Chapter 40

477 17 0
                                    

"W-What, Res? I think I heard you wrong."

Nag-iwas ako ng tingin kay Lexus. Kasasabi ko lang kanina na siguradong hindi ko pagsisisihan kapag pumayag ako sa panliligaw niya sa akin. Pero kabaliktaran ang nangyari. Hindi ako nagsisisi sa ginawa kong pag turn down sa kanya. At sa totoo niyan, nakahinga pa nga ako ng maluwag. Pakiramdam ko, mas magsisisi ako pag pinayagan ko siya.

It's been bothering me for so long. Do I really like that nerd? Or what I feel towards him is just because he makes me happy all the time? Am I just confused? Si Lexus parin ba ang gusto ko at nililito lang ako ng kung ano mang nararamdaman ko kay Reev?

Binalingan ko si Lexus. Wala na akong ibang maramdaman para sa kanya kundi pagkailang dahil sa mga nangyayari noon. Wala na yung sayang nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya noon.

I sighed. "I'm really sorry, Lex."

"Pero akala ko ba... I'm sorry too. Sana pala hindi nalang ako nakinig sa mga sinasabi ng mga taong nakapaligid sa atin. Sana pala hindi ko binigyan ng meaning yung mga pinapakita mo sa akin noon." napalunok siya. "Si Ian ba?" tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Paano nasali si Ian dito?!

"N-No! Ano ka ba, Lexus. Let's not talk about this please? I'm tired."

That's the truth. I'm really tired. At ayaw ko masali sa usapan namin si Ian dahil lalo lang lumalakas yung hinala kong ako ang dahilan kung bakit hindi parin sila ayos. At hinding hindi ko iyon matatanggap.

"I'm sorry, Res."

Nakayuko siya ngayon habang mariin na nakapikit. Nagtaka naman ako.

"Hindi ba dapat ako ang magsorry?" takang tanong ko sa kanya.

Umiling lang siya at hindi na muli pang nagsalita. Napatulala ako sa kanya ng ilang minuto habang ganun parin ang posisyon niya. Nakayuko at nakapikit.

"Baby!"

"Res!"

"Larinae!"

Isa-isang nagsipasok sila Kuya King, Ian at Reev sa Gazebo. Agad akong napalayo kay Lexus dahil nagulat ako sa pagdating nila.

"Magpapahangin lang ako." paalam ni Lexus at lumabas ng Gazebo.

Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa makalayo siya sa amin. Did I hurt him? Kaya ba ganun siya kumilos? Grabe ba yung nagawa ko sa kanya?

"Baby! Where's Angel and Bunso? Why aren't you with them?" nilapitan ako ni Kuya King at bahagyang hinalikan sa noo.

Mabuti pa ang isang ito, kalmado. Hindi tulad nung bwisit na Joshua na yun. Oo nga pala, magkasama sila ni Ches ngayon. Should I tell Kuya King? Or not?

I sighed. Baka kung ano pang isipin ni Kuya kapag nalaman niyang magkasama yung dalawa.

"Ches is wandering around while Blair is..." ano na nga ulit yung sinabi ni Blair kanina? "Uhm… I think she said that she's gonna call her Dad."

"You think? You're not sure?"

"I mean, she said that she's gonna call her Dad." matigas na sabi ko.

"Hanapin na natin yung apat. Malapit nang dumilim, baka late na tayong makauwi. Masyado pa namang malayo itong napili niyong galaan." naiiling na sabi ni Ian.

Inirapan ko siya. "No one said that you guys should follow us here."

"Wala ngang nagsabi pero nag-alala kami, Larinae. Dapat sinama niyo nalang kami. Absent din naman kami buong araw dahil sa paghahanap namin sa inyo."

Inirapan ko siya at hindi na sinagot. Muli akong napaisip tungkol sa naging desisyon ko kanina.

Hindi ko na ba gusto si Lexus? Siya na ba ang gusto ko?

The Bitch and The Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon