Chapter 25

434 15 0
                                    

Nagising ako kinabukasan na sobrang sakit ng ulo ko. Hinawakan ko ito habang napapikit at halos sabunutan ko na ang buhok ko sa sakit.

Hindi ko na masyadong maalala ang mga nangyari kagabi. Ang huling naaalala ko ay nang halikan ni Ches si Kuya. Hindi ko nga alam kung ano ang dahilan kung bakit ako nawalan ng malay. Kung dahil ba doon sa nakakawindang na halik na yun o dahil sa alak.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na ginawa yun ni Ches. Ibig bang sabihin nun ay hindi na niya mahal si Joshua? Na si Kuya King na ang gusto niya? Ugh! Bakit ko ba kasi sila pinoproblema?! Dapat ang isipin ko ngayon ay kung paano mawawala itong sakit ng ulo ko! Damn that alcohol! Pinag-sisisihan kong uminom pa ako ng nakakasukang bagay na yun!

I swear to my ancestors grave! I will never drink that shit again! Ugh!

Napakislot ako nang may naramdaman akong gumalaw sa kanang bahagi ng kama ko. Paglingon ko sa gawing yun ay nakita ko si Ches na bagong gising at kinukusot pa ang mga mata. What the... Bakit nandito ang isang to?!

"Morning, Res." bati niya habang bahagyang nakapikit pa ang isang mata.

"Morning your face. What are you doing here?!"

Humikab muna siya ng isang beses bago sumagot sa akin. "I slept here. Masyado nang late kagabi kaya hindi na ako naihatid ni King pauwi." inaantok niyang sagot.

Bakit kung makaasta siya parang wala siyang ginawang hindi kaaya aya kagabi? Nakalimutan na ba niya? Siya ba ang nakainom sa aming dalawa?

Sandali... Kung hindi siya umuwi, ibig bang sabihin hindi rin umuwi sila Lexus? Dito rin ba sila natulog?

"Where's Reev and the other two?" tanong ko sa kanya.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Huwag mong gamitin si Linden. Bakit hindi mo nalang itanong, 'Nasaan si Lexus?'. Pasimple ka pa, alam ko naman na siya lang ang concern mo sa kanilang tatlo. Naaawa tuloy ako dun sa dalawa."

Inirapan ko siya. "Just answer my question, Ches. You talk a lot."

She sighed. "Umuwi sila kagabi dahil may dala namang sasakyan sila Lexus at Ian. Isinabay na din ni Ian si Linden."

"What about Joshua and Blair?" muli kong tanong.

Nakita kong bahagya siyang napatigil nang banggitin ko ang pangalan ni Joshua ngunit agad din naman siyang nakabawi. Nginiwian niya ako at kumunot ang noo niya.

"Tell me, Res. May epekto pa ba yung ininom mong alak at mukhang hindi pa matino yang utak mo? Pati ata mga mata mo ay hindi na gumagana ng maayos."

"Huh? My head hurts but I think wala nang epekto yung alcohol."

Tinuro niya ang bandang kaliwa ko at agad naman akong napalingon doon. Halos mapamura ako nang makita ko ang nakahalukipkip na si Blair habang inaantok na nakatingin sa akin. What the hell?! Bakit hindi ko manlang siya napansin?!

"Actually, ako ang pinakaunang nagising sa ating tatlo. How come hindi mo ako napansin? Kanina pa ako nakaupo dito habang hinihintay kayong magising." saad niya.

Maybe it's because of this damn headache! Ugh! Hindi na ulit ako titikim ng alak kahit na isang patak!

"Hayaan mo na muna siya, Blair. Mukhang may hangover yang pinsan mong ginawang tubig yung alak. I think, tayong dalawa nalang muna ang papasok. We need to get ready para makahabol pa tayo sa third subject."

Tumayo si Ches at nagstretching. Pagkatapos ay kinuha niya ang phone niya at nagdial. From what I heard, inuutusan niya ang isang katulong nila na magdala dito sa bahay ng susuotin niya, pati mga gamit niya sa school. Ang sakit na nga ng ulo ko, tapos mas lalo pang sumasakit dahil sa pagkalito. Why is she acting normal? Hallucination ko lang ba yung nangyari kagabi? Panaginip ko lang ba yung sa laro?

The Bitch and The Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon