"Huy, Larinae. Natulala ka diyan."
Hindi ko siya pinansin. Gulat parin ako sa nalaman ko tungkol sa magulang niya. Kahit na hindi niya kinukumpirma na yung mga big time na taong yun ang magulang niya, sigurado ako. Ilan ba ang Diana at Benjamin Cruz na mag-asawa na kilala ko? Sila lang!
Tinitigan kong mabuti si Reev. Oo nga, kamukha niya si Benjamin Cruz kung wala yung salamin niya at kung maayos yung buhok niya. Damn. Bakit ngayon ko lang napansin? Madalas kong makita ang mukha ng Dad niya kung saan saan dahil nga sikat ito, bakit hindi ko agad napansin?
Naisip ko yung mga panahong ininsulto ko siya. Damn. Totoo ba talaga ito? O baka naman nanaginip lang ako?
"Huy, Larinae!"
Bumalik ako sa katinuan nang pumitik siya sa harap ng mukha ko. Agad ko siyang sinamaan ng tingin.
"Reev, am I dreaming? You're not really Benjamin Cruz' son, right?" wala sa sariling tanong ko.
Humalakhak siya. "Larinae naman, kahit naman malaking tao ang Daddy ko, ako parin naman to. Still treat me the way how you treat me before. I'm just Reev Linden Cruz. Nothing special."
"I'm just Reev Linden Cruz. Nothing special." I mimic. "You're Reev Linden Cruz, son of a famous chef and businesswoman and a multi millionaire attorney and businessman! Now, tell me if there's nothing special!"
Tumawa lang siya at sumulyap sa relo niya. Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "It's almost 8. Kailangan mo nang umuwi. Mukhang uulan na din." sabay tingin niya sa kalangitan.
Tumayo siya at pinagpag ang suot niyang pantalon. Ganun din ang ginawa ko. Nagpresita pa siyang tulungan ako sa pagtayo at inilahad ang kamay niya pero tumanggi ako. I can manage.
Hindi ako nahirapang bumaba. Mas kinabahan ako kaninang paakyat. Damn, Cruz! Sarap sapakin! Kahit na gustong gusto ko sa taas, parang ayaw ko na ulit umakyat dito sa hagdan.
Bumalik kami sa loob ng bahay nila dahil kailangan ko nang mag-paalam. Nakita ko agad ang Nanay at Tatay ni Reev na nakaupo sa tapat ng dining table habang nag-uusap. Lumapit kami sa kanila.
"Mr. and Mrs. Abalos, mauuna na po ako." paalam ko.
Ngumiti naman silang dalawa. "Nanay at Tatay nalang din ang itawag mo sa amin, tutal kaibigan ka naman ni Den Den. Ganun din naman ang sa amin ni Blair kapag nandito siya." wika ng Nanay ni Reev.
Nahihiyang tumango ako. Nanay at Tatay? Sila ang mga unang taong tatawagin ko ng ganun.
Pero sandali, Den Den?
Napatingin ako kay Reev at hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa dahil sobrang pula niya ngayon at mukhang sobrang napahiya. Den Den pala, ah?
"Sige po, N-Nay, T-Tay, aalis na po kami." paalam ko.
Maging ako ay siguradong sobrang pula na. Nahihiya pa ako sa mga magulang niya.
Tinanguan at nginitian nila kami. Napansin kong hindi kasama ni Jay ang mga kaibigan niya dahil wala siya sa sala. Mukhang alam naman ni Reev kung nasaan ito kaya dumeretso siya sa isang kwarto. Sinundan ko naman siya. Ito yung pinasukan ni Hannah kanina.
Naabutan namin yung tatlong magkakapatid na nag-uusap. Mukhang may sinasabi yung dalawang lalaki kay Hannah na may hawak pang educational book. Mukhang nagmana nga talaga siya sa Kuya niya.
Nilibot ko ang tingin sa kwarto. Medyo malaki iyon at may tatlong kama na nakalagay. May mga nakasabit din na frames ng certificates, medals, picture frames at mga poster ng anime. Marami ring libro na nakalagay sa isang bookshelf at may mga nakakalat din sa study table.
BINABASA MO ANG
The Bitch and The Nerd (COMPLETED)
Teen FictionSHE is a bitch. She was hated by many because of being mean and brat. Meanwhile, HE is a nerd who fell in love with her despite of her bad attitude. Will she do her best to ignore and push him away at all cost? Or will she fall in love with the...