Chapter 33

413 17 0
                                    

"Reev, can I copy your answers, please?" mahinang bulong ko sa katabi kong nakafocus sa papel niya.

Nagkaroon nanaman kami ng surprise quiz. At ang mas malala, sa General Mathematics pa! Damn! Wala akong ideya kung paano isolve yung mga problem na nakasulat sa white board sa harap. Tatlong problem ang nakasulat and it's worth 30 points each!

Wala na akong ibang choice kundi lunukin ang pride ko at pakiusapan si nerd. Nakakahiya naman kasi kung kay Lexus pa ako lalapit.

"Hey, Reev. Just for now, bati muna tayo please? I don't have any freaking idea on how to solve those shits. Please?" pagmamaka-awa ko pa.

Ayaw kong mapahiya sa buong klase kapag in-announce na ni Ma'am ang scores namin. I'll surely get an egg on my paper! I don't like the idea.

Napatigil sa pagsusulat si Reev at napatingin sa akin. "Hindi pwede." sagot niya at bumalik sa ginagawa.

Napabuga ako ng hangin sa sobrang inis. Napakadamot naman ng isang to! Ngayon lang naman eh!

"Please?" pagpipilit ko pa.

Sinundot sundot ko pa ang tagiliran niya kaya nawala ang focus niya doon sa sinosolve niya.

"Wag kang maingay, Larinae. Baka marinig tayo ni Ma'am." bulong niya.

I smirked. Aha! He called me Larinae! It means effective yung pangungulit ko.

"Pretty please? Just for now? After this, we can go back on treating each other as strangers again."

Ginagamit ko na ngayon yung sinabi niya noon na 'Just for now'. Napangiti ako nang unti-unti niyang ipakita sa akin yung papel niya. Agad ko namang kinopya yung mga nasagutan na niya.

"Thank you!" mahinang sabi ko.

Umismid siya. "Pasalamat ka..."

"What?"

"Pasalamat ka mabait ako." nakangiwing sabi niya.

Mahina akong natawa at nagpatuloy sa pangongopya. Nagpatuloy naman siya sa pagsagot.

Nakangiti lang ako hanggang sa matapos namin—I mean, hanggang sa matapos niyang isolve lahat. Ngiting ngiti ako nang ipasa na namin ang mga papel namin kay Ma'am. Perfect score nanaman ako neto.

"Thank you." natatawang bulong ko kay Reev nang maipasa na namin ang mga papel namin.

"Stranger mode." simpleng sabi niya lang at nag-iwas ng tingin.

Napangisi nalang ako. Natapos ang morning class at lunch break nanaman. Nagyaya si Ian na sa isang Korean Restaurant nearby kami kumain at libre niya daw. At dahil libre, pumayag kaming lahat.

Mukhang walang gagawin or should I say, walang naisip na palusot si Reev ngayon para hindi sumama sa amin dahil sumunod siya nang maglakad na kami palabas ng gate.

Napagpasyahan naming maglakad nalang papunta sa restaurant dahil walking distance lang naman ito mula sa school. Habang naglalakad, may kanya kanyang topic kaming lahat.

Si Ches at Blair ay mukhang may seryosong pinag-uusapan. Nauuna sila sa amin kaya kitang kita ko kung paano sila magbulungan. Hindi na ako sumali sa usapan nila dahil mukhang ayaw naman talaga nilang ishare sa amin. Huwag lang silang magsesekreto sa akin dahil pag-uumpugin ko silang dalawa.

Yang Chesly na yan, sabay kaming pumasok kanina. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil binabagabag ako ng mga sinabi niya tungkol kay Reev. Gustong gusto ko na ngang tanungin kanina pa si Reev, pero stranger mode kami at kanina pa sila nagbubulungan ni Lexus.

As usual, kami ni Ian ang magkasama at magka-usap. Nahuhuli kaming dalawa dahil mabagal akong maglakad.

"So, Ian. Why will you treat us? Are you on drugs today?" nakangisi ako habang nagtatanong.

The Bitch and The Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon