Chapter 10

502 21 0
                                    

"Hindi ka talaga papasok, Res?"

"Hindi nga! Ano ba Joshua?! Wag kang makulit!"

"Hindi ka na nga pumasok kahapon ng hapon tapos ngayon aabsent ka ulit? First week of classes palang uy."

"So what? Friday ngayon. Kapatid ng sabado kaya walang pasok."

"At saan mo nakuha ang rason mo na yan? Magtino ka nga!"

"Look who's talking." sarkastikong sabi ko at tumalikod sa kanya.

Matapos ng nangyari kahapon? Hindi ko pa kayang pumasok. Huli na nang mapansin kong nakatingin na pala sa amin ni nerd yung mga estudyante sa paligid. Yung iba ay tumatawa pa. Pero hindi ko alam kung ano ang tinatawanan nila. Kung yun bang alam nilang nakatagos ako, o dahil kasama ko si nerd.

Pagkatapos ng kahihiyan na yun ay tumakbo ako palabas ng school at nag-abang ng taxi. Dumeretso na ako pauwi at hindi na pumasok.

Para saan pa?

Para pagtawanan ng mga estudyante?

Tss. I'd rather stay here and sleep all day. Pampabawas ng stress.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit mabilis akong mairita. Freaking monthly period. Hindi ko manlang naramdaman. At nakita pa ng nerd na yun na... Ugh! Basta!

"Hoy Res! Baka matagusan mo yang bed sheet ko! Lumayas ka nga diyan!"

Pinilit niya akong bumangon mula sa kama niya pero hindi ako nagpatalo. I'm too sleepy to argue with him.

"Hindi ikaw ang naglalaba kaya wala kang karapatang magreklamo." katuwiran ko. "Kaya please lang. Lumayas kana dito. Inaantok pa ako."

"May karapatan akong magreklamo kasi kwarto ko to! At wala kang karapatang paalisin ako dito dahil nga kwarto ko to!"

Hindi ko na siya pinansin at pumikit nalang. I need more sleep dahil nagkatotoo ang kasinungalingan namin ni Blair kahapon. Halos magdamag na nagtatatahol yung mga aso ng kapit-bahay. Sa sobrang ingay ay hindi ako nakatulog ng maayos.

Ngayon namang tahimik na sila, may isang malaking aso naman na nangungulit sa akin. Nakaka-asar.

"Hell! Kung alam ko lang na ganito kaboring ang magiging bakasyon ko dito sa Pilipinas, sana hindi na ako umuwi!" atungal niya.

Yeah right. Sana nga hindi nalang siya umuwi. Para hindi na kami namomroblema ni Blair sa pagpapalusot sa mga bagay na konektado sa kanya.

"Bumangon ka diyan Res! Samahan mo nalang akong mamasyal!"

Hindi ko parin siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya. I want to sleep.

"Fine! Kung ayaw mo akong samahan edi wag! Mag-isa ko nalang mamamasyal sa eskwelahan. Para naman makita ko yung mga kaklase ko dati."

Bigla akong napabangon sabi niya. "Wag kang pupunta dun!" bigla kong naibulalas.

"At bakit hindi pwede?" naningkit ang mga mata niya.

"Duh? Outsiders are not allowed. Alam mo yan."

It's one of the school's rule. Ang mga nakakapasok lang doon maliban sa mga estudyante at faculty staffs ay yung mga may permission. Masyadong mahigpit ang school sa mga ganoong bagay para na rin masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante.

"I'm not an outsider. We own that school so I can visit whenever I want."

Oh shit. Palpak ang palusot ko. I need to think of another one. Lihim akong napangiti nang may naisip ako. I need to take advantage of the situation.

The Bitch and The Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon