Chapter 12

449 17 0
                                    

"What happened to you guys? Para kayong nakawitness ng patayan. Especially you, Kuya. Ang putla mo." salubong sa amin ni Blair na nakaupo sa sofa.

Believe me, Blair. Baka mas malala pa dito ang magiging reaksyon mo kung ikaw ang nasa posisyon ko.

Kararating lang namin ni Joshua mula sa mall. Kanina pa siya nakatulala sa kawalan. I tried to talk to him but he didn't respond.

"I'm tired. Magpapahinga na ako."

And right after he said that, he went to his room, leaving me and Blair confused. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito, pero may hinala na ako.

And somehow, naiintindihan ko siya. Of course, who won't be shocked when you saw your ex-girlfriend dating your cousin? Maging ako ay gulat na gulat sa nangyari kanina. At hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala.

Umupo ako sa tabi ni Blair at sumandal sa kanya. I feel so tired too. Pero hindi ako pwedeng pumunta sa kwarto ni Joshua. I think he needs some time alone.

"Res, what happened? At bakit kayo nakasuot ng couple shirt ni Kuya?"

"It's a long story. And about our shirts, it's just a trip. Wala kaming magawa kanina."

Pumikit ako habang inaalala ang mga nangyari kanina. Ches is dating Kuya King. She didn't tell us that she was almost killed that day.

And damn! Ginawa namin ang lahat para hindi sila magkita ni Joshua! Tapos makikita nalang namin siya na may kadate pang iba?! And worst, pinsan pa namin! Oh shit. Literal na sumasakit ang ulo ko.

"Oo nga pala, may ibibigay ako sayo."

Napatingin ako kay Blair. May hinalungkat siyang kung ano sa bag niya. I hope it's something useful. Ilang segundo pa ay may inilabas siyang isang bagay. Napakunot ang noo ko.

A keychain?

Anong gagawin ko diyan?

"What's that?" tanong ko.

"Keychain." sagot niya.

Umriap ako. "Alam ko kung ano yan. Ang ibig kong sabihin, saan galing yan? At aanhin ko naman yan?"

It looks so cheap. And it doesn't look useful to me. Simpleng light bulb lang ang design nito.

"Don't you find it cute? Kung pwede nga sana sa akin nalang ito. Pero hindi pwede. This is yours." iniabot niya ito sa akin pero hindi ko tinaggap.

Ibig sabihin hindi ito galing sa kanya?

"Kanino galing yan?" tanong ko.

If it's from Lexus, tatanggapin ko ito agad.

Ngumiti siya. "It's from your secret admirer. And I won't tell you who is he."

Tumawa ako ng mapakla. "You mean, stalker. Not admirer. Siguro pangit yan kaya ayaw mong sabihin kung sino. I'm sorry but I will not accept that."

Admirer? Kalokohan.

"He's not ugly! He's actually cute. Kaya tanggapin mo na ito. Kapag may nagbigay sayo ng regalo, accept it. Treasure it. It could be a remembrance. For example, binigyan kita ng bracelet. When I died, you can always remember me by just looking at it." nakangiting paliwanag niya.

Hinablot ko yung keychain at tinignan siya ng masama. How can she say that to me while smiling? I suddenly want to strangle her to death right now.

"Fine, I'll keep this. But what you said isn't funny! Hindi magandang magbiro tungkol sa mga ganyan Blair. Say that again and I'll be the one to kill you."

The Bitch and The Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon