"Hurry up, nerd! Ang bagal mo!"
Excited akong pumunta sa arcade pero itong nerd na ito, napakabagal maglakad. Hindi pa siya nagsasalita simula kanina. Mukhang masyado niyang sineryoso yung mga sinabi ko kaya tuluyan nang napipi.
Naalala ko kasing ibinigay sa akin ni Kuya Samuel yung card niya sa Time Zone na ginamit niya dito. Ang sabi niya, sayang naman daw kung hindi magagamit. Kaya heto, imbis na tumunganga kami ni nerd dun sa bench, mabuti pang maglaro nalang kami.
Pagdating namin sa Time Zone ay agad akong dumeretso dun sa mga laro. Sumunod naman sa akin si nerd.
Halos lahat ng laro ay nasubukan naming laruin. I mean, ako lang pala dahil nasa gilid ko lang siya habang pinapanood ako. Minsan nahuhuli ko ang mga sikretong pagngiti niya.
Dahil gumana ang pagiging maloko ko, minsan ay sinasadya kong sirain yung mga gamit. Hinahampas ko yung mga screen kapag hindi nakatingin yung bantay. Hinahampas ko din yung iba pang mga gamit gaya ng mga pekeng baril at kung ano ano pa. Enjoy na enjoy ako sa mga pinaggagagawa ko. Minsan pinipigilan ako ni nerd pero wala din naman siyang nagagawa.
Ilang oras din ang itinagal namin hanggang sa mapako ang tingin ko dun sa mga naglalaro ng basketball. I think, yan nalang ang hindi ko pa nasusubukan sa lahat ng laro dito.
"You know how to play that?" turo ko sa basketball.
Umiling lang si nerd.
"Good. I don't know how to play that too. Paramihan tayo ng score. Ang matalo, kakanta diyan." turo ko sa videoke.
Naexcite tuloy ko dahil maraming tao. Kung ako ang mananalo, mapapakanta ko si nerd sa harap ng mga taong to. Sakto, I need a good laugh today. I mean, I need another good laugh.
"I-I c-can't." nauutal niyang sagot.
Ngayon lang uli siya nagsalita. Hinampas ko ang braso niya.
"Don't be such a kill joy!" singhal ko. "It's a deal! When you lose, you'll sing. When I lose, I'll sing. As simple as that."
Simple for me. Napatawa ako sa isip ko. Blair often say that she loves my voice whenever I sing. So kahit matalo ako dito, ayos lang.
"H-Hindi talaga ako m-marunong niyan L-Larinae."
Inirapan ko siya. "Didn't you hear me? I said, hindi rin ako marunong. And this is just for fun. Dapat kasi umalis ka nalang kanina. Whether you like or not, you will like it." natatawang sabi ko.
"O-Okay." pagsuko niya.
"Yes!" I exclaimed.
Nagswipe ako gamit yung card sa dalawang station. Wala na siyang ibang nagawa kundi magready.
"One... Two... Three... Go!"
Nagsimula kaming magshoot. Halos hindi ako makapag concentrate sa paglalaro tuwing nakikita kong sumasablay ang bawat tira niya. Halos hindi na ako maawat sa pagtawa.
Seryosong seryoso siya sa paglalaro pero wala talagang pumapasok kahit isang bola. Paano ba namang hindi? Eh sobrang nanginginig ang mga kamay niya.
Nanginginig din ang mga kamay ko dahil sa kakatawa pero kahit papaano ay meron naman ako nashoshoot. Siguro masyado lang talaga siyang lampa.
Natapos ang laro matapos ang ilang minuto. 3-1 ang score namin. Syempre, ako ang nagwagi kaya para siyang naluging bumbay ngayon. Hindi ko nanaman napigilang tumawa.
"Paano ba yan, nerd? You will sing!" I cheered.
"N-Nakakahiya." nakayukong sabi niya.
Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya. Para naman siyang nanigas sa kinatatayuan niya kaya natawa ulit ako.
BINABASA MO ANG
The Bitch and The Nerd (COMPLETED)
Teen FictionSHE is a bitch. She was hated by many because of being mean and brat. Meanwhile, HE is a nerd who fell in love with her despite of her bad attitude. Will she do her best to ignore and push him away at all cost? Or will she fall in love with the...