"And who are you?"
Joshua bowed. "I'm Joshua Llero, Blair's brother Ma'am. Gaya po ng sinabi ko kanina, hinatid namin ang mga pinsan namin sa airport kanina kaya sila nalate."
Natahimik kami ni Blair. Hindi parin kami makapaniwala sa nakikita namin. The hell?! Hindi ba dapat umuwi na siya sa America? Anong ginagawa niya dito?
Bumaba ang tingin ko sa suot niya at hindi ko na naiwasang mapamura ng mahina.
He's wearing a school uniform.
Uniform sa school na to.
Shit.
"Is that so?" bumaling sa amin si Sherry. "Pwede na kayong pumasok. Thanks for explaining in polite way, Mr. Llero." saad niya sabay tingin sa akin.
But I'm too shocked to give a damn. This is shit.
"May naiwan lang ako sa faculty room. Babalik din ako agad kaya pumasok na kayo."
Umalis si Sherry at naiwan kaming tatlo. Tinignan ko ng masama si Joshua. Maging si Blair ay ganun din ang ginawa.
"H-Hoy. Bat naman ganyan kayo makatingin? Matapos ko kayong iligtas?" nagpabalikbalik ang tingin niya sa amin ni Blair.
"Why are you here, Kuya?" seryosong tanong ni Blair.
"Because this school is ours?" inosente niyang sagot.
Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya. "Hindi kami nakikipaglokohan dito, Joshua. Why are you here?!" mahinang sigaw ko.
Hindi ko maiwasan ipakita kung gaano ako naiinis ngayon. Buong akala namin ay nakaalis na siya, pero ano to?
Hindi ba natuloy ang flight nila?
Naputol ba yung pakpak ng eroplano?
"Hindi na ako sumama kila Kuya. I want to stay here too." seryosong sagot niya.
"Is it because of Ches?"
Buong akala ko ay hindi niya sasagutin ang tanong ni Blair pero nagulat ako nang tumango siya.
"I can't let that jerk be with her. After all, she used to be my friend too. Hindi ako papayag na paglaruan lang siya ni King."
I think, Kuya King is really serious with her. Pero ang hindi ko maintindihan ay yung kasama niyang babae noon sa restaurant. Hindi kaya ibang babae niya yun?
"Is that your only reason to stay?" muling tanong ng kapatid niya.
Umiling siya. "No, gusto ko pang makapaghiganti kay Res."
Napataas ang kilay ko. "Huh?"
Anong sinasabi nito? May nagawa ba ako sa kanya? Lumapit siya sa akin at tinitigan ako ng masama.
"Ang sabi mo, wala kang dalang pera kahapon. Pero nang icheck ko yung purse na nasa bag mo kanina bago umalis sila Kuya Levi, halos triple pa ang pera mo kaysa sa akin kahapon! I need justice! Hindi makatarungan ang ginawa mo sa ak- ouch! Why are you hitting me?!"
Hinimas niya ang pisngi niyang sinampal ko at tumingin sa akin ng masama.
"At bakit mo tinignan ang pursue ko?! Balak mo din ba akong kupitan?! Hah Joshua?!" bulyaw ko sa kanya.
Halos mapaatras naman siya sa kinatatayuan niya. Ang OA talaga ng isang to. Pare-pareho silang magkakapatid.
"Easy, Res. Marinig ka nila sa loob." mahinang bulong ni Blair.
Saka ko lang naalalang nasa tapat nga pala kami ng classroom namin.
"No! Of course not! Inutusan ako ni Kuya Levi na ilagay sa bag mo yung kung ano man yun. Saka ko napansin yung purse mo na sobrang taba kaya nacurious ako. Then boom! Nakita ko yung laman. Ang dami kong nagastos kahapon, maniningil ako." depensa niya.
BINABASA MO ANG
The Bitch and The Nerd (COMPLETED)
Teen FictionSHE is a bitch. She was hated by many because of being mean and brat. Meanwhile, HE is a nerd who fell in love with her despite of her bad attitude. Will she do her best to ignore and push him away at all cost? Or will she fall in love with the...