"Akala ko pa naman panis na yung tag line mo na yun."
Kanina pa tawa ng tawa yung baliw na si Chesly habang yung mukha naman ni Blair ay halos hindi na maipinta. Yeah right. Ayaw na ayaw niyang nakikipag-away ako sa iba. At ayaw din niyang nasasangkot ako sa kahit na anong gulo.
"I'm not bitch, I'm Resort." pag-uulit pa ni Ches sa sinabi ko kanina tapos muling tumawa. "Tapos ayaw na ayaw mong magpatawang ng Resort. Baliw ka nga talaga, Res."
Inirapan ko nalang siya. Nasanay na akong sabihin yun tuwing may tumatawag sa aking ng 'Bitch'. Ewan ko ba kung saan nagsimula to. Basta ang alam ko, meron yung time na nag-away kami noon ng kaklase ko sa elementary kung ano ang mas maganda. Kung beach ba o resorts sa syudad. Edi syempre ipinaglaban ko yung resort dahil sa pangalan ko. Hanggang sa sinigawan niya ang ng 'Bitch ka!'. Sa pag-aakalang beach yung sinabi niya, I replied 'I'm not beach, I'm Resort'. At dun na ata nagsimula ang lahat.
Ayaw na ayaw kong tinagawag ako ng kung ano ano kaya mabilis akong mapikon sa mga ganoong bagay.
"Ches naman! Imbis na pagsabihan mo ang babaeng yan pinagtatawanan mo pa! Kaya hindi yan natututo eh!" inis na sabi ni Blair.
"Sorry na Blair. Nakakatawa lang kasi talaga. Oh, nandiyan na pala ang sundo ko. See you tomorrow, classmates." at inemphasize pa niya yung word na 'classmates'.
Kinindatan pa niya kami bago pumasok sa kanilang sasakyan. Naiwan kaming dalawa ni Blair na naghihintay. Wala parin siya sa mood kaya napagdesisyonan kong wag nalang muna siyang kausapin. Masama na, baka mas lalo lang mag-init ang ulo niya. Hanggang sa dumating ang sundo naman ay hindi niya ako ako kinibo. She's really mad.
"Blair." tawag ko sa kanyang habang nasa byahe kami.
Bahagya siyang napakislot dahil sa pagtawag ko pero umayos din siya ng upo.
"Ano?" tugon niya ng hindi ako nililingon.
"I-I'm sorry." nakayukong sambit ko.
Hindi parin niya ako nilingon. Nanatili lang siyang nakatanaw sa bintana. Mukhang wala na siyang balak pansinin ako.
Pero sandali...
Ano bang nagawa ko?
"Huwag kang magsorry dahil sawa na akong marinig yan mula sayo." nagulat ako nang bigla siyang magsalita at tumingin sa akin ng seryoso. "Una, inilipat mo ako sa Section A ng lingid sa kaalaman ko. Naisip mo ba kung anong sasabihin ni Tita kapag nalaman niya ito? Magagalit siya, Res! Pangalawa, ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayusin mo yang tono ng pananalita at yang kilos mo? Oo, sa akin at kay Ches ayos lang dahil sanay na kami. Pero paano sa ibang tao? Ano nalang ang iisipin nila? Pangatlo, yung ginawa mong pagbabanta kay Linden. Scholar lang siya at mahalaga sa kanya ang pag-aaral niya. Kung titignan, hindi naman talaga siya ang may kasalanan. Ikaw yung bumangga sa kanya dahil sa paghahabol mo sa akin. Pang-apat, hindi maganda yung ginawa mo kanina. Parang lagi ka nalang nag-hahanap ng away. Paano kung totohanin ng Mommy mo yung banta niya sayong tatanggalin ka niya dito sa school? Masyadong fair at strikto si Tita kaya sigurado akong kaya niya yun gawin! You know what? I'm done lecturing you. Hindi ka naman nakikinig sa akin. Pero sabagay, sino ba naman ako para pakinggan mo? I'm just your freaking cousin. Bahala kana sa buhay mo."
Nag-iwas siya ng tingin at bumaling sa kabilang direksiyon. Pero kapansin pansin ang mga luhang tumulo mula sa kanyang mga mata na pinunasan niya gamit ang kanyang palad. Alam kong hindi niya iyon gustong ipahalata sa akin pero hindi naman ako bulag.
My cousin is crying because of me.
Hindi ko maiwasang hindi maguilty.
Sa lahat ng mga pinsan ko, siya ang pinakamalapit sa akin. Not that I'm not close with my other cousins. Close ko din naman sila. Pero gaya nga ng sinasabi ng mga relatives namin noon, Blair and I are inseparable. Simula pagkabata, gusto naming kami ang laging magkasama. Laging kaming magkadikit at magkasangga.
BINABASA MO ANG
The Bitch and The Nerd (COMPLETED)
Teen FictionSHE is a bitch. She was hated by many because of being mean and brat. Meanwhile, HE is a nerd who fell in love with her despite of her bad attitude. Will she do her best to ignore and push him away at all cost? Or will she fall in love with the...