. Ayokong simulan ang araw na ito na puno ng sigawan. This is a special day for Ches. Kailangan maging positive ang aura ko.
Ihahatid na kami ng driver sa school. Siya na ang bahalang maghatid ng mga gamit namin sa bahay nila Blair, na mas malapit school. One street away lang ang school sa kanila. Pwedeng pwede nang lakarin.
"Saang kwarto ka matutulog?"
Napalingon kay Blair nang bigla siyang magsalita. Nakakunot ang noo niya ngayon na parang nang-uusisa. Natawa nalang ako sa itsura niya.
"Saan pa ba?" natatawang sagot ko.
"Hindi ba pwedeng sa kwarto ko nalang? Ayaw mo akong kasama?"
At nagpacute pa talaga siya. Bunso nga talaga. Hindi niya maiwasan minsan na maging isip bata. Pero most of the time, mature siya kung mag-isip. Hindi tulad ng mga Kuya niyang para hindi nadevelop ng maayos ang mga utak.
"Oh shut up Blair. Kadiri yang itsura mo. Tigilan mo yan!" inis kong sabi.
Nag pout siya. "Eh kasi naman po. Baka hindi nalang ang kwarto ni Kuya Joshua ang sunod niyong susunugin. Baka buong bahay na namin."
Tumaas ang isang kilay ko. "For your information Jasmine Blair Llero, wala akong kinalaman sa pagkakasunog ng kwarto ni Joshua. It's his fault. Nadamay lang ako."
Madalas ako noon makitulog sa bahay nila. At sa tuwing doon ako natutulog, kahit na si Blair and pinaka close ko sa kanilang tatlo, ay sa kwarto ako ni Joshua natutulog. Ang tinutukoy niya ay ang nangyari 4 years ago. Noong nagkaroon ng business trip si Dad at sinama niya sila Mommy at Levi, kaya kila Blair ako tumuloy.
Nasunog ang halos kalahati ng kwarto ni Joshua. Katatapos lang namin noon manood ng horror movie at naisip niyang maglaro ng spirit of the glass. Naglagay pa siya ng maraming kandila sa paligid at pinatay ang ilaw para daw maging makatotohanan. Dahil bata pa ako noon na puno ng curiosity, pumayag ako sa gusto niya. Pero nangyari ang hindi inaasahan. Hindi ko na masyadong maalala ang mga pangyayari, basta bigla nalang sumiklab yung apoy. Pumutok yung ibang appliances. Buti nalang at naapula agad ng mga kasambahay at driver nila yung sunog. Hindi kami pinagalitan, pero pinagsabihan kami nila Tito at Tita. That night, Joshua and I ended up sleeping on Blair's room.
Simula nang umalis si Joshua ng bansa, sa kwarto na ako ni Blair natutulog kapag nandoon ako sa bahay nila. Pero ngayong uuwi si Joshua, doon ako sa kwarto niya matutulog. Kapag kasi siya ang kasama ko, ang dami kong nagagawa. Si Blair kasi may pagka kontrabida. Buti pa si Joshua, supportive.
"Whatever. Basta kayo nagsama, parang laging magkakaroon ng delubyo."
Inirapan ko lang siya at hindi na ako muling nagsalita pa. I'm just wasting my saliva. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa school. Binitbit namin yung mga regalo namin kay Ches. Syempre siya ang pinagdala ko nung Nutella. There's no way na ako ang magdadala nun. Baka maputol pa ang braso ko sa sobrang bigat.
BINABASA MO ANG
The Bitch and The Nerd (COMPLETED)
Teen FictionSHE is a bitch. She was hated by many because of being mean and brat. Meanwhile, HE is a nerd who fell in love with her despite of her bad attitude. Will she do her best to ignore and push him away at all cost? Or will she fall in love with the...