Chapter 46

374 17 0
                                    

"Res, totoo nga? Nanliligaw ba talaga sayo si Linden? Pumayag ka ba talaga? Gusto mo ba siya?"

Ilang araw na akong kinukulit ni Ches tungkol sa panliligaw ni Reev. Ilang beses ko na din siyang sinagot ng oo pero hanggang ngayon ay di parin siya makapaniwala. Sa sobrang inis ko ay nilagpasan ko nalang siya at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa room namin. Kung bakit kasi sa dinami dami ng tao siya pa ang makakasabay ko.

It's been a week nang sabihin sa kanila ni Reev na nililigawan niya ako. I didn't know he's really serious about it. Nang sabihin niya yun sa mga kaibigan namin, akala ko hindi magiging maganda ang epekto nun kila Ian at Lexus dahil pareho ko silang hindi pinayagan. Pero mukhang wala lang naman sa kanina. Tuwang tuwa pa nga si Ian nginisian ako.

The news has spread like a wild fire. But my life was still peaceful these past few days. It's a miracle na walang nangbash sa akin dahil nililigawan ako ng isang nerd, or dating nerd rather. Maybe because wala naman talaga silang mapupuna. Reev is intelligent, has a name, and without his glasses, he's handsome.

My phone beeped.

Binabawi ko na ang sinabi kong naging peaceful ang buhay ko. Peaceful na sana kung walang nakakainis at napakakulit na nilalang na tinatadtad ako ng text araw araw.

It's Aian.

Ang tanga ko lang dahil nakalimutan kong burahin ang number ko sa kanya nang nakitawag ako. Now he keeps on pestering me. Ayaw ko namang iblock ang number niya coz I find it rude. And I don't want to be rude to him kahit nakakainis siya. Dunno why.

Nakarating kami sa classroom. Himalang mag isa lang ni Reev sa table namin. Usually tuwing dumadating ako ay meron na sila ni Yvette na kung hindi nag aaral ay nagkwekwentuhan.

"Where's Yvette?" pambungad ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya bago sumagot. "Di siya makakapasok. Iyak ng iyak. Nakipagbreak kasi sa kanya ang boyfriend niya."

This time, ako naman ang napakunot ang noo. What the hell?! Batid kong naiinis ngayon si Reev at ganun din ang nararamdaman ko. Ang kapal naman ng mukha ng boyfriend niya para makipagbreak! Yvette is a full package! Ang tanga niya para pakawalan pa ito!

Hindi na kami nakapag usap pa pagkatapos nun dahil dumating na yung adviser namin. Habang nagdidiscuss siya ay tumatakbo ang utak ko kay Yvette. Maybe I'll call her later. I consider her as one of my friends now kaya normal lang naman siguro na mag alala ako sa kanya.

Nang lunch break, nagpaalam si Reev na may kailangan siyang tapusin kaya pupunta muna siya sa office niya. Dahil gutom na ako at may kung anong ginagawa pa yung apat, nauna na ako sa cafeteria para mag order.

After ordering, I went to our usual spot to eat.

"Kaya hindi ka tumataba eh. Ang konti ng kinakain mo."

Halos mabilaukan ako nang biglang sumulpot si Aian harap ko. Damn! Anong ginagawa ng isang to dito?! Paano siya nakarating dito?! Paano siya nakapasok?!

"How in the hell did you get here?!" hindi ko napigilan ang sarili kong mag burst out.

Lahat ng mga mata sa cafeteria ay nakatuon na sa amin. The girls are looking at him with admiration. Can't blame them. This guy is smokin' hot. Kahit na nakasimpleng black shirt, blue jeans at sneakers lang ito ay nakapalakas ng dating niya. But shit!? Bakit nandito siya?!

"Gamit yung sasakyan ko?"

I badly want to wipe off his annoying smirk. Damn. Can I kill him?!

"Hindi ako nakikipaglokohan sayo, Aian. Leave here at once." malamig na sabi ko.

The Bitch and The Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon