Hindi pumasok si Ches kinabukasan. Kami lang ni Blair ang magkasama ngayon habang kumakain ng lunch dahil yung mga lalaki ay hindi rin sumabay sa amin sa hindi namin malamang kadahilanan. Hindi ako pinapansin ni Lexus at nagpaalam sa amin si Ian na di siya makakasabay pero di naman sinabi kung bakit. Yung nakakainis na nerd? Ngumiti lang kay Blair bago umalis pero di manlang ako tinapunan ng tingin.
Naiinis ako.
Si Lexus, maiintindihan ko pa kung bakit di namamansin. Pero siya? Wala naman akong ginawa sa kanya!
Humikab ako at marahang napapikit. Damn, I'm so sleepy.
"Tell me, Res. Natulog ka ba? Bakit mukhang inaantok ka? Pang ilang hikab mo na yan." puna ni Blair bago sumubo sa kinakain niya.
I just shrugged at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko din alam kung anong masamang espirito ang sumapi sa akin at hindi ko nilubayan ang pesteng cellphone ko kagabi. Damn it. Dahil dun kaya halos alas dos na ako nakatulog. Kung ano man ang problema sa akin ng Reev Linden Cruz na yun, siguraduhin niya lang na katanggaptanggap ang rason niya. Dahil kung hindi, I will definitely kill him. I'm also bothered about Lexus and Ian's relationship. Hanggang ngayon ay hindi parin sila okay. At hindi ko din alam kung paano maibabalik yung friendship namin ni Lex.
I sighed. Siguro nga masyado na akong na attach sa kanila. Na hindi naman dapat. Ngayon tuloy ako itong namomroblema. Damn it.
Napahilot ako sa sintido ko. Tinignan ko si Blair na busy sa pagnguya ng pagkain niya. Napakunot ang noo ko.
"You're pale, Blair. Are you alright?" kunot noong tanong ko sa kanya.
"Mmm." yan lang ang sagot niya at nagpatuloy sa pagkain.
Napailing nalang ako. Pagkatapos naming kumain, sinabi ko sa kanyang mauna na siyang bumalik sa room dahil kailangan kong dumaan sa restroom. Kailangan kong mag ayos ng sarili ko. Feeling ko kasi napahaggard ko na.
Malapit na ako sa pinto ng restroom nang may mga narinig akong nagchichismisan.
"Sure ka ba sa nakita mo, Jen?"
"Oo nga Li! Napakulit mo naman. Nagulat nga ako eh. Kasi nga diba si—"
Napatigil sila sa pag uusap nang pumasok ako. Tinignan nalang nila ako na para bang nakakakita sila ng multo. Tsk. Masyado na ba akong maganda para mastar struck sila? Tinaasan ko sila pareho ng kilay at nagmadali naman silang lumabas.
Freaks.
--
Lumipas ang araw, walang nagbago sa set up namin. Umiiwas parin sa akin sila Lexus at Reev. Halos ikamatay ko pa tuwing pumapasok ako dahil nasa gitna nila akong dalawa. Parang sobrang bagal ng takbo ng oras tuwing nasa gitna nila ako.
Kami nila Blair, Ches at Ian ang laging magkakasama. Well, hindi ko din naman namalayan ang paglipas ng araw dahil sa finals. Buti nalang din at nagkaroon ako ng diversion. I spent most of my time studying. Malapit na kasi ang sem break.
"Sumakit ang ulo ko dun!" reklamo ni Ian at umupo.
Inilapag namin sa mesa ang mga order naming snacks. Mostly, finger foods ang inorder namin.
"Ako din! Halos dumugo ang utak ko! " segunda naman ni Blair. "But at least, we're free now." dagdag pa niya.
They're refering to our final exams na katatapos lang ngayon. Ako din, halos madrain ang utak ko sa mga exams namin. Malayong mas mahihirap ang exams ngayong Senior High kaysa noong Junior High.
"Hindi naman masyadong mahirap kung talagang nag aral ka." humahalakhak na sabi ng baliw na si Ches.
Napairap nalang ako. Edi siya na ang matalino. We were so shocked nang malaman namin na break na sila ni Kuya King. She said that Kuya King is the one who ended their relationship. She cried but she also said that she understand him. Pag uwi ko ng bahay nang araw na yun, sinugod ko agad si Kuya King sa kwarto niya, only to find him crying. I asked him for his reasons but he just smiled. Hindi ko kasi siya maintindihan. If he really love Ches, dapat ipinaglaban niya ito. Why give up if you can fight, right? Err, that's a little bit eww. But I know I have a point.
BINABASA MO ANG
The Bitch and The Nerd (COMPLETED)
Teen FictionSHE is a bitch. She was hated by many because of being mean and brat. Meanwhile, HE is a nerd who fell in love with her despite of her bad attitude. Will she do her best to ignore and push him away at all cost? Or will she fall in love with the...