"Ouch!" daing ko nang sabay nila akong binatukan.
Tinignan ko sila ng masama pero seryoso lang silang tumingin sa akin. Ano bang trip ng dalawang to?!
"I'm only 15." wika ni Blair.
"I just turned 16." sabi naman ni Ches.
"So?" mataray kong tanong.
"Hindi pwede ang gusto mo!" halos sabay nilang sigaw.
Ano to? Sabayang pagbigkas? Tss.
"I'm just kidding. Masyado kayong OA." irap ko.
Pero hindi parin nagbago ang ekspresyon sa mga mukha nila. Seryoso parin sila at parang mga halimaw na balak akong kainin anumang oras. Hindi na mabiro ang dalawang ito. Hinding hindi ko din naman masisikmurang uminom ng alak. Sabi nila mapait daw ang lasa nun, kaya bakit ko pa susubukan?
"Aba dapat lang. 16 ka palang din. At kahit nasa legal age na tayo, bawal parin tayo sa mga ganyan. Kaya wag mo nang balakin."
"Whatever, Ches. Saan tayo pupunta ngayon?" tanong ko.
Nagkibit-balikat siya. "Dunno. Ikaw ang nagyaya, kaya ikaw ang magdecide."
Pero trip ko lang namang pumunta dito. Ni wala akong nagawang plano. Pero madalas, mas maganda na yung mga lakad na biglaan basta sigurado. Kaysa sa mga lakad na plinano, pero di naman natuloy. In short, 'Drawing'.
"I want some ice cream." biglang singit ni Blair.
Tumango ako. "Okay then. Sa ice cream parlor tayo."
Nauna na ako sa paglalakad at sumunod yung dalawa. I glanced at my watch. 5:37 PM na. Nandito na kaya sila Joshua? Ang sabi ni Blair, noong isang araw pa ang flight nila paalis ng US pero gusto daw ni Joshua na mamasyal sandali sa Japan.
Pagdating namin sa ice cream parlor, umorder na kami. Of course, this is Ches' treat dahil birthday niya. I ordered chocolate flavored ice cream. Strawberry naman kay Blair at cookies and cream kay Ches. We waited for few minutes bago dumating ang order namin.
"Ang bilis talaga ng takbo ng panahon. Parang kailan lang nung last birthday ko, tapos ngayon 16 na ako." nag scoop siya sa kanyang ice cream at kinain ito.
I agree with her. Parang kailan lang nung umalis si Levi pero ngayon uuwi na siya. Halos bumiktad ang sikmura ko nang maalala ko iyon.
"Ang tatanda niyo na. Matagal pa ako magsisixteen." natatawang sabi ni Blair.
Gusto ko sanang sumabat sa sinabi niya pero masyadong masarap itong ice cream para tigilian kong kainin at sagutin siya.
"Sadyang maaga ka lang talagang nag-aral, Blair. Sapakin kita diyan eh." pangongontra ni Ches.
"Nope, sakto lang ang age ko. Si Res, late nag-aral. Si Kuya Joshua dapat ang kabatch niya. Grade 12 na sana siya ngayon. Diba Ate Res?"
Sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya. Halata kasing inaasar niya lang ako dahil diniinan niya ang pagkakasabi niya ng 'Ate'. 8 months lang naman ang tanda ko sa kanya. Err.
She used to call me 'Ate' before dahil yung ang itinuro sa kanya ng parents niya. Pero nang lumaki na kami, I think 6 ako at 5 siya, sinabi ko sa kanya na hindi na niya ako kailangang tawaging Ate. Hanggang sa nasanay na siyang tawagin ako ng Res.
"May binanggit kang hindi kahali-halinang pangalan, Blair. Wag mo nang uulitin hah?"
Umirap si Ches at tumingin sa kabilang direksyon. Natawa si Blair sa naging reaksyon niya samantalang ako naman ay napangisi.
BINABASA MO ANG
The Bitch and The Nerd (COMPLETED)
Teen FictionSHE is a bitch. She was hated by many because of being mean and brat. Meanwhile, HE is a nerd who fell in love with her despite of her bad attitude. Will she do her best to ignore and push him away at all cost? Or will she fall in love with the...