"Ayos na ba sayo ito? O may kailangan ba akong alisin o idagdag?"
Napangiwi ako sa tanong ni Reev. His plan is perfect and I'm sure na magiging maganda ang kalalabasan ng school fair ngayong taon. Ewan ko ba kung bakit niya pa niya hinihingi ang opinyon ko gayong hindi naman na talaga kailangan. Tuwing kailangan na naming ayusin yung mga gagawin sa school fair, lagi nalang akong parang props lang sa gilid. Ugh, ewan ko ba kung bakit sinasama pa niya ako dito sa office niya. Mukhang nakakaabala lang naman ako.
Naiilang ako sa kanya at hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung bakit. Kung dati nakukulit ko pa siya, ngayon, ni hindi ko siya magawang tignan sa mata. Nakaka-inis. Bakit ba kasi ganito? Ano bang nangyayari sa akin? This is so not me. And damn! I really hate it.
"I think it's perfect." sinabi ko nang nakatingin sa wall clock sa taas ng cabinet.
Bakit ba ang tagal mag ala una ng hapon? Kanina ko pa binabantayan yun orasan at halos magmura na ako sa sobrang bagal ng ikot nito. Buong lunch break kaming dalawa dito sa office niya. At ang awkward nun para sa akin. Kahit kaninang kumakain kami ng lunch ay halos hindi ko malunok ang pagkain ko.
Simula last week, naging busy SIYA sa about sa school fair, at dahil sa parusa ko, wala akong ibang magawa kundi bumuntot sa kanya kahit na wala naman talaga akong naitutulong. Ewan ko ba sa nerd na to. Pwede naman niyang sabihin na hindi na niya ako kailangan.
Simula din nun, kaming dalawa na ang nagsasabay sa lunch. Sila Ian at Lexus naman, lagi nang may practice kaya hindi na madalas nakakasama sa amin. Niyaya ni Reev sila Ches at Blair na maglunch nalang din sa office niya pero sa hindi ko malamang kadahilanan, hindi pumapayag yung dalawa. Medyo nasaktan ako dun dahil nasanay akong kasabay sila lagi.
Okay na si Blair ngayon. Ang sabi niya sa akin ay pagod lang daw siya noon. Pero sa totoo lang? Hindi ako kumbinsido sa mga sinabi niya. Ni hindi manlang siya ngumiti habang kausap ako. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na may problema talaga siya, at isa pa, masyado talaga siyang halata. Nag-aalala ako, oo. But at the same time, naiinis ako dahil parang naglilihim na siya sa akin.
Naiintindihan ko naman na ayaw niya lang na mag-alala ako. Pero sana sinasabi niya parin kung ano talaga ang nararamdaman niya. Ugh, hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. Gusto kong sabihin na bahala na siya sa buhay niya, pero alam ko naman na hindi ko kaya.
I sighed. Pakiramdam ko pa ay may mga secret conversations sila ni Ches na ayaw ipaalam sa akin. Lately nagiging paranoid na talaga ako. Alam ko naman na kahit kailan hindi nila magagawang maglilihim sa akin pero hindi ko talaga maiwasang mag-over think.
"Kanina ka pa nakatingin sa orasan. Gusto mo nang bumalik sa room? It's okay. Tapos naman na tayo for today. Pero mauna ka na kasi kailangan ko pang dumaan sa office ng Mommy mo para ipacheck ito." tinaas niya ang kamay niyang may hawak nung papel na binasa niya sa akin kanina.
"Uh, okay." awkward kong sabi bago tumayo at naglakad patungo sa pinto.
Nang napihit ko na ang doorknob, muli niya nanaman akong tinawag. Napalingon ako sa kanya at nakita kong may hawak na siyang box.
"Uhm, Larinae. Gusto ko sanang ibigay ito." lumapit siya sa akin at iniabot yung box.
Hindi naman ito kalakihan at hindi ko alam kung ano ang laman nito. Napatingin ako sa kanya.
"W-What's that?"
"Cookies." ngumiti siya. "Me and my sisters baked this. Naisipan lang kitang bigyan."
"O-Okay? T-Thank you." nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
Nag-aalangang kinuha ko yung box. Para sa akin, mukhang pinag-handaan ito na ibigay. Malinis at maayos ang box at parang hindi siya ang naprepare.
BINABASA MO ANG
The Bitch and The Nerd (COMPLETED)
TeenfikceSHE is a bitch. She was hated by many because of being mean and brat. Meanwhile, HE is a nerd who fell in love with her despite of her bad attitude. Will she do her best to ignore and push him away at all cost? Or will she fall in love with the...